Part 44

1.5K 59 0
                                    


PINAPUNTA ni Pierre si Erika sa pad nito. Tinupad niya ang pangakong ipagluluto niya si Pierre ng kare-kare. Ipinatikim niya sa lalaki ang luto niya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Erika nang umaliwalas ang mukha nito. Halatang nagustuhan ni Pierre ang iniluto niya.

"Wow! This is so very good. Mas masarap nga kaysa sa kare-kare sa Batangas."

"Thank you."

Tila takam na takam na sumubo uli ang lalaki. "Ito na ang pinakamasarap na kare-kareng natikman ko. I love it." He groaned. "Baka maubos ko itong isang mangkok."

Ngumiti si Erika. Sa lahat ng mga naka-appreciate ng luto niya, sa lalaki pinakatumaba ang puso niya.

"So, this is one of your specialties. Ano-ano pa ang mga specialty mo?" tanong ni Pierre habang ngumunguya.

"Kaldereta, dinuguan, bulalo, miki bihon, adobong pusit, at marami pang iba."

"Wow! Sana, matikman ko rin lahat ng iyon."

"Next time, ipagluluto kita ng kalderetang baka."

"Really? Sinabi mo 'yan, ha," excited na sabi nito.

Tumango si Erika. "Kaya lang, baka mawili ka at i-include mo na naman sa job description ko pati ang ipagluto ka."

Ngumisi ito. "Puwede ba?"

She made a face. Tumawa si Pierre.

"Ang suwerte ng mapapangasawa mo."

Na-flatter siya. "Sobra kang makapuri. Baka magka-hydrocephalus na ako niyan."

"Totoo naman kasi. By the way, nagawa ko na nga pala ang balak ko para kay Cybelle."

"Siya 'yong nagkaanak ng anim sa iba't ibang lalaki?"

Tumango si Pierre. "My Auntie Cely has a foundation. Nagbibigay sila ng scholarship sa mga underprivileged kids na matatalino. Nag-request ako ng six slots sa kanya para ibigay ko sa mga anak ni Cybelle."

"Tinanggap niya?"

"Yes. May dumalaw kay Cybelle na representative ng foundation at nag-grant ng scholarship sa mga anak niya."

"Sigurado akong nagtaka siya kung paano nabigyan ng scholarship ang mga anak niya."

"Sinabi ng representative na may nagmagandang-loob na irekomenda ang mga anak niya para mabigyan ng scholarship. Tinanong ko rin si Auntie Cely kung may alam siyang trabaho na puwede kay Cybelle. Sa bar pa rin kasi siya nagtatrabaho, eh. Kitchen assistant. Luckily, may trabahong ibinigay si Auntie Cely. Mas maganda kaysa sa trabaho ni Cybelle ngayon at mas malaki pa ang suweldo."

"That's good news. At least, kahit paano ay aayos ang buhay niya. Mas kaunti na ang aalalahanin niya dahil libre na ang pag-aaral ng kanyang mga anak at maganda na ang kita niya."

"Yeah. Sana unti-unti na siyang makakabangon."

"Sana nga."

Ipinagpatuloy ni Pierre ang pagkain. Nanatili siyang nakatitig sa lalaki. Natutuwa siya dahil nag-e-exert ito ng effort na tulungan ang mga babaeng nasaktan nito. Sa tingin niya ay malaki na ang naging pagbabago ni Pierre.


Fortune Of The Heart [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin