Part 38

1.7K 83 0
                                    


PININDOT ni Erika ang doorbell ng condominium unit ni Pierre. Hinintay niyang bumukas ang pinto. Tinawagan siya ng kanyang boss sa telepono at inutusang dalhin sa pad nito ang ilang dokumento, proposal papers, at blueprints na dapat nitong i-review at pirmahan. Tatlong araw nang hindi pumapasok si Pierre kaya naipon ang trabaho nito.

Ipina-cancel ng lalaki ang mga appointment at project visits nito at ipina-relieve iyon kay Eddie. Walang makakapag-relieve sa ilang trabaho nito bilang overall managing director at chief architect. Si Pierre kasi ang sole boss ng firm nito.

Naisip ni Erika na may kinalaman sa pagdalaw ni Pierre kay Katy ang hindi nito pagpasok. Mula kasi nang araw na iyon ay hindi na ito pumasok sa opisina. Marami siyang gustong malaman mula kay Pierre tungkol sa dahilan ng pakikipaghiwalay nito kay Katy noon. Hindi iyon naikuwento sa kanya ng kaibigan dahil hindi na makausap nang matino si Katy nang araw na nag-confide ito sa kanya tungkol sa problema nito sa pag-ibig. Ang sinabi lang ni Katy ay iniwan ito ng nobyo. Sobrang sakit daw ng ginawa rito ni Pierre Benedicto.

Isinama siya ni Pierre sa mental hospital at nasaksihan niya ang komprontasyon nito sa mama ni Katy kaya may dahilan siya para magtanong sa lalaki tungkol sa bagay na iyon. Sana lamang ay sagutin siya nito nang tapat.

Hindi pa rin bumubukas ang pinto kaya pinihit ni Erika ang doorknob. Hindi pala naka-lock ang pinto. Napagpasyahan na niyang pumasok sa loob. American style ang unit ni Pierre kaya may maliit na reception area muna bago ang living room, dahilan para hindi kaagad niya ito makita. Madilim ang paligid hanggang sa living room, walang ilaw at nakababa ang mga blinds ng glass walls.

Nang pindutin ni Erika ang switch ng ilaw ay nakita niya si Pierre na nakaupo sa sahig. Nakataas ang mga tuhod nito at nakapatong ang kanang braso nang tuwid sa tuhod nito. Maraming nagkalat na empty cans of beer sa carpeted na sahig. Nakapatong sa coffee table ang isang bote ng imported na alak na one-fourth na lamang ang laman. Obviously, he was drunk. He was drinking in daytime... or had he been drinking all night long? Baka sa loob ng tatlong araw ay ganoon lang ang ginawa ng lalaki.

Ganoon ba kaapektado si Pierre sa natuklasang kalagayan ni Katy? Nakita ni Erika mula sa malayo kung paano ito sinisi, sinampal, at pinagbabayo sa dibdib ng mama ni Katy. Pagkatapos niyon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura ni Pierre. Hindi ito umimik hanggang sa maihatid siya nito.

Mukhang apektado talaga ang kanyang boss. Kung ganoon, kahit paano pala ay may natitira pang katiting na konsiyensiya sa lalaki. Kung wala ito niyon ay hindi ito maaapektuhan sa kinahinatnan ng buhay ng kanyang kaibigan.

"Sir..." tawag niya. Nang hindi gumalaw si Pierre ay inulit niya ang pagtawag dito.

Umungol ang lalaki. Nag-angat ito ng mukha. "Erika..."

Tumambad sa kanya ang mukha ni Pierre na puno ng hinagpis. Basa ng mga luha ang mga mata. He looked really messed up. May stubbles na ang mukha nito at mukhang hindi nag-ahit nang tatlong araw. Nakadama siya ng kaunting awa sa hitsura at anumang emosyonal na bumabagabag kay Pierre. Pinalis din agad niya iyon dahil mas nakakaawa ang ginawa nito sa kaibigan niya.

"S-Sir? Ano'ng nangyayari sa inyo? Bakit ka... bakit ganyan ang hitsura n'yo?"

Kinuha ni Pierre ang isang beer in can na nakatayo sa sahig at inubos ang laman niyon. "Napakasama ko, Erika. Masama akong tao," kapagkuwan ay sabi nito.

"Ano ba'ng pinagsasasabi n'yo?"

"Marami akong winasak na mga pangarap at buhay. I'm an animal. I'm a monster."

Mabuti at aminado ka sa bagay na iyon, sa loob-loob ni Erika.

"I don't deserve to live." Pumatak ang mga luha ng lalaki.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now