Part 35

1.6K 75 1
                                    


TININGNAN ni Pierre si Walter. Halata ang pagtataka sa mukha ng pinsan. Pumunta ito sa pad niya para sunduin siya sa pag-aakalang sasama siya sa susunod na babaeng pupuntahan nila. Ibinaba niya ang tingin sa hawak nitong folder. Bitbit iyon ni Walter tuwing may pupuntahan silang ex-girlfriend niya. Report files iyon mula sa imbestigador at mga larawang galing sa kahon niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Ititigil na natin ang search operation?"

"Oo," sagot ni Pierre.

"What? Paano ka na? Paano na ang hula sa 'yo?"

"Let it happen. Kung mamamatay ako, di mamamatay ako. Tutal, napakasama kong tao. I probably deserve that."

Hindi na niya kaya ang usig ng kanyang konsiyensiya. Ang buong akala niya ay wala siya niyon. Ngunit sa sunod-sunod na pagkakatuklas ng kinahantungan ng mga babaeng nasaktan niya ay naramdaman niya ang mahigpit na hagupit ng guilt. Natatakot na siyang malaman kung ano pa ang kinahinatnan ng buhay ng iba pang babaeng dumaan sa buhay niya.

Umupo si Walter sa tabi niya. "Alam mo, kahit ako ay na-shock sa mga naging buhay nila. Pero kung iisipin mo, hindi lang ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon sila. Hindi masama ang kinapuntahan nilang lahat. Tulad ni Anne, sigurado na siya sa placement niya sa Itaas. Napakadakilang bagay ang maglingkod sa Diyos. Si Mel naman, sigurado akong palaging nasa langit kasama ang girlfriend niyang ubod ng hot. I actually envy her.

"Well, si Divine, parang mas masaya pa siya ngayon kahit triple na ang laki niya. 'Kita mo naman, sa lahat ng pinuntahan natin, siya lang ang sobrang warm ang pag-welcome sa 'yo, to think na nagtangka pa siyang mag-suicide noon, ha? Si Natalie, expert sa martial arts, daig pa tayo. Kung hindi dahil sa iyo, hindi siya mag-e-exert ng effort na matuto niyon. Si Cecille naman, you unleashed her courage. Napakatapang na niyang babae ngayon. Biruin mo, nagawa niyang mamaril ng jail guard. Hindi ko kaya 'yon. Si Cybelle, may anim na anghel. Malay mo, balang-araw ang mga anak niya ang mag-angat sa kanya sa kahirapan. Look at the bright side of things, bago ka magmukmok diyan. Besides, hindi maibabalik ng pagmumukmok at paninisi mo sa sarili ang lahat ng nangyari."

Tiningnan ni Pierre si Walter. Alam niyang pinagagaan lamang nito ang bigat sa dibdib niya. He did not succeed. "Buo na ang desisyon ko, Walter. Ititigil na natin ito. Sa pagkakatanda ko, hindi ka naniniwala sa hula, 'di ba? Bakit ngayon, parang naniniwala ka na?"

"Hindi pa rin ako naniniwala roon. Kaya ko lang sinabi ang mga sinabi ko ay dahil gusto kong tigilan mo ang pagmumukmok at paninisi sa sarili mo."

Umiling si Pierre. "Whatever, man. I just don't want to continue this search."

"Sabihin mo munang itinitigil mo ang search operation dahil hindi ka na naniniwala sa hula at hindi dahil sa tingin mo you don't deserve to live anymore."

"Uminom na lang tayo," suhestiyon niya bilang pag-iwas.

Pumayag si Walter. Inilapag nito ang folder sa coffee table at nagsimula na silang mag-inuman. Mayamaya pa ay nakatulog na ang pinsan dahil sa kalasingan samantalang siya ay gising na gising pa rin. Hindi man lang nagawang pawiin ng alak ang sobrang guilt sa dibdib niya.

Binuksan ni Pierre ang laptop sa coffee table para mag-check ng e-mails. Matagal na niyang hindi nagagawa iyon. May isang e-mail siya na may subject na: "Buksan mo. Importante." Ide-delete sana niya iyon dahil hindi niya kilala ang sender at malamang na spam mail lang iyon pero nang pindutin niya ang delete button ay ayaw niyong mag-delete. Napilitan na lang siyang buksan ang e-mail.

Biglang lumitaw sa monitor ang mukha ng matandang manghuhula. Nagulat si Pierre. Lasing na siguro siya kaya nakikita na naman niya ang manghuhula.

"Ano'ng ginagawa mo sa laptop ko? 'Wag mong sabihing computer virus ka rin bukod sa pagiging manghuhula?"

"Puntahan mo ang susunod na babae," sabi ng matanda.

Inilapit ni Pierre ang mukha sa computer screen. "Para ano? Para malaman ko na naman na ako ang dahilan ng pagkawasak ng pangarap niya o pagkasira ng buhay niya? No freaking way! Tama na ang pang-uuto mo sa akin. Ayoko na!" Isinara niya ang laptop at ipinagpatuloy ang pag-inom.

That freaking old woman...

Kasalanan ng matandang babae kung bakit nagkakaganoon siya. Kung hindi siya sinabihan nito ng ganoon ka-weird na hula, di sana ay walang bumabagabag sa isip niya. Uminom uli siya ng alak. Nagawi ang kanyang tingin sa folder na inilapag ni Walter sa side table. Bumalik sa isip niya ang sinabi ng matanda.

Dala ng curiosity ay inabot ni Pierre ang folder at binuklat iyon. Natagpuan niya roon ang listahang ginawa niya. Isinusulat pala ni Walter sa mismong papel na iyon ang mga clue na sinabi niya: maputi, may nunal sa puwit, at hindi mataba. May ibinigay na bagong clue sa kanya ang matanda at sinabi nito na puntahan niya ang susunod na babae.

Binasa ni Pierre ang pangalan ng susunod na babaeng pupuntahan dapat nilang magpinsan. "'Katy Tolentino.'" Tinitigan niya ang larawan nito na kasama siya. Katy had never been his girlfriend. She was only a "date" for barely two months. He remembered she was a very nice, witty, and sweet woman.

Dumako ang paningin niya sa mga data na nakasulat sa ibaba ng pangalan ng babae. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa. Mahigit siyam na buwan nang nasa isang mental hospital si Katy. Nanlalaki ang mga matang ibinalik niya ang tingin sa larawan ng babae. Hindi siya makapaniwalang nabaliw ito. Siya na naman ba ang may kasalanan sa nangyari dito?

Ipinagpatuloy ni Pierre ang pagbabasa ng data. Pag-ibig daw ang dahilan ng pagkabaliw ni Katy. Nang kalkulahin niya ang time frame kung kailan sila nagkahiwalay ay doon niya nakumpirmang siya nga ang dahilan ng kinasapitan ng babae.

Nagpasya siyang puntahan si Katy hindi dahil sinabi ng manghuhula kundi nais niyang malaman ang kondisyon nito. Napatingin si Pierre kay Walter na naghihilik sa pagtulog habang nakabulagta sa couch. Hindi niya ito isasama dahil tapos na ang search operation nila. Isa pa ay lilipad bukas sa Boracay si Walter kasama ang current girlfriend nito. Kaya nga gusto nitong puntahan nang araw na iyon si Katy dahil baka isang linggo raw itong mawawala.

Kailangan ni Pierre ng kasama para kung sakali ay may mapaghugutan siya ng lakas ng loob. He felt like he was emotionally unstable at the moment. He needed someone he could trust to accompany him.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now