Chapter 8

4.4K 134 7
                                    

Somebody's POV

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Pagkatapos ay umupo muna ako sabay kusot sa mga ito. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng madilim kong kwarto. Lumingon ako sa study table ko na nasa kaliwang bahagi ng aking kama. Tiningnan ko ang orasan

7:30 am

Iyan ang nakita ko sa digital clock ko. Agad naman akong tumayo pababa ng kama at nag-unat habang humihikab. Lumapit ako sa bintana ng aking kwarto kung saan ito ay natatakpan ng itim at makapal na kurtina.

Pagkahawi ko ng kurtina ay agad akong napadaing. Napapikit at napatakip ng aking kamay sa aking mukha nang tumama ang nakakasilaw na sikat ng araw sa aking malamlam na mga mata.

Ilang segundo ang aking pinalipas bago ko dahan-dahan idinilat ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang labas ng bahay, kung saan puro nagtataasan at naglalakihan lamang na mga puno ang makikita.

Ang luntian at makakapal nilang dahon ang bumabati habang kumakaway na para bang sumasayaw sa ihip at saliw ng malamig na hangin. Binuksan ko ang aking bintana at hinayaang pasukin ng hangin ang aking buong kwarto dahilan upang mahawi ang mga pahina ng notebook at libro ko na nasa ibabaw ng aking study table. Ang maliit na kalendaryo na nakasabit sa likod ng aking pinto. Ang paglipad ng aking kurtina. Hinayaan ko syang hawiin ang lahat ng gamit sa buo kong kwarto tila ba ginising ang natutulog na awra ng mga ito.

Huminga ako ng malalim bago muling hinarap ang aking kama. Pinagmasdan ko ang magulo nitong ayos. Mula sa unan, kumot at sapin.

Ano nga bang araw ngayon?

Saturday

Ano ba ang gagawin ko ngayon? Maglilinis ako ng buong bahay at nang buong kapaligiran kung saan nagkalat na ang mga tuyong dahon na nahulog mula sa mga punong nakapalibot sa paligid ng bahay.

Kaya naman kumilos na ako, tinupi ko na ang pinaghigaan ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang basket kung saan nakalagay ang ilang pirasong damit ko. Pinulot ko na ang mga pinagpalitan ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang vacuum cleaner upang linisan ang aking kwarto.

Matapos kong gawin iyon ay lumabas na ako ng kwarto ko habang dala-dala ko ang isang tray na maliit na pinaglalagyan ko ng damit. Dinala ko muna ito sa likod ng bahay, bumalik uli ako sa loob at nagtungo sa kusina upang magluto ng breakfast.

Binuksan ko muna ang stereo upang malibang ako habang nagluluto. Nakikinig lang ako habang nagluluto pagkatapos ko ay inihain ko na ito sa lamesa. Fried rice, egg, hotdog at bacon, usual breakfast. Sabay timpla ng black coffee na kasing pait ng buhay ko at sing dilim. pagkatapos ay umupo na ako sa upuan upang magsimulang kumain.

Habang sumusubo ako ay nakatingin lamang ako sa mukhang nasa harapan ko. Nakangiti lang sila at tahimik na kumakain. Nginitian ko lang din sila. Halos walang maririnig na ibang ingay sa kusina kundi ang stereo na tumutugtog at ang ingay ng kubyertos na gamit ko .

Nang matapos akong kumain ay tiningnan ko sila. Tulad ko ay tapos na din silang kumain. Tumayo na ako upang iligpit ang mga pinagkainan ko, nilagay ko na ito sa lababo at hinugasan.

Pagkatapos kong ayusin ang kusina ay nagpunta na ako sa sala upang maglinis at ayusin ang mga kagamitang nagkalat. Halos isang oras din ang lumipas bago ko mailigpit ang lahat.

After naman ay nagtungo ako sa backdoor, inilapag ko muna ang isang garbage bag na hawak ng aking kanang kamay ko pinihit ang seradura ng pintuan tsaka binuksan. Hinarang ng aking paa ang pintuan tsaka ko muling dinampot ang garbage bag. Binuksan ko nang malaki ang pintuan gamit ang aking paa tsaka ako lumabas.

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Where stories live. Discover now