Part 77

1.9K 69 0
                                    


NAALIMPUNGATAN si Erika. Wala pa rin si Pierre sa kanyang tabi. Sinulyapan niya ang table clock. Alas-tres na ng madaling-araw. Kinapa niya ang kanyang cell phone. Wala man lang itong text message sa kanya. Nag-aalalang bumangon siya at bumaba ng bahay. Tiniyak muna niyang wala pa si Pierre bago niya tinawagan. Ring lang nang ring ang cell phone nito. Ilang beses pa siyang nag-dial bago may sumagot.

"Babe, where are you?"

"He's sleeping."

Napakunot-noo si Erika. Tila groggy ang babaeng sumagot sa kanya. "W-who's this?"

"Trixie."

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na cell phone. Kinakaliwa ba siya ni Pierre? "Nasaan ang asawa ko?"

"Bingi ka ba? I said he's sleeping."

"Nasaan nga kayo?"

"He's in my house, sleeping in my bed. Do you want to see him? Wait." Bigla na lamang itong nawala sa linya.

Tulalang napaupo siya sa sofa. Hindi siya makapaniwalang may relasyon ang kanyang asawa sa dating karelasyon nito. Paano siya nagawang lokohin ni Pierre pagkatapos niyang tiisin ang lahat ng sakit makasama lang ito?

Hindi alam ni Erika kung gaano katagal siyang nakatulala. Nagulat na lamang siya nang tumunog ang kanyang cell phone. Nakatanggap siya ng MMS mula sa numero ng kanyang asawa. Dali-daling ni-retrieve niya ang message at pinanood ang video.

Nakita niya si Pierre na nakahiga sa kama. Tulog ito at walang T-shirt. Nakaunan sa braso nito si Trixie na nakataas ang isang kamay hawak ang cell phone na ipinangkukuha ng video. Mukhang wala ring suot ito at tinatakpan lamang ng kumot ang katawan.

"Hi, Erika! Here's your husband." Hinagkan ni Trixie sa dibdib si Pierre. "Bye!"

Nabitiwan na niya ang hawak na cell phone. Pumatak ang kanyang mga luha hanggang sa mauwi iyon sa hagulhol. Buong gabi ay wala siyang ginawa kundi umiyak.


HINDI maaaring hindi pumasok si Erika sa trabaho dahil mayroon siyang presentation. Kaya kahit masamang-masama ang loob at namumugto ang mga mata ay napilitan siyang pumasok. Nagsuot na lamang siya ng dark shades upang takpan ang mga mata.

"Would you mind taking off your shades, Miss Benedicto?" anang marketing representative nila. Nasa harap siya at ipiniprisinta ang dalawang ad videos na ginawa ng kanyang team.

"I'm sorry, Sir. I cannot do that. I have sore eyes. It looks horrible and its contagious," pagdadahilan na lamang ni Erika.

Dahil sa dinaramdam ay may ilang sandaling nawala siya sa sarili at nakalimutan ang sasabihin sa harap ng kliyente. Ilang beses siyang tinulungan ni Steven na maka-catch up. Alam niyang hindi niya naiprisinta nang pulido ang project nila kaya nahiya siya sa kanyang team. Mukhang na-disappoint ang mga kasamahan kahit na-approve ang ad concepts nila. Mabuti na lamang at tinulungan siya ni Steven.

"What's wrong, Erika?" tanong nito nang maiwan silang dalawa sa presentation room.

"I'm sorry, Sir. I messed up."

"No, you didn't. They approved your concept."

"Pero tinulungan mo ako kaya nag-approve sila. Thank you so much. Can I go home now? I really feel sick." Gusto niyang makausap si Pierre kaya gusto na niyang umuwi. Wala pa rin ito sa bahay nang umalis siya. Baka nasa bahay na ang asawa sa mga oras na iyon. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag ni Pierre kung paano nito nagawang kaliwain siya. Hinawakan ni Steven ang shades niya. Pinigil niya ang lalaki sa akmang paghuhubad niyon sa kanya. "Sir, don't. Baka mahawa ka."

"It's okay. I just want to see how badly sore your eyes are."

Hindi na napigilan ni Erika si Steven sa pag-alis ng shades niya. Kumunot ang noo nito. "Your eyes are not sore due to infection. It looks like they are sore because of prolonged crying."

Hindi siya nakaimik.

"What's the problem, Erika? Is it your husband?" Mukhang concerned ito.

Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa hindi na niya napigil ang umiyak.

Hinawakan siya ni Steven sa mga balikat. "Hey, don't cry. Tell me what's wrong. Ano ang ginawa sa 'yo ng asawa mo?"

"Nalaman ko na may ibang babae siya," ani Erika sa pagitan ng pag-iyak.

"That jerk..." sambit nito. Kinuha nito ang panyo sa inner pocket ng coat at pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya sa akin 'yon. Naging napakabuti kong asawa sa kanya. Ginagawa ko ang lahat para sa kanya. Matitiis ko ang pambabale-wala niya sa akin pero hindi ang lokohin ako."

Hinawakan ni Steven ang mga kamay niya. "Stop crying for him, Erika. He's a good-for-nothing jerk. He doesn't deserve you. Kung wala siyang respeto at pagpapahalaga sa 'yo, iwan mo na siya. You deserve someone who could give you the love you deserve."

Napahalgulhol uli si Erika. He hugged her. She hugged him back to seek comfort.

"Iwan mo na siya at sumama ka sa akin. I could give you the love you deserved."

Saglit na natigil siya sa pag-iyak sa sinabi ni Steven. Bibitiw na sana siya sa lalaki nang biglang bumukas nang pabalabag ang pinto. Nagulat na lang siya nang makita si Pierre. Madilim ang mukha nito. Mabilis siyang bumitiw kay Steven. "Ano'ng ginagawa mo rito?" sita niya sa asawa.

"Hindi ba dapat, ako ang nagtatanong niyan? Ano ang ginagawa mo rito at ano ang ibig sabihin ng nakita ko?" Nandidilat sa galit si Pierre.

"Ang kapal ng mukha mong manita, eh, ikaw itong may ginagawang kalokohan," matapang na sagot ni Erika.

"What the hell are you talking about?" he snapped. "Bakit ikaw pa ang may karapatang magalit samantalang ginagago mo ako nang wala akong kaalam-alam?" Sasagot sana siya pero bumaling ito kay Steven. Nagtagis ang mga bagang ni Pierre. "Tarantado ka, pare. Ahas ka!" Bigla ay nakalapit na ito kay Steven at sinuntok ang huli.

Nag-panic si Erika. Lalo na nang magpalitan ng suntok ang dalawang lalaki. Inawat niya ang mga ito pero walang gustong magpaawat. She could see blood already. Natakot na siya. "Tama na, please? Tama na!" pasigaw na sabi niya.

Napatumba ni Pierre si Steven. "Hayup ka! Layuan mo ang asawa ko. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa amin kung hindi ay hindi lang 'yan ang aabutin mo."

Bumaling si Pierre sa kanya at mabilis siyang nilapitan. Sinaklit nito ang kanyang braso at marahas siyang hinila palabas ng silid. Kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi siya binitiwan ni Pierre hanggang sa maisakay siya nito sa kotse.

"Don't talk. Sa bahay tayo mag-uusap," matigas na wika ni Pierre. Nanginginig ito sa sobrang galit. Pinaharurot nito ang sasakyan palayo.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now