Part 62

1.6K 73 0
                                    


"MAN, TALAGA bang magpapakasal ka na?" tanong ni Walter kay Pierre.

Tumango si Pierre bilang sagot. Pumunta si Walter sa opisina niya nang ibalita niya sa pinsan ang nakatakda nilang pagpapakasal ni Erika sa susunod na linggo. Nilalakad na nila ang mga requirement para maikasal sila sa huwes.

"Ang bilis yata. Isang buwan pa lang kayong mag-on, ah."

"Sinabi ko naman sa 'yo, wala iyon sa haba o iksi ng isang relasyon. Kapag naramdaman mo nang gusto mo nang mag-settle down, do it."

"Handa ka na talagang lumagay sa gulo?"

Nginisihan ni Pierre si Walter. "Ang buhay mo ang magulo. Maghanap ka na ng babaeng seseryosuhin mo at mag-asawa ka na rin."

"Talagang nagbago ka na. I'm so proud of you, man." Tinapik siya ni Walter sa balikat. "So, ibig sabihin, hindi ka na naniniwala sa hula?"

Sinapo niya ang kanyang noo. "As much as possible, I don't want to think about that. I'm trying to believe it's not real. Hindi na uli ako dinalaw n'ong matanda mula noong ipag-pray over ako ni Sister Anne. Baka talagang masamang espiritu lang iyon na gustong bulabugin ang isip ko. Pero hindi mo pa rin maiaalis sa akin ang mag-alala. Paano kung totoong malapit na akong mamatay? Isang buwan na lang, birthday ko na."

Nagpakawala ng marahas na hininga si Pierre. "Bukod sa gusto ko na talagang maging asawa si Erika, minadali ko ang kasal namin dahil kung saka-sakali, gusto kong maranasang ikasal at magkaroon ng asawa bago man lang ako mawala. I know it might be unfair on Erika's part dahil iiwan ko lang siya kung mamamatay nga ako. Pero ginagawa ko rin ito para sa kanya. I want her to legally receive a huge part of my fortune just in case I die. Gusto ko siyang makasama bago man lang ako..."

"Listen, man. You're not going to die. Stop thinking and believing in that bullshit. Ikaw na ang nagsabing hindi na nagpapakita sa 'yo 'yong matanda. That's a sign na hindi totoo 'yong ipinananakot niya sa 'yo. So, clear your mind from negative thoughts and just savor your last days of being a bachelor. Saan ang stag party?"


MAGILIW na tinanggap ng mga magulang ni Erika si Pierre nang dalhin niya ang nobyo sa bahay nila sa Pampanga para mamanhikan. Binigyan na sila ng kanyang mga magulang ng blessing para magpakasal. Napag-usapan nila ang araw ng kasal at mga detalye. Siyempre, kahit civil wedding lang ang magaganap ay kailangang naroon ang mga magulang niya.

"Sayang, Erika. Kung nandito lang sana si Katarina, malamang, siya ang isa sa mga witness, ano? Sigurado akong matutuwa iyon sa pagpapakasal mo. Kung hindi lang siya—"

"'Mang, may dessert na ba? Tapos nang kumain si Pierre," putol ni Katrina sa sinasabi ng ina. Hindi niya akalaing babanggitin ng kanyang ina si Katy sa harap ni Pierre.

"Katarina?" nakakunot-noong tanong ni Pierre. "Sino si Katarina?"

Kinabahan si Erika. Hindi pa iyon ang tamang oras para malaman ni Pierre ang tungkol kay Katy.

"Iyong best friend ni Erika mula noong bata siya," tugon ng mamang niya.

"Si Kat-kat?" tanong ni Pierre.

"Oo, siya nga. Naikuwento na pala siya sa iyo ni Erika. Wala siya ngayon, nasa Amerika na."

Tumango si Pierre sa mamang niya at pagkatapos ay tiningnan siya ng nobyo. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Mabuti na lamang at nagpaalam ang mamang niya na papasok sa kusina para kumuha ng dessert kaya hindi na nadugtungan ang tanong ni Pierre.

"Nakakalungkot na wala pala kaming magiging mga balae," sabi ng papang niya.

Malungkot na ngumiti si Pierre. "Oo nga ho, eh. Sayang. Hindi n'yo na mararanasan na magkaroon ng balae dahil only child lang ho ako."

"'Di bale, anak, magkakaroon ka naman ng bagong mga magulang sa amin," nakangiting sabi ng kanyang papang.

"Salamat ho, 'Pang."

Marami pa silang napagkuwentuhan. Mabuti na nga lang at hindi na uli binuksan ng mamang niya ang topic tungkol kay Katy. Buong araw din silang nasa Pampanga kaya bago gumabi ay umalis na sila ni Pierre upang hindi sila masyadong gabihin sa pag-uwi.

"I like your parents. They are nice," sabi ni Pierre habang nagmamaneho ito pauwi. "Mukhang masuwerte na ako sa asawa, suwerte pa ako sa in laws."

Ngumiti si Erika. "Mabait talaga ang parents ko. Wala kang magiging problema sa kanila."

"Iyong best friend mo, kapangalan siya ng isang ex ko, si Katy. I know you remember her. Siya iyong dinalaw natin sa mental hospital."

"Talaga? Katarina ang buong pangalan ni Kat-kat." Hindi niya ipinahalata ang pagkailang sa topic.

"Pareho pa silang nasa States ngayon. Ano ang ginagawa niya roon?"

"Nagtatrabaho siya roon," pagsisinungaling ni Erika.

"Kaya pala naisipan mo ring mag-abroad kasi iyong best friend mo, nagtatrabaho na roon."

"Oo, gano'n na nga."

"Kumusta na kaya si Katy? I hope she keeps improving. Sayang, wala man lang akong balita sa kanya."

Ang totoo ay katatawag lang ni Erika sa mama ni Katy at sinabi nitong mas mukhang mapapabilis ang paggaling sa Amerika ng anak nito. Her friend was showing a lot of improvement. Masayang-masaya siya para kay Katy. Kinausap pa nga niya si Katy sa telepono. Tuwang-tuwa ito nang marinig ang boses niya. "Siguro ay mas magiging okay siya roon dahil mas advanced ang treatment nila."

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant