Chapter 44

1.8K 64 1
                                    

Ms. Black's POV

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, ramdam ko ang pagkirot ng aking ulo. Aabutin ko na sana ang aking ulo upang hawakan ngunit napahinto ako't napatingin sa aking kamay kung saan nakahawak ang isang kamay. Umupo ako tsaka tiningnan ang babaeng nakadukdok sa gilid ng kama, sa tingin ko ay natutulog sya.

Pinagmasdan ko lang ang mukha nya na nnakatagilid at nakaharap sa side ko, mahimbing syang natutulog. Rinig ko ang mabagal nyang paghinga, lumapit ako konti tsaka hinawi sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla na tumabon sa kanyang mukha gamit ang  aking kanang kamay. Bahagya pang kumibot ang kanyang labi

"Bakit mo ba ito ginagawa? Hindi mo dapat ito gawin dahil sigurado akong masasaktan ka lang oras na malaman mo ang katotohanan. Nakakatawa dahil parang pinaglalaruan tayo ng tadhana, biruin mo lumayo na ako sa lugar na iyon upang takasan ang bangungot na iyon. Ngunit bigla na lamang tayong pinagtagpo, gulong-gulo ako noon noong una kitang makabangga sa mall. Kaya pala ganoon na lamang ang pagwawala ng aking puso, dahil hindi ka lang pala stranger para sakin. Ikaw ang tao na nagawan ko ng napakalaking kasalanan. Huli na nang malaman ko kung sino ka, dahil madami na ang nangyari. Bakit kasi hindi mo na lang ako hinayaan noon sa soccer field, sana hindi ko na lang din kayo tinulungan noon sa club. Ngayon nag-krus na ang ating mga landas, habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang pagkakabuhol nito. Kaya naman bago ko putulin ang koneksyon nating dalawa ay gagawin ko muna ang bagay na dapat kong gawin sayo. Iyon ang protektahan ka laban sa mga magtatangka sayo, hindi ko hahayaang may mapahamak na naman na ibang tao nang dahil sa akin" mahaba kong turan sa kanya kahit na alam kong hindi naman nya ako maririnig

"Akala ko sapat na ang pader na itinayo ko, ang taas at kapal nito. Ngunit nagkamali ako, dahil isang hawak mo lang ay bigla na lamang itong gumuho ng ganon-ganon na lamang. Patawad, sana sa araw na malaman mo ang lahat ay makuha mo akong patawarin kahit na alam kong walang kapatawaran ang nagawa ko. Ganoon din sa mga magulang mo" nakita kong gumagalaw ang kanyang mga mata na parang anumang oras ay didilat ito.

Nahiga ako ng mabilis tsaka ipinikit ang aking mga mata. Naramdaman ko na lamang na binitawan nya ang aking kamay, then inayos nya ang kumot ko. Pagkatapos ay narinig ko na lamang ang mga yabag nya papalayo sa akin kasunod noon ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Minulat ko ang aking mga mata tsaka tumingin sa pinto kung saan sya lumabas. Napatingin na lamang ako sa kisame ng kwarto, habang malalim na nag-iisip. Inililipad sa malayong lugar ang aking isipan.

Napalingon ako sa gilid ng aking kama kung saan nakapatong ang aking cellphone nang tumunog ito. Bumangon ako tsaka mabilis ko itong kinuha napatingin ako sa oras 9:30 pm. Ibig sabihin ay inabot ng ganoon katagal si Amber na nagbabantay sakin, binuksan ang text na natanggap ko mula kay Mr. Anderson,

Ms. Black, mag-iingat ka nag-umpisa na sila. Sigurado ako na ikaw ang tatargetin nila. May kutob ako na may pinaplano sila laban sayo. Tawagan mo ako kaagad oras na mabasa mo ang text ko

Nanlaki naman ang aking mata, kaya naman mabilis kong tinawagan ang kanyang numero nakakaisang ring pa lang ay mabilis na nya itong nasagot

"Hello Mr. Anderson ano ang nangyari?" Tanong ko sa kanya

"Naalala mo ba yung grupo na binugbog mo sa school kaninang tanghali sa cafeteria? Nawawala sila ngayon" turan nya sa akin.

"Paanong nawawala?" Tanong ko uki sa kanya

"Napag-alaman ko na nagtungo ang mga ito para sa night magparty ng mga kasamahan nya. Ngunit nang pasundan ng kanilang magulang ang mga ito ay wala na sila sa lugar, natagpuan na lamang ang sunog nilang mga gamit pati sasakyan at ilang bahid ng dugo sa lugar. Nag-uumpisa na naman sila"

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ