Part 41

1.6K 73 1
                                    


NGINITIAN ni Pierre si Mel. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Nasa coffee shop sila kung saan huling nagkausap noon.

"Now, tell me, ano na naman ang kailangan mo?"

"Magugustuhan mo ang pag-uusapan natin. Gaano na kayo katagal ni Elaine?"

"Bakit mo itinatanong?" Tumigas ang anyo ni Mel. Nagkaroon ng pagbabanta sa mga mata ng babae. "May balak ka sigurong ahasin siya, 'no?"

"Relax, Mel. Wala akong interes kay Elaine. She's all yours. In fact, gusto kong makatulong sa inyo. I want you to have a happy and lasting relationship."

Mel rolled her eyes. "Ano ang alam mo sa isang masaya at matagal na pagsasama? You, Pierre Benedicto, could never give that kind of relationship."

Saglit na hindi nakapagsalita si Pierre. Ayaw na niyang buksan ang topic na iyon dahil gusto niyang maging maganda ang pag-uusap nila. "I know how to drive a woman crazy. I know how to make her wild. I know how to make her stay with me for as long as I want to. If I happen to want to make her stay with me forever, alam ko rin kung ano ang gagawin ko."

"So, did you talk to me now to brag about your incredible capabilities on playing with women?"

"No." Humigop siya ng kape. "Do you love Elaine?"

"Of course."

"Do you want to keep her forever?"

"Of course. Hindi mo ako katulad. You don't know the 'forever' word. Kapag nagmahal ako, gusto ko panghabang-buhay." Bumuntong-hininga si Mel. "But then, alam ko rin na maliit ang chances na mapasaakin si Elaine habang-buhay. As I've told you before, she's a bi. So, puwede siyang ma-in love sa lalaki at puwede niya akong iwan."

"Gusto kitang makausap dahil gusto kitang tulungan kung paano mo siya mapapanatiling sa iyo forever."

Kumunot ang noo ni Mel. Parang pinipigilan lang na ipakita ang interes sa sasabihin niya. "Paano?"

Ngumiti si Pierre. Sinimulan niya itong bigyan ng mga tips kung paano mababaliw si Elaine dito.


"TALAGA?" Nasopresa si Erika sa ibinalita ni Pierre. Pinapunta siya ng lalaki sa pad nito dahil ipinadala nito sa kanya ang blueprint na ipinasa ng isa sa mga architect na kailangan nitong i-review. Alam niyang nagkita si Pierre at si Mel dahil sinabi nito iyon sa kanya nang nagdaang araw.

Ngumiti si Pierre. "Yes. Bati na kami ni Mel. Puwede na kaming maging mag-bro."

"Ano'ng ginawa mo?"

"Simple lang. Binigyan ko siya ng mga tips para hindi siya iwan ni Elaine kahit makakakilala man si Elaine ng lalaki. I'm sure, sa mga tips na ibinigay ko, mababaliw sa kanya 'yong girlfriend niya."

Na-curious si Erika sa mga tips na sinabi ni Pierre. "Ano naman ang mga tips na ibinigay mo?"

Ngumiti ang lalaki. "Akin na lang iyon."

Alam niyang hindi sasabihin ni Pierre ang mga iyon.

"Natuwa si Mel sa mga ibinigay kong tips. She texted me and she said, ginawa na kaagad niya kanina ang isa sa mga iyon. At effective raw. Kaya nagpasalamat siya sa akin."

"Well then, that's good. At least, nabawasan na ang populasyon ng mga babaeng may galit sa 'yo." Ngumiti siya nang titigan ni Pierre. "O, bakit? Totoo naman, Sir, 'di ba? Ikaw na rin ang nagsabi na maraming babaeng namumuhi sa 'yo."

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon