Part 24

2K 71 1
                                    


"DIVINA Hemedera aka Divine Romero, the hot fashion model. Wow..." Walter groaned.

Inagaw ni Pierre ang larawang hawak at pinagpapasasaan ng mga mata nito. Divine was truly hot in that picture. Nakasuot lang ito ng bikini habang nakaupo sa malaking rock formation sa isang beach. Naalala niyang lumabas ang larawang iyon sa isang men's magazine three years ago. Si Divine ang may pinakamagandang mukha sa lahat ng mga naging karelasyon.

"Come on, man. Puntahan na natin siya at nang makita ko na kung ganyan pa rin siya ka-hot ngayon," sabi ni Walter na sumakay na sa driver's seat.

Pumasok na rin si Pierre sa kotse at ipinagpatuloy ang pagtitig sa larawan ni Divine. "This picture was taken four years ago. Bigla na lang siyang nawala sa fashion world. I wonder why." Mula nang maghiwalay sila ni Divine ay hindi na niya nakita ang babae sa mga magazine at sa mga fashion shows na minsan ay dinadaluhan niya upang mamingwit ng mga flings.

"Walang sinabi ang imbestigador natin tungkol diyan. Ang address lang ng bahay ni Divine ang ibinigay niya sa akin. He told me she is still unmarried and jobless. Iyong mga important info lang na ipinapa-collect ko ang mga ibinigay niya. Hayaan mo, sasabihan ko siya na next time, mag-collect na siya ng maraming info." Pinasibad na ni Walter ang kotse. "And as for Divine, since we're about to meet her, sa kanya na lang natin itanong kung bakit tumigil siya sa pagmomodelo."

Tumango si Pierre. He wondered how she was doing right now. Nasaktan din niya si Divine four years ago.

"'Di ba, funny girl iyang si Divine?"

"Funny girl?"

"She's ditzy, right?"

Napangiti siya. "And that made her a funny girl, huh?"

"'Yong receptionist sa fitness gym na pinagtatrabahuhan ni Mel, ditzy din. Matatawa ka sa katangahan niya."

"Yeah, hindi ganoon katalino si Divine. Kaya nga siya nag-modeling, sabi niya. Hindi na raw masyadong ginagamitan ng utak ang ganoong klase ng trabaho. Luckily, she's pretty, tall, and slim."

"I want to see her so badly, man. For your information, type ko 'yon, eh. Naunahan mo lang ako kaya pinagbigyan kita. Would you mind if I hit on her?"

Ngumisi si Pierre. "I wouldn't mind. But that is, if she doesn't have a mole in the butt."

"Sinabi mo 'yan, ha?" Walter grinned devilishly. "Sana, wala siyang nunal sa butt."

Tiningnan uli niya ang larawan ni Divine. Paano kung ito ang babaeng tinutukoy ng manghuhula? This woman had huge issues. Pero okay na rin siguro iyon kaysa mamatay siya nang maaga. Ang problema niya ay kung maibabalik niya ang feelings ni Divine para sa kanya noon gayong ilang beses niyang iniwasan ang paglapit nito pagkatapos niyang hiwalayan.

"Tell me, man. Ano naman ang kuwento kay Divine? Why did you dump her?" tanong ni Walter habang nasa daan ang tingin.

"She had become obsessive of me. She was all over me. Para akong santong sinasamba niya."

"Holy shit! Mas tolerable siguro ang ganoon kaysa girlfriend na ayaw makipag-sex sa 'yo o girlfriend na overpossessive at demanding at gusto nang hawakan ang buhay mo. Pabor pa nga 'yon sa 'yo. May girlfriend ka na, may slave ka pa."

"You don't get it, Walter. Hindi ko gusto ang ganoon. Nasa akin ang lahat ng atensiyon ni Divine. Palagi siyang nakasunod sa akin na parang stalker. She was acting like crazy. Natakot ako sa kanya."

"Well, that doesn't sound normal. pero kung ganyan kaganda at ka-sexy, okay lang sa akin na ganoon ang behavior niya."

Umiling-iling si Pierre. "Admit it, you wouldn't want to get serious with this kind of woman."

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now