Part 1

8.6K 179 9
                                    


PAGDILAT ni Pierre ay bumungad sa kanya ang varnished wooden ceiling ng motel room. He let out a long yawn. He glanced at the sleeping woman beside him who was as naked as him. He would usually wake up with a woman beside him and feel the urge to leave the bed—or the woman beside him—for good.

This hot fashion model, Trixie Morella, was just another woman who could satisfy his sexual need.

Napakadali lang para sa kanya na iwan ang mga babaeng nauugnay sa kanya. Some might stay longer than a few days or weeks or months with him but they could not last forever. He wouldn't let them. Kapag nagiging possessive na ang mga babae at nararamdaman niyang masyado nang nai-in love sa kanya ay cue na iyon para iwan ang mga babae. He did not want them to expect anything more than he could give.

Tumayo na si Pierre at naligo sa banyo. Kailangan pa niyang pumasok sa opisina. Pierre was the sole owner of Benedicto Architectural and Engineering Services. Wala siyang aasahang gagawa ng mga trabaho kundi siya lamang, lalo na at kasalukuyang nagkakaproblema ang kanyang firm. Unti-unting nababawasan ang perang pumapasok doon dahil sa matinding kompetisyon. Nababawasan ang mga kliyente nila. Dalawang malaking deals ang nasulot sa kanila. Just recently ay nag-resign pa ang pinaka-in demand na architect niya at lumipat ng ibang firm.

Hindi siya sumusuko sa pagpapatakbo ng kanyang firm. Isa lamang unos iyon na malalampasan din niya. Kailangan lamang niyang makaisip ng mabisang paraan para maibalik ang mga nawalang kliyente.

Nakatapi lamang ng tuwalya si Pierre nang lumabas ng banyo. Gising na si Trixie pero nakahiga pa rin sa kama. Tila nang-aakit na nginitian siya. Pinanood siya ni Trixie habang isinusuot ang mga hinubad na damit nang nagdaang gabi.

"Can we have dinner tonight, honey?" tanong ni Trixie.

Tiningnan ni Pierre ang babae. "No. I'm not free tonight."

"How about tomorrow night?"

Tinapos niya ang pagbibihis bago sumagot. "I'm sorry, Trixie. I think last night should be the last night we had to stay together."

Natigilan si Trixie. "What?"

Pierre gave her a regretful look. "I'm sorry but we're through."

Bumalikwas ng bangon ang babae na kinipkip ang kumot na nakabalot sa katawan nito. "What did you say?" Nanlaki ang mga mata.

Inabot ni Pierre ang kanyang bag at may inilabas na mahabang kahon mula roon. Isang mamahaling bracelet ang laman ng kahon. Tuwing nakikipaghiwalay siya sa mga babae ay binibigyan niya ng mga mamahaling bagay na makakapagpalubag sa loob ng mga ito. Women liked branded bags and clothes and mostly, they loved jewelry. Subok na niya ang gawaing iyon. Nakakalimutan ng mga babaeng hiniwalayan niya ang sama ng loob pagkatapos niyang bigyan ng expensive gifts.

I hope it works for you, Trixie, ani Pierre sa isip.

"What's this?" nalilitong tanong ni Trixie. "A parting gift?"

Bumuntong-hininga siya. "Well, yes. I know you're going to like that."

Nalukot ang mukha ni Trixie. Parang gusto nitong umiyak at magwala sa galit. Binuksan ng babae ang kahon at pinakatitigan ang laman. Sa pagkagulat niya ay bigla nitong ibinato sa dingding ang kahon. "Hindi ko kailangan 'yan! Ikaw ang kailangan ko!" Niyakap siya nang mahigpit ni Trixie. "I love you, Pierre. I don't need anything from you but your love."

Ilang beses nang nangyari ang ganoong eksenang kaya sanay na si Pierre. "Sa simula pa lang ay alam mo na ang patakaran ko sa pakikipagrelasyon. Kapag hindi na ako masaya sa isang relasyon ay hindi ko na kailangang magtagal doon. Besides, we're not committed. We're just dating, right?"

Lumayo si Trixie sa kanya. May nabasa siyang panunumbat sa mga mata nito. "How dare you leave me like this!" Pinagbabayo nito ang dibdib niya. Hinayaan lang niya ang babae pero nang lumakas iyon ay hinagip na niya ang mga kamay ni Trixie. "Minahal kita pero ito lang ang igaganti mo sa akin?"

"I never told you I loved you. Alam mo kung ano lang ang nararamdaman ko sa 'yo. You agreed to my terms, nakalimutan mo na ba?" mahinahon ngunit matatag na sabi ni Pierre.

"Fuck your terms! Hindi ko pinlanong ma-in love sa 'yo," puno ng hinanakit at galit na sabi ng babae.

"Well, I'm sorry, Trixie. You know I couldn't compensate what you feel for me. So, it's better we part ways. Kaysa lalo pa kitang masaktan." Binitiwan niya ang babae at tumalikod. Humakbang siya patungo sa pinto. Nagulat pa siya nang may mga brasong biglang kumapit sa kanyang binti.

"Please don't leave me, Pierre," nagmamakaawang sabi ni Trixie. "I promise I won't demand anything from you. I won't ask you to love me back if that's what you want. 'Wag mo lang akong iwan. I won't be able to live without you."

Huminga nang marahas si Pierre. Hindi niya akalaing may tendency na maging obsessed si Trixie. Sana ay nalaman agad niya iyon para naiwasan na niya.

Tumayo si Trixie at niyakap uli siya. "Please don't leave me. Gagawin ko ang lahat ng utos mo. Just stay with me, honey."

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap ng babae at hinawakan ito sa mga balikat. "I hope you understand, Trixie. I'm not happy anymore. We had good times together. But every start has an ending. Now, we have come to the point where it ends. Don't make this hard for both of us. Let's have a peaceful farewell." Hinagod pa niya ang mga braso nito bago itinuloy ang paglalakad patungo sa pinto.

"Peaceful farewell? Damn you, Pierre! Someday you're going to experience this kind of pain. May babae ring mananakit sa 'yo at ipaparanas sa 'yo kung gaano kasakit ang ipinararanas mo sa mga kagaya ko!"

Hindi niya pinansin ang babae. Tuluyan na siyang lumabas ng pinto at lumakad patungo sa elevator. Hindi mangyayari sa kanya ang mga binitiwang salita ni Trixie. Walang babaeng makakapanakit sa kanya dahil wala siyang kakayahang umibig. Pierre had never been in love in his twenty-nine years of existence. Sa tingin niya ay hindi na niya mararamdaman pa ang bagay na iyon dahil hanggang sexual urges lang ang kaya niyang maramdaman sa isang babae.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now