Sumakay ako sa kotse ko at pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko and I called Gwen.

"Vann! Where are you?! Bigla kang nawala!" Her voice was filled with worry.

"I'm sorry. Nasa'n ka? Nakauwi ka na ba?"

"No. Nandito pa rin ako sa hotel. I'm waiting for you, Vann Kaizen. You're supposed to take me home 'coz I'm your date, remember?"

I can imagine her rolling her eyes. But damn, she waited for me. Bakit?

"Wait for me a little longer, babe. I'm on my way," I said and ended the call.

Maybe this time, it was my turn to stop waiting for a chance that will never happen.

-MYCA-

Pagkaalis ni Vann, hinila ako ni Vince papunta sa sasakyan at marahang pinasakay.

Tahimik lang kami sa biyahe, walang nagsasalita.

Sobrang awkward. Nang hindi ko na matiis, binuksan ko yung radyo ng sasakyan.

At ewan ko nga sa'yo
Parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa

Hindi ko alam kung sino ang kumanta no'n pero bakit parang nang-asar naman ito. Agad na pinatay ko yung radyo.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa condo.

Agad na bumaba ako ng sasakyan at mabilis na pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung pano ko haharapin si Vince. Sobrang awkward.

"Mycs, can we talk?" pigil ni Vince sa braso ko nang akma akong papasok na sa kwarto.

"Please?" he added pleading.

"Okay," sagot kong hindi nakatiis. Napakarupok.

"But let me get changed first. Magpalit ka na rin ng damit," sabi ko at pumasok na sa kwarto.

Agad na napasandal ako sa pinto at huminga nang malalim. Gusto kong alisin ang bigat ng loob na nararamdaman ko.

Pinunasan ko ang kaunting luhang tumakas sa mga mata ko at nagpalit na ng damit.

Gusto ko na lang matapos ang gabing ito. 

-VINCE-

Nakaupo ako dito sa sala habang hinihintay si Myca.

I know I fucked up big time. I hurt Myca in the worst way possible.

At wala akong pwedeng mairason doon kundi sobrang gago ko lang talaga.

Mayamaya pa ay dumating na siya at umupo sa kabilang sofa. Hindi siya tumabi sa akin.

My chest hurt. Ganito ba ang naramdaman niya kanina?

"I'm sorry..." panimula ko. Wala akong ibang masabi kung hindi yun lang.

"I'm really, really sorry, Mine."

Tiningnan niya ako at marahan na tumango.

"Uhm, yun lang ba ang sasabihin mo? Kasi kung oo, magpapahinga na ako."

Inabot ko yung kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon.

"No. Please stay. M-may hindi pa ako sinasabi sayo," I said, suddenly feeling nervous.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now