Part 47

1.5K 73 0
                                    


PABILING-BILING si Erika habang nakahiga sa kama. Hindi na nga siya sanay matulog sa ibang bahay ay lalong hindi siya makatulog sa kaalamang nakahiga siya sa kama ni Pierre. Mabango ang mga unan at bedsheets. Parang nakadikit doon ang mabangong amoy ng lalaki. Napangiti siya nang wala sa loob habang niyayakap ang unan.

Natutuwa si Erika sa concern na ipinakikita ni Pierre. Nagsakripisyo itong matulog sa couch para sa kanya. She never thought he could be that thoughtful and gentleman.

Kumusta na kaya ang lalaki sa labas? Nakatulog kaya ito? Baka hindi ito sanay sa maliit na higaan. Napagpasyahan niyang lumabas upang silipin ito. Binuksan niya ang pinto at natanaw si Pierre na natutulog sa couch. Wala itong suot na damit-pang-itaas.

Lumapit siya sa lalaki. Napansin niya ang baso at bote ng alak sa side table. Uminom na naman pala ito. Inayos niya ang unan sa ilalim ng ulo ni Pierre. Kinuha niya ang kumot na nakaipon sa paanan. Kukumutan na sana niya ito nang mapatitig sa hubad na dibdib ng lalaki. His body was fit and chiseled. Natulala siya sa six-pack abs nito. She shook her head and covered his body immediately.

Natuon ang mga mata niya sa mukha ni Pierre. How could he manage to be that handsome even while asleep? Dati-rati ay aminado siyang guwapo at matipuno ito, ngunit hindi niya pinapansin ang pisikal na katangian ng lalaki. Bakit ngayon ay ina-acknowledge pa niya iyon sa isip?

Biglang naalala ni Erika ang pag-uusap nila ni Sister Anne noong sumama siya sa outreach program. Pinasubalian niya ang sinabi ng madre na may gusto siya kay Pierre. Hinding-hindi siya magkakagusto rito kahit guwapo, maganda ang katawan, magandang ngumiti, thoughtful, at nagbago na ito. Para sa kanya ay sapat nang napatawad niya ang lalaki.

Biglang umungol si Pierre. Naalarma siya nang dumilat ito at nahuli siyang nakatunghay rito. It was too late to run and hide. Kumurap-kurap ito. Tila hindi nito maidilat nang maayos ang mga mata dahil sa kalasingan. Kumunot ang noo nito. Noon lamang niya naalalang wala siyang salamin at nakalugay ang kanyang buhok.

"You're pretty..." wika ni Pierre sa lasing na tinig.

Tatalikod na sana si Erika pero hinawakan nito ang dalawang braso niya at hinila siya palapit. Suddenly, their faces were almost touching. Naalarma siya sa ginawa ni Pierre at sa pagkakalapit nila nang husto. Sinubukan niyang iangat ang sarili pero nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.

He grabbed the back of her head and pulled her head down. Sinakop ng mga labi ni Pierre ang mga labi niya. Gulat na gulat siya sa ginawa ng lalaki at maging sa sensasyong biglang nanalaytay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Hindi na siya makagalaw para umiwas sa halik nito. Bagkus ay napapikit siya at ninamnam ang masarap na pakiramdam na dulot ng masuyong halik.

She was about to respond to his kiss when she felt his lips suddenly stopped moving against hers. Nang iangat niya ang sarili upang tingnan si Pierre ay natagpuan niyang tulog na uli ito. Mukhang hindi nito alam ang ginawa sa kanya dahil sa kalasingan.

Biglang napatayo si Erika. What had just happened? Did they just kiss? Pierre kissed her. Nagustuhan niya ang halik nito. In fact, may panghihinayang siyang nadama nang matapos iyon. Napailing-iling siya habang nakatingin sa lalaki. She ran back to his room, convincing herself she did not like him.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now