Part 70

1.9K 80 3
                                    



NIYAKAP ni Erika si Walter. "Thank you. I owe you one."

"Don't mention it. Ginawa ko 'yon para din kay Pierre. So, best wishes, Mrs. Pierre Benedicto."

Yes, she was now Mrs. Erika Benedicto. Katatapos lamang ng kasal nila ni Pierre sa huwes at ng maliit na reception na dinaluhan lamang ng mga piling bisita. Kabilang doon ang mamang at papang niya na tuwang-tuwa dahil kahit minsan nang na-postpone ang kasal nila ni Pierre ay natuloy pa rin. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang na pinakasalan lamang siya ni Pierre para maligtas ang buhay nito.

Sinipat uli ni Erika ang kanyang wedding ring. Alam niyang hindi magiging normal ang pagsasama nila ni Pierre at maaari siyang masaktan sa pagsasamang iyon. Pero gagawin niya ang lahat para maibalik ang tiwala at pagmamahal ni Pierre sa kanya. Ngayong mag-asawa na sila at mamumuhay sa iisang bubong ay marami na siyang pagkakataon na mapaibig uli ito.

Pagkagaling nila sa reception ay tumuloy sila sa mansiyon ni Pierre. Hindi kaagad ito umakyat sa kanilang silid. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang asawa. Bigla na lang nawala ito. Nasa master's bedroom ang mga damit ni Erika kaya doon siya dumeretso. Naligo siya at nagsuot ng nightgown. Pagkatapos ay umupo sa kama at nanood ng TV. Pero hindi pa rin pumapanhik si Pierre. Hindi siya aalis ng silid na iyon hangga't hindi nito sinasabi na hindi sila magsasalo sa isang silid.

It was their wedding night. Hindi niya alam kung may balak makipagniig sa kanya si Pierre. Nakahanda siyang ibigay ang sarili dahil mag-asawa na sila. Ngunit wala siyang naramdamang senyales na may magaganap sa pagitan nila nang gabing iyon.

The past three days before their wedding day, he had been cold to her. Kanina lang uli siya hinagkan ni Pierre nang ikasal sila. Hindi niya naramdaman ang affection nito bilang groom. He had been quiet while they were heading for his house.

Pagsapit ng alas-diyes ay pinatay na ni Erika ang telebisyon. Nahiga siya sa kama. Hindi pa rin pumapanhik si Pierre. Baka ibang silid na ang ginamit nito para iwasan siya. She was saddened by the thought.

Dala marahil ng pagod ay nakatulog siya. Naalimpungatan si Erika at napabalikwas ng bangon nang makita si Pierre na nakatayo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kanya. Nakasuot ito ng boxer shorts. Basa ang buhok. Tila kagagaling lamang sa pagsa-shower. In fact, bukas pa ang ilaw sa bathroom nang lingunin niya iyon.

"Pierre..." sambit ni Erika. Natakot siya na baka paalisin siya ng asawa sa kama nito at palipatin sa ibang silid kaya bago pa niya marinig iyon at mapahiya ay minabuti niyang kusa nang umalis. "Doon na lang ako sa kabilang kuwarto." Nakakailang hakbang na siya nang hagipin ni Pierre ang braso niya at iharap siya.

"Who told you you're going to sleep in another room?"

"Baka kasi ayaw mong nandito ako." Napasinghap si Erika nang marahan siyang isandal ni Pierre sa dingding. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. The desire in his eyes was now evident.

"You're my wife now, Erika. You will sleep in my room and fulfill all your duties to me as my wife." His warm breath fanned her face. "Tonight, you're going to do your first duty. You will make love to me... all night long."


ANG MUKHA ni Erika ang unang nakita ni Pierre nang magising siya. She was still asleep. He smiled as his eyes roamed over her beautiful face. He had never smiled in the morning waking up with a woman in his bed. Iyon ang unang pagkakataong gumising siya nang masaya. Magdamag silang nagniig ni Erika. As much as possible, he wanted to stay beside Erika.

He touched her face lovingly. She was his wife now. Last night was the most wonderful night in his life. No doubt, he still loved her. He realized that making love with love was different from making love for lust. The ecstatic feeling was lasting. If only she really loved him.

Naglaho ang ngiti ni Pierre. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang pagdududa at hindi pa niya kayang ibalik ang buong tiwala kay Erika. Gusto niyang patunayan ni Erika na totoong mahal siya nito gaya ng sinasabi nito. Because if she really did, magiging buo na ang kasiyahan niya.

Nang gumalaw si Erika ay inalis niya ang kamay sa pisngi nito at tumalikod. He wished he could show her how much he loved her. But it would not be wise to do that. Not until she had proven herself to him.


NAKITA ni Erika si Pierre na bumababa ng hagdan. Nakasuot ito ng long-sleeved polo at slacks. Mukha itong may lakad. Papasok ba ito sa trabaho? But that was supposed to be their first day as a married couple. Dapat ay hindi muna ito umalis para makasama siya. Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng disappointment.

"Good morning, babe! I prepared your breakfast. Halika sa komedor," wika ni Erika.

"No. I'm in a hurry. Sa office na lang ako magbe-breakfast," malamig na tugon ni Pierre.

Napalis ang ngiti niya.

"Manang Nena, pakibukas ang gate," wika ni Pierre sa maid na nasa likuran niya. Tuloy-tuloy na lumabas ito ng bahay. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.

Gustong umiyak ni Erika dahil sa sama ng loob. Nag-init ang mga mata niya nang marinig ang tunog ng makina ng sasakyan ni Pierre. Nagtungo na lang siya sa komedor at mag-isang nag-almusal. Tumutulo ang kanyang mga luha habang ngumunguya ng bacon at wheat bread.

She was supposed to be happy being the wife of the man she loved. Ngunit para siyang nagluluksa nang mga sandaling iyon. Last night was one of the happiest days of her life with her husband. Ang akala niya, paggising niya ay magpapatuloy ang kasiyahang iyon. Hindi pala.

Hindi siya papayag na habang-buhay silang ganoon. Gagawin niya ang lahat para maibalik ang tiwala at pag-ibig ni Pierre sa kanya. Mamahalin uli siya nito, ipinapangako niya.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang