Chapter 48

1.5K 59 2
                                    

Ms. Black's POV

Nanginginig ang mga paa't kamay ko. Ang mga tuhod at ang buo kong katawan. Ang lamig. Parang namamanhid na ang buo kong sistema. Gusto kong tumakbo palayo. Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong tumakas. Pero hindi ko alam kung paano. Paano nga ba ako makakaalis sa lugar na ito? Paano ako makakatakas? Makakatakas pa ba ako? Makakalaya pa ba ako? Kailan? Kailan ko muling masisilayan yung liwanag? Yung liwanag na minsang bumalot sa buo kong pagkatao.

Bakit ba nagkaganito? Paano ba ako napunta sa lugar na ito? Ano ba ang nangyari? Ayos lang ba ako? Ano ba ang ginawa ko? Ano ba ang nagawa ko? May masakit ba sakin? Kaya ko pa ba? Sabihin mo sakin. Anong nangyari?

Mga katanungan na gusto kong sagutin,  ngunit Hindi ko alam kung paano. I've been left alone. Bakit? Paano? Madaming katanungan sa puso at isip ko na patuloy na gumugulo. Ngunit kahit ang sarili kong isip ay hindi malaman ang mga sagot. Napagod na sya. Napagod na akong isipin at hanapin ang mga sagot sa mga bakit at paano. Sinubukan kong kapain sa puso ko. Sinubukan kong pakiramdaman ang puso ko. Pero na-disappoint lang ako. Dahil wala akong nakapa.  Wala akong naramdaman. Kundi lamig at sakit lang.

Punong-puno na ang puso ko ng sakit at paghihirap. Pagdaramdam at galit. Kaya ito, namamanhid na din. Wala akong ibang maramdaman. Wala akong ibang makita. Wala na akong makita.

Pinipilit kong alalahanin ang nakaraan. Ano nga ba ang nangyari noon kung bakit ako nagkaganito. Sino nga ba ako noon? Ang pagkakatanda ko...

Tama, sila ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito, kung bakit ako nagkakaganito. Kahit anong pilit ko ay hindi ako makaalis sa lugar na kinalalagyan ko, hindi ko magawang kalimutan ang mga nangyare sa nakaraan.

Iyon ang naging dahilan kaya naman ngayon ay hirap na hirap na ako't litong-lito dahil hindi ko na alam kung sino ba talaga ako. Napakagulo.

Hindi ko na matandaan. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Hindi ko na kilala kung sino na nga ba ako. Sinubukan kong kilalanin muli  sinubukan kong tanungin sila pero wala na pala sila. Wala ng nakakakilala sakin. Tulad ko, nakalimutan ko na din kung sino nga ba talaga ako.

"Ms. Black, ayos ka lang ba?" Nakatulala lang ako sa aking harapan at nakatingin sa labas ng bintana ng aking kwarto. Wala akong marinig o maramdaman, kahit ang katawan ko ay di ko maramdaman maging ang puso ko, hindi ako sigurado kung tumitibok pa ba ito

"Ms. Black? Zev, pakiusap magpakatatag ka huh? Nandito lang ako hanggang sa makabalik ka. Handa akong maghintay hanggang sa dumating ang oras na iyon, sa ngayon ay dito na lang muna ako mananatili para mabantayan kita" hindi ko maintindinhan kung ano ba ang sinasabi sakin ni Mr. Anderson, para lang itong ugong ng hangin sa aking pandinig.

Tumingin ako sa kanya nang maramdaman ko ang paghawak nya sa aking kamay, then mahinahon nya akong hinila patayo na para bang natatakot sya na baka bigla na lamang akong magwala o mag-hysterical.

"Masyado nang mahaba ang buhok mo, mukang kailangan na natin iyang putulan. Namimiss ko na yung buhok mo noon kung saan mapagmamasdan ko ng malinaw ang mukha mo na walang buhok na haharang. Okay lang ba kung puputulan ko ito?"  Then nakita ko na lang na hinahawakan nya ang dulo ng aking buhok, tinitingnan nya ito.

Hinila nya ako sa tapat ng vanity mirror na nandito sa aking kwarto then pinaupo nya ako sa isang upuan. Hindi ako kumikilos, tila sya ang may kontrol ng buo kong katawan. Wala akong ginawang pagtutol sa anuman ang gawin nya sa akin. Nakatitig lang ako sa harapan ko kung saan nagre-reflect ang aking kabuuan. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Mga mata na walang buhay, walang sigla. Ang pula at indigo nitong kulay ay tila naging itim dahil sa sobrang dilim. Walang mababasang emosyon, walang buhay walang liwanag na makikita. Para lang akong nakatingin sa kawalan. Sa kalangitan sa gabi na walang buwan at ni-isang bituin.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant