Part 21

1.8K 72 2
                                    


PINAGMASDAN ni Pierre si Mel habang humihigop ng kape. Dinala siya ni Mel sa ibaba ng building na kinaroroonan ng gym kung saan may café.

Tiningnan siya nito. "I'm giving you twenty minutes to talk. Sabihin mo na kung ano ang kailangan mo sa akin," sabi ni Mel sa seryosong tono.

"Gaano na kayo katagal ni Elaine?" hindi napigilang tanong ni pierre. Hindi pa rin kasi siya makapaniwalang nakipagrelasyon ito sa kapwa nito babae.

Tumaas ang isang kilay ni Mel. "I don't think iyan ang sadya mo sa akin."

"Come on, Mel, tell me. Hindi lang kasi ako makapaniwalang nakikipagrelasyon ka na sa lesbian. Or is she a bi? 'Cause you know, she doesn't look like a hundred percent lesbo."

"She's just bi," tila bale-walang pag-amin nito.

Tumango-tango siya. "I see. But I still don't understand. Bakit ka pumatol sa kapwa mo babae o sa isang bisexual?" Idinikit ni Pierre sa bibig ang tasa ng kanyang kape.

"Because I'm a lesbian."

Muntik na niyang maibuga ang hinihigop na kape. "What?"

Mukhang na-amuse si Mel sa reaksiyon niya kaya tumawa ito.

"Are you serious?" Pinunasan niya ng table napkin ang kanyang bibig.

"Yes." Humigop uli ito ng kape.

"P-paano nangyari iyon? 'Wag mong sabihing lesbian ka na noong tayo pa." She was a very passionate woman. Napakalakas ng karakter ni Mel pero sa kama ay slave niya ito. Gusto ni Mel na ito parati ang nagpapalugod sa kanya. She was all the way feminine in the bedroom. Kaya hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Mel na lesbian ito.

"Hindi pa ako lesbian noon."

"So, paano ka na-convert sa pagiging lesbian?"

Tinitigan siya ni Mel. "Do you really want to know?"

"Tell me."

"It's because of you," walang gatol na sabi ni Mel.

"Me?" Itinuro pa ni Pierre ang sarili. "Bakit ako?"

"After you dumped me, I lost interest in men. You'd hurt me really bad. Sa sobrang sakit, nagdesisyon akong hindi na makipagrelasyon sa kahit sinong lalaki. Sinabi ko sa sarili ko na kaya kong mabuhay nang walang lalaki. After a couple of months, naisip kong kailangan ko pa rin ng love life. Pero ayoko na sa lalaki. I tried hooking up with another woman, just to try if it could sustain my need for a love life. It worked out. Nakatatlong girlfriend na ako since we broke up. And I'm enjoying it very much."

Nalaglag ang mga panga ni Pierre sa narinig.

"Are you surprised?" nakangising tanong ni Mel. "Nagulat ka ba na ikaw ang dahilan kung bakit nawalan ako ng interes sa mga lalaki at kung bakit ako naging lesbian?"

"Mel, I—"

"It's okay, Pierre. You don't need to say sorry."

Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Mukhang okay lang kay Mel ang kinahinatnan nito pero parang hindi okay sa kanya. May guilt na nanahan sa kanyang dibdib.

"So, ano ba talaga ang kailangan mo sa akin? I need to go back to work, you know." Iniangat nito ang coffee cup sa bibig nito.

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "I just want to know if you have a mole in your butt."

Naibuga ni Mel sa mukha niya ang hinigop na kape. "What?"

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon