Part 17

1.9K 84 4
                                    


PINAGMASDAN ni Pierre ang entrada ng nakatakda nilang pasukan ni Walter. "Sigurado ka bang dito natin makikita si Anne?"

"Ito ang lugar na sinabi ng imbestigador na kinuha ko," sagot ni Walter. "Bakit ayaw mong maniwala? May potential naman si Anne para mapunta sa ganitong klaseng lugar, 'di ba?"

Binasa uli ni Pierre ang mga letrang nakasulat sa tabi ng gate. Monastery of St. Therese of the Child Jesus. Ayon sa imbestigador ay isa nang madre si Anne. Binalingan niya si Walter. "But I remember she told me her dream was to become a doctor, a wife, and a mother someday. Wala sa plano niyang magmadre."

"Wala bang karapatang magbago ng plano ang isang tao? Malay mo, naramdaman niya ang tinatawag na 'calling' ng mga tulad nilang kapalaran ang maglingkod sa Diyos."

"Kung madre pala siya, bakit kailangan pa natin siyang puntahan? Hindi ko siya puwedeng pakasalan kung isa siyang madre. Hindi siya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula."

"Man, kung may mga paring lumalabas ng seminaryo at tumatalikod sa abito nila, mayroon ding mga madreng gumagawa ng ganoon. Kung siya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula, walang magagawa si Anne kundi lumabas ng kumbentong ito at talikuran ang pagiging madre niya."

Umiling-iling si Pierre. "Hindi kaya magalit si Lord nito?"

"Hindi 'yan. Come on." Pumasok sila sa nakabukas na gate ng monasteryo. Binati nila ang mga nakasalubong na madre. "Sister, nandito ho ba si Sister Anna Marie?" kapagkuwan ay tanong ni Walter.

"Si Sister Anne?" pagkumpirma ng isang maliit na babae.

"Oho."

"Naroon siya sa loob. Ano ang kailangan n'yo sa kanya?"

"Mga kaibigan ho niya kami. Gusto lang namin siyang dalawin at makibalita sa kanya."

"Kumatok kayo sa main door at ipagtanong n'yo siya roon."

Nagpasalamat sila sa mga madre. They headed for the main door. Pagkatapos kumatok ay bumukas ang pinto. Isang madre ang nagbukas niyon. Napatitig si Pierre sa babae. Tumitig din ito sa kanya. Nakita niya ang rekognisyon sa mga mata ng babae.

"Anne?" tanong ni Pierre sa madre.

"Sister Anne," pagtatama nito at napakunot ang noo. "Pierre Benedicto? Ikaw nga ba iyan?"

"Ako nga, Sister."

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Sinulyapan ni Anne ang kasama niya.

Ngumiti si Pierre. It had been twelve years. She looked quite different. yet, he could still recognize her. She was still pretty. "Can we talk?"

"Tungkol saan?"

"Gusto lang kitang kumustahin. May gusto rin akong alamin."

"Ano iyon?"

"Puwede mo ba kaming papasukin muna?"

Tila saglit na nag-isip si Anne. "Doon tayo sa hardin mag-usap."

Pierre agreed. Sinundan nila ang madre. Dumistansiya si Walter nang huminto si Sister Anne sa isang bench sa hardin ng monasteryo. Inalok siya nitong maupo roon.

"Kumusta ka, Anne? I mean, Sister Anne."

Bahagyang ngumiti ang madre. "Mabuti naman ako. Ikaw?"

"Mabuti rin ako. I'm an architect now. I own an architectural firm."

"That's good to hear. Teka, bakit may sugat ka sa noo at may cast ang braso mo?" puna ni Anne.

"I just had an accident recently. Mabuti nga at ito lang ang nangyari sa akin. Siguro in two weeks' time, puwede nang alisin ang cast ng braso ko."

Fortune Of The Heart [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara