Part 14

1.9K 77 3
                                    


PUPUNGAS-PUNGAS si Pierre. Sinulyapan niya ang alarm clock na nasa side table. Alas-tres pa lamang ng madaling-araw. Matutulog sana uli siya nang maalalang hindi pala siya nag-iisa sa kama. Last night, he had a steamy hot night with a sexy "shrink." Pumihit ng higa si Pierre upang sulyapan ito. Nakatalukbong ng kumot ang babae kahit hindi malakas ang aircon. Saglit pa siyang nagtaka kung bakit nakatakip ang mukha nito. Pakiramdam niya ay nawala na ang kanyang antok. Parang gusto uli niyang magpa-"check up" sa babae.

Naisip niyang gisingin ito upang masulit ang ibinayad ni Walter. Hinila niya ang kumot na nakatakip sa babae. Pierre was expecting to see her lovely face. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang ibang mukha ang makita. Then he realized who the old woman was. Ito ang manghuhulang nakilala niya sa eroplano. Napasinghap siya nang biglang dumilat ang matandang babae. Animo nananakot.

"Shit!" bulalas ni Pierre. He jumped off the bed, unmindful of his nakedness. "Ano'ng ginagawa mo rito? Ano'ng ginagawa mo sa kama ko?" hysterical na tanong niya.

Kinipkip ng manghuhula sa kilikili ang kumot. Hindi siya makapaniwalang nakahubad ito sa ilalim ng kumot. "Bumalik ako para ipaalala sa iyo ang dapat mong gawin."

"Ano ang dapat kong gawin? At saka bakit ka nakahubad?" Dammit! Did he have sex with this old hag? Saka lamang niya na-realize na wala pala siyang suot na kahit isang saplot. Dinampot niya ang kanyang boxers na nakakalat sa sahig at nagmamadaling isinuot iyon.

"Nakalimutan mo na ba ang mga sinabi ko sa 'yo noong nasa eroplano tayo?"

"How I wish I could forget about it! Sabihin mong hindi totoo ang sinabi mo. Sabihin mong nananakot ka lang."

"Hindi kita tinatakot. Sa katunayan ay gusto pa nga kitang iligtas sa kamatayan. Inuulit ko, pagtuntong mo sa edad na treinta at hindi ka pa naikakasal sa isang partikular na babae ay mamamatay ka."

"Dammit! I'm turning thirty in less than six months from now!" Napahawak si Pierre sa kanyang sentido. "How am I supposed to do that? Hindi ko alam kung sino ang babaeng dapat kong pakasalan. Sabihin mo kung sino siya at pakakasalan ko kaagad siya."

The old woman smiled wickedly. "Ano ang akala mo sa akin, easy to get? Hindi ko sasabihin sa 'yo kung sino siya. Gusto kong ikaw ang makatuklas niyon. Gusto kong hanapin mo siya hanggang sa makita mo siya."

Napapikit si Pierre. May pa-hard to get pang nalalaman ang matandang ito! "Madam, naman. Kung gusto mo talaga akong iligtas, sabihin mo sa akin kung sino ang babaeng iyon. Ano'ng pangalan niya?"

"Inuulit ko, ikaw ang dapat makatuklas kung sino siya."

Mukhang hindi talaga mapapahinuhod ni Pierre ang manghuhula. "Ang sabi mo, nakilala ko na ang babaeng iyon."

"Oo."

"Wala man lang bang clue kahit isa? Halimbawa, sa hitsura. Matangkad ba siya? Maputi ba siya o morena? Payat ba siya—"

"Maputi siya," putol ng manghuhula sa sinasabi niya.

Nakadama ng pag-asa si Pierre. At least, kahit paano ay liliit ang bracket ng mga babaeng iisipin niyang babaeng dapat na mapakasalan. "What else, Madam? Give me another clue."

"Masarap siyang magluto."

"Masarap magluto. Ano pa?"

"May nunal siya sa puwit."

"Huh? Nunal sa puwit?"

Tumango ang manghuhula.

Inisip niyang mabuti kung sino ang mga babaeng nagdaan sa buhay niya na may nunal sa puwit. Mayroon siyang naging karelasyon na may nunal sa puwit pero hindi niya maalala kung sino sa dami ng mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay. "Ano pa? Come on, Madam. Lubos-lubusin mo na ang pagbibigay ng clues."

Sa halip na sumagot ay umakmang aalisin ng matanda ang kumot na nakatabing sa katawan nito. Napatalikod si Pierre. Hindi niya kayang tingnan ang hubad na katawan ng matandang babae na puno ng kulubot. Baka bangungutin siya kapag bumalik na siya sa pagtulog. "Madam? Ah, sabihin mo na kung ano pa ang clue na maibibigay mo."

Wala siyang narinig na sagot kaya nagpasya siyang lingunin ito. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nakatayo na ang matanda sa kanyang likuran. Nakadikit ang mukha nito sa mukha niya. Dilat na dilat ang mga mata ng matanda. Napasigaw siya sa takot.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now