Part 55

1.7K 83 4
                                    


PABILING-BILING si Erika sa kanyang kama. Hindi siya makatulog. Namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Nagkalat sa sahig ng kuwarto ang mga tissue paper na ginamit niya. Isang linggo na ang nakalilipas mula nang umalis siya sa Benedicto. Isang linggo na rin niyang hindi nakikita si Pierre.

Pinipilit niyang maka-move on. She believed she was a strong woman and she could fight her emotions if she tried real hard. Sa umaga ay nililibang niya ang sarili sa kung ano-anong activities. Nagdya-jogging siya, nagpupunta sa fitness gym, nagsa-shopping, at nanonood ng sine para makalimot. Ngunit sa gabi, kapag madilim at tahimik na ang paligid ay hindi pa rin niya maiwasang malungkot.

Agad na tumutulo ang mga luha ni Erika kapag naiisip niya ang mga masayang araw na magkasama sila ni Pierre. She missed him so much. Hindi niya kayang pigilin pa ang nararamdaman. Gusto niyang puntahan ang lalaki. Naiintindihan na niya si Katy. Hindi pala talaga madali ang pinagdaraanan ng mga babaeng nai-in love kay Pierre Benedicto.

Tumunog ang doorbell. Sinulyapan ni Erika ang alarm clock sa bedside table. Alas-onse na ng gabi. Sino ang bibisita sa kanya sa ganoong oras? Pinahid niya ang mga luha at saka lumabas ng silid. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang masilip si Pierre mula sa peephole. Bakit naroon ang lalaki?

Napapitlag siya nang tumunog uli ang doorbell. She felt afraid and excited at the same time. Iyon ang gusto niya—ang makita uli si Pierre. Lumipad ang tingin niya sa eyeglasses niya. Nang ibaba niya iyon sa coffee table ay hindi na uli niya naisuot. Dali-daling kinuha niya iyon. Nakasando siya ngunit hindi hapit. Nakasuot siya ng ternong pajama kaya hindi na siguro niya kailangang magpalit ng damit. Hindi na niya pinagkaabalahang itali ang kanyang buhok.

Kinakabahang binuksan ni Erika ang pinto. Kaagad na nagsalubong ang mga mata nila. Mukhang nakainom ito. "Pierre..."

"Erika..."

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Sa halip na sumagot ay lumapit nang mabilis sa kanya si Pierre. She gasped when he grab the back of her head and captured her mouth in a hungry kiss. She had been dreaming of him kissing her again. Hindi siya makapaniwalang nagaganap na ang pangarap niya. She responded to his kiss as hungrily as he was kissing her. Nagawa nilang makapasok sa loob ng bahay habang magkadikit ang kanilang mga labi. Isinara niya ang pinto. Inilapat ni Pierre sa dingding ang likod niya. Lalong naging mapusok ang halik ng lalaki.

Bago pa tuluyang madarang sa ginagawa ni Pierre ay sinubukan na ni Erika na patigilin ito. They needed to talk. Kailangan niyang malaman kung bakit ito naroon at bigla na lang siyang hinalikan nang ganoon. Tumigil ito sa paghalik sa kanya pero hindi nito inalis ang pagkakayakap sa kanya.

"Let's talk first, okay?" humihingal na sabi ni Erika. "Bakit ka nandito? Bakit... bakit mo ginagawa ito?"

There was tenderness in his eyes as he stared at her. "I've missed you..."

"Pierre..."

Hinaplos nito ang kanyang mga pisngi. "I've been thinking about you the whole week. You're the first thing that crops up in my mind the moment I wake up and the last thing in my thoughts before I sleep. I miss being with you. I want to see your smile. I want to see your face. I want to feel you near, hold your hand, touch you... I want to kiss you every day. I want to be with you. I've never felt like this before. This feeling is all weird to me. Then I realized... I could be in love..."

Namilog ang mga mata ni Erika sa narinig. Pareho lang pala sila ng nararamdaman.

His thumb traced her lips. "I think I'm in love with you, Erika."

"B-baka nabibigla ka lang... at saka lasing ka yata..."

"Hindi ako lasing. Nakainom ako pero alam ko ang ginagawa at sinasabi ko."

"Sigurado ka ba—"

"I've never been this sure in my life. For the past years, I've been with different women. Wala ni isa sa kanila ang nakapagparamdam sa akin nang ganito. Ikaw lang, Erika. I think I'd go crazy if I let you go. Hindi pala kita kayang kalimutan. I couldn't stand being away from you."

Gustong maluha ni Erika dahil napakasarap sa pakiramdam ng mga sinabi ni Pierre. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang sincerity and love.

"I know I'd been a bad guy. Marami akong sinaktang babae. I don't think I deserve someone like you. Alam kong magkakaroon ka ng doubts sa akin. I fully understand why. But I'm ready to prove to you that I've changed and that I truly love you."

Siya naman ang humaplos sa mukha ni Pierre. "Pinilit ko ring kalimutan ka kasi natakot akong masaktan katulad ng ibang babaeng nagmahal sa 'yo. Pero na-realize kong mas masakit kapag pinigilan ko ang nararamdaman ko kaysa masaktan ka pagkatapos mong ipadama ang nararamdaman mo. I'm willing to take chances with you, Pierre. Ayoko nang matakot na mahalin ka. I just want to be with you. I think I'm in love with you, too..."

Sinakop uli ni Pierre ang mga labi ni Erika. She kissed him back with equal passion. She was ready to love him. Ayaw na niyang mag-isip nang negatibo. Gusto na lamang niyang maniwala sa mga sinasabi ni Pierre. She let him touch and feel her. She let his mouth travel down her neck and throat. She was ready to give herself to him because she had never been crazily in love with a man before. Ganoon na lamang ang pagtataka niya nang tumigil ito sa ginagawa.

"No, we won't do this. I don't want to start our relationship with sex. Ayokong isipin mong ito lang ang gusto ko sa 'yo. I'll try not to have sex with you to prove to you that I love you."

Na-amaze siya. "Gagawin mo talaga 'yon para sa akin?"

Ngumiti at tumango ito kahit halatang tila hirap na hirap.

"Oh, my! You've really changed."

"You're one of the reasons why I've changed."

Niyakap niya nang mahigpit si Pierre. Naramdaman niya sa bandang ibaba ng katawan nito ang patunay ng paghihirap ng lalaki. Naaawa siya rito pero gusto niyang suportahan ang desisyon nitong huwag muna nilang gawin ang bagay na iyon. Lalo niyang minahal si Pierre sa ginawa nito.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα