Chapter 6

5.4K 194 7
                                    

Somebody's POV

Thanks God dahil tumunog na din ang bell para sa lunch time. Sobrang nakaramdam ako ng gutom, dahil hindi naman kasi ako pumupunta ng cafeteria tuwing breaktime talagang lunch time lang. Isa pa sobrang ginutom ako dahil sa kakulitan ng Jeff na iyon. Walang oras na kinukulit ako at kung ano-ano lang ang sinasabi at kinukwento. Puro lang sya daldal at tawa, ako naman ay hindi nakikinig sa kanya pero patuloy lang sya sa pagkukwento ng mga bagay na hindi ko maintindihan.

Agad akong naglakad palabas ng room nang ma-isukbit ko na ang aking bag.

"Uy! Sandali hintay! Sabay ako!" Hindi ko sya pinansin tulad lang kanina.  Salita lang sya nang salita at naririndi na ako, kaya kinuha ko ang earphone ko sabay saksak sa magkabilang tenga ko.

Samantalang walang tigil sa kadada yung isa kaya pinagtitinginan na kami ng iba pang mg students na nadaraanan namin. Kaya binilisan ko ang lakad ko, pero ang piste nakasunod pa din sa akin.

Hanggang sa nakarating na kami ng cafeteria, lahat ng mga mata nila ay nakatutok sakin. Nagkibit balikat lamang ako at lumakad diretso sa counter para mag-order. Tinanggal ko ang isa kong earphone bago hinarap ang tindera

"Usual"  Tumango naman ang tindera sakin bago hinanda ang order ko. Ibabalik ko na sana ang isa kong earphone sa tenga ko nang pigilan nya ang aking kamay kaya napatingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay

"Uy! Di mo sinabi sikat ka pala dito sa school. Tingnan mo oh! Hindi na nawala ang atensyon nila sayo mula nang pumasok tayo. Grabe Ms. Popular" Taas kilay nyang dada, tinabig ko lang ang kamay nya kaya nabitiwan nya din ako

Sungit

Dinig ko pang bulong nya bago ko tuluyang maipasak ang earphone sa aking tenga.

Binigay ko agad ang aking bayad sa tindera pagkakuha ko ng mga inorder ko. Hindi ko na sya hinintay sa pag-order nya dahil agad akong naglakad patungo sa usual spot ko.

Malapit na ako sa upuan ko nang may humarang sa harapan ko. Binigyan ko lang sya ng bored and cold stare. Ngumisi lang sya sakin, napahinto naman ang mga istudyante sa ginagawa nila habang nanunuod sa amin maging ang mga naglalakad.

"Hoy! Grabe ka, di ka manlang nanghintay!" Biglang napatingin ako sa likod ko dahil sa bigla nyang pagsasalita. Nakangiti lang sya sakin habang hawak nya din ang mga pagkain nya.

Medyo nagulat ako dahil sobrang daming binili nya pero hindi ako nagpahalata. Napatikhim ako at binalik ang aking paningin sa harap.

Napangisi sya lalo nang sumilip sya saking likuran. Parang hindi maganda ang kutob ko sa mga oras na ito. Kaya tiningnan ko din ang likuran ko. Kumakain na sya, napansin nyang nakatingin ako sa kanya. Nginitian nya ako kahit punong-puno ang kanyang bibig, sumenyas pa sya kung gusto ko daw ba.

Napabuntong hininga ako at napa-iling sa aking isipan. Dahil pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

Teka lagi namang may hindi magandang nangyayari sayo eh

Oo nga pala.

"Mukang nakahanap ka ng kasama psycho ah?" Nakangising turan ng lalaki sa harapan ko. Sya rin yung lalaking nakabangga ko noong nakaraang linggo dito din sa cafeteria.

Buti wala yung isang grupo.

Sa araw-araw na ginawa ng diyos, walang humpay na pangbu-bully din ang nangyayari sakin simula nang pumasok ako sa paaralan na ito. Bawat araw o linggo, iba ibang grupo ang nakakaharap ko. At ngayon ay iba na naman. Kalbo naman sya na may hikaw sa ilong at sa labi. Buti pinapapasok pa ang mga ito. Syempre Rich kid.

Tiningnan ko lang sya at pinakatitigan. May nababasa akong hindi maganda sa kanyang mga mata

"May bago na naman kaming laruan"

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

Naramdaman kong lumapit si Jeff at tumabi sakin. Nagtatakang nakatingin samin habang nakasubo ang burger sa kanyang bibig.

Bigla syang nilapitan ng kalbo akmay kukuwelyuhan na nya sana si Jeff, pero mabilis kong nahawakan ang braso nya kaya napatingin sya sa kamay kong nasa braso nya at sakin.

"Don't" Isang salita lamang iyon, pero siniguro kong andon yung pagbabanta. Nagtitigan lamang kami, binitiwan ko ang braso nya kaya nakaharap na sya sakin ngayon.

Nakatayo na sya sa harapan ko habang nakapamulsa na sya at titig na titig saking mga mata.

"Argh!" Bigla na lamang akong nadaing nang maramdaman ko ang malakas na pagsipa nya sa aking sikmura dahilan para mapa-atras ako nang ilang hakbang at napatumba kaya nabitawan ko ang hawak ko

Agad lumapit sakin si Jeff para sana alalayan akong tumayo pero winaksi ko ang kanyang mga kamay at sinenyasan sya na wag. Tumayo sya at lumapit doon sa kalbo

"Teka pare, ano bang problema mo?! Hindi ka naman ina-ano nong tao ah!" Galit na sya akmang kukuwelyuhan nya ito pero na-unahan sya ng kalbo. Sinikmuraan sya nito kaya napakapit sya sa magkabilang balikat ni kalbo habang dahan-dahang napalaluhod.

Bigla silang nagtawanan, naglakad lakad si kalbo habang nakataas ang kamay. May dumaan na janitor malapit sa kanya at may dalang cleaning materyal.

Kinuha nya ang isang map, pinutol nya ito at kinuha ang kahoy. Sinasabi ko na nga ba eh

Bigla akong tumayo patakbo sa kanila

*cracked!

Narinig ko na lamang ang pagkabali ng kahoy at ang pagsakit ng likod ko dahil tinangka nyang hampasin si Jeff sa ulo habang nakaluhod ito at nakayuko. Buti na lamang ay mabilis kong naharangan ito kaya sa likod ko lumanding ang paghambalos nya dahilan ng pagkabali ng kahoy.

"O-okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jeff sakin. Bigla kong naramdaman ang braso ni kalbo sa aking leeg. Mabigat at mahigpit ang pagkakapulupot nito sa leeg ko halos di na ako makahinga. Kaya buong lakas ko itong tinanggal

"Aba! Lumalaban ka na! Yan ang gusto ko!" Bigla nya akong hinawakan sa leeg at sinakal kaya di ako makahinga. Nagpupumiglas na ako dahil balak nya ata akong patayin.

Bigla nya akong nabitawan dahil hinampas ni Jeff ang kanyang braso. Nginisihan lang sya ni Jeff at kita ko ang takot sa kanya. Susuntukin na sana nya si Jeff pero agad kong nasalo iyon para mapigilan.

"Don't!" Buti na lamang ay may dumating na men in black tapos bigla siyang dinampot ng dalawang men in black. Nagpupumiglas sya pero hindi nagpatinag ang mga ito.

Biglang may lumapit na men in black kay jeff. Yumuko ito sa kanya at binati't tinanong kung ayos lang ba sya. Hindi ko na hinintay pa na mabaling sa akin ang atensyon nila. Mahirap na na.
.

Haaay...

Naglakad na ako paalis sa lugar na iyon nang hindi nila napapansin.

.……………..
………………………

The Popular Unknown Psychopath (Intersex) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon