Part 43

1.5K 60 0
                                    


NASA project site na sina Erika at Pierre sa Batangas kung saan balak magpatayo ng kliyente nila ng ecopark. Dumating din doon ang building architect, landscape architect, at isang surveyor na nagtse-check sa lugar.

"I'm happy we got this project," sabi ni Pierre.

"Me, too," tugon ni Erika.

"'Buti na lang at tumigil na ang Multi-Towers sa pang-aagaw ng mga project na para sa atin."

Na-guilty si Erika sa narinig. Naalala niya ang napakalaking perang nawala sa kompanya ni Pierre nang dahil sa kanya. In relation to that, tinatawagan at pinadadalhan siya ng e-mail ng Multi-Towers at nagtatanong kung bakit hindi na siya nagbibigay ng impormasyon tungkol sa aktibidades ng Benedicto. She ignored the calls and the e-mails. Wala na siyang balak na isabotahe ang kompanya ni Pierre.

Nang papagabi na ay dinala siya ni Pierre sa isang native restaurant sa Batangas. Um-order ito ng kare-kare.

"Favorite mo ang kare-kare?" tanong ni Erika.

"Yes. Masarap ang kare-kare nila rito, 'di ba? I've been here before. Minsan, dumadayo pa talaga ako rito kapag nagke-crave ako ng kare-kare."

Tinikman ni Erika ang kare-kare. Kapagkuwan ay tumango siya. "Isa rin ito sa mga paborito kong kainin at lutuin."

"You cook?"

"Siyempre naman. Mahilig magluto ang mamang ko. Teenager pa lang ako ay tinuruan na niya akong magluto. Modesty aside, mas masarap ang kare-kare at bagoong ko kaysa rito."

Nanlaki ang mga mata ni Pierre. "Really? You mean, may sasarap pa sa kare-kare dito?"

Ngumiti at tumango siya.

"Kailangan mo 'yang patunayan sa akin. Ipagluto mo ako ng kare-kare."

"Sure!"

Masayang nagpatuloy sila sa pagkain ng apat na putaheng Filipino na in-order ni Pierre.

"Siyanga pala, Sir, kumusta ang project mo para doon sa ex mo na naging man-hater?" kapagkuwan ay naalala niyang itanong.

"Yeah, I forgot to tell you about it. Pinapunta ko 'yong kaibigan kong pyschiatrist sa martial arts training center na pinagtuturuan ni Natalie. Good thing na-convince niya si Natalie na mag-undergo ng psychotherapy sessions for free. Siguro, deep inside her ay gusto rin niyang matanggal sa kanya iyong abnormal na galit sa mga lalaki. Nagsisimula na ngayon ang therapy ni Natalie."

"Hindi niya itinanong kung sino ang benefactor niya? 'Di ba, babayaran mo ang fee ng kaibigan mo?"

Tumango si Pierre. "Alam kong hindi niya tatanggapin ang tulong kung ipasasabi ko agad sa kanya kaya pinaisip ko na lang ng gimik 'yong kaibigan ko. Idinahilan yata niya na may case study at nangangailangan siya ng volunteer patient."

Tumango-tango si Erika. "Mabuti at pumayag si Natalie. Sana ay maging maganda ang resulta ng therapy niya. Sana, mabago niyon ang outlook niya tungkol sa mga lalaki."

"Ganoon din ang balak kong gawin kay Cecille. Gusto ko siyang patingnan sa kaibigan ko para maalis iyong violent urges niya. Kapag magaling na siya, I will provide her bail. Almost half a million pesos ang bail niya kaya hindi siya makapagpiyansa. Hindi na rin naman siya pinayagang makapagpiyansa dahil sa ginawa niya do'n sa jail guard. Baka raw kasi makagawa siya ng mas mabigat na kasalanan sa labas. I remember, pinagbantaan niya akong papatayin kapag nakalaya siya."

"Nakakatakot pala talaga siya."

Saglit na tumahimik si Pierre bago muling nagsalita. "Gusto ko rin sanang tulungan si Katy kaya lang ay ayaw ng mommy niya. Nabalitaan kong pupunta sila sa States para doon ipagpapatuloy ang pagpapagamot sa kanya."

Alam iyon ni Erika. Sa isang linggo ay magtutungo na sa Amerika si Katy kasama ang mga magulang nito para doon na manirahan. Nalungkot siya pero pilit na itinago iyon.

"I hope I can see her before she leaves. Pero imposible, eh. Bantay-sarado siya," may bahid ng lungkot na sabi ni Pierre.

"Isipin mo na lang na baka mas mapabilis ang paggaling ni Katy sa pupuntahan niya." Iyon din ang iniisip ni Erika kaya nababawasan ang kanyang lungkot tuwing naiisip ang nakatakdang paghihiwalay nila ng kanyang best friend.

"Sana nga ay bumalik na siya sa dati."

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now