Part 73

1.7K 68 0
                                    


TAMA ng pagkakaunawa si Erika. Naging sweet lang sa kanya si Pierre noong kaarawan nito para itago sa mga tao ang totoong sitwasyon nila bilang mag-asawa. Pag-uwi nila ay bumalik din sila sa totoong sitwasyon.

Isang linggo na ang lumipas pero wala pa ring nabago sa pakikitungo ni Pierre sa kanya. Kinakausap lang siya nito kapag kailangan. Kahit anong nice at sweet gesture ang ipakita niya sa asawa ay bale-wala rito. Tuwing gabi lang nito ipinararamdam sa kanya na kailangan siya nito. There were never a night that they did not make love.

Isang gabi ay nagtaka si Erika nang sa kauna-unahang pagkakataon ay sumalo si Pierre sa dinner. Pero hindi niya nagustuhan ang paksa ng usapan nila sa hapag-kainan.

"I want us to have a postnuptial agreement," wika ni Pierre.

Hindi naituloy ni Erika ang pagsubo ng pagkain. Parang katumbas na rin ng prenuptial agreement ang sinabi ng asawa. Ang kaibahan lang ay ginagawa ang postnuptial agreement kapag mag-asawa na ang dalawang parties na involved. Marahil ay gusto ni Pierre na masiguro na hindi niya pakikialaman ang kayamanan nito. Patunay lamang iyon na wala talaga itong tiwala sa kanya.

Tumango siya. "Sige. Kailan natin gagawin ang drafting?"

"We'll set a date for a postnuptial mediation with my attorney. Pag-isipan mo na kung ano ang mga gusto mong i-include sa agreement."

"Wala akong gustong i-include sa agreement. Everything I have is yours. Saka hindi naman kasinlaki ng pera mo ang pera ko. I've no reason to protect my properties and life from you."

Tinitigan siya ni Pierre.

"I don't need your money, Pierre. Pipirma ako sa agreement na iyon para mapatunayan kong wala talaga akong interes sa yaman mo. I only want one thing from you—your love. Sana ay huwag mong protektahan sa agreement ang bagay na iyon. I want you to love me again just like how you used to. Gusto ko lang na bumalik iyong dati. Noong masaya tayo at laging nagkakaintindihan. I missed those moments... I miss you." She felt as if she wanted to cry.

Inalis ni Pierre ang tingin sa kanya at itinuon iyon sa plato nito. Nagpatuloy ito sa pagkain at hindi na uli nagsalita. Erika remained looking at him. Kahit patuloy siyang iiwasan ni Pierre ay hindi siya titigil hangga't hindi uli niya napalalambot ang puso ng asawa.


NAKANGITI si Erika nang lumabas siya mula sa HR department ng Lorenzana Advertising Corporation. Isa iyon sa pinakamalalaking advertising companies sa bansa. Natanggap siya roon bilang copywriter. Napaka-competitive ng sahod niya. Mas mataas pa iyon sa sinusuweldo niya noon sa Vivace. She had been hearing good things about the company. Maganda raw magtrabaho roon dahil bukod sa maganda ang pasahod at may incentives ay malaki rin ang possibilities ng promotion. Excited na siyang magsimula sa trabaho sa makalawa.

Pinindot ni Erika ang down button ng elevator. Nang bumukas iyon ay nasopresa siya sa mukhang bumungad sa kanya. "Steven..." Nag-alangan siyang ngitian ang lalaki dahil hindi maganda ang huling pagkikita nila. Nasaktan niya ito.

"Hey, what are you doing here?" tanong ni Steven, saka siya nginitian.

Ngumiti na rin siya ng lalaki. "I just got hired as a copywriter here. What are you doing here?"

"Really? Well, congratulations and welcome to our company."

"You... work here?"

Tumango si Steven. "I'm the creative director. So, ikaw pala ang newly hired copywriter namin."

Creative director? Ang ibig sabihin ay under siya ni Steven. She would be working with him.

"Why, you look disappointed. Ayaw mo ba akong makatrabaho?"

"Of course not! Ano ba ang sinasabi mo? Nagulat lang ako na dito ka pala nagtatrabaho."

"Coincidence or destiny?" He laughed softly. "Kung inaalala mo pa rin 'yong nangyari the last time we saw each other, 'wag mo nang isipin 'yon. Wala na sa akin 'yon. By the way, congratulations pala sa inyo ni Pierre." Saglit pa nitong tinapunan ng tingin ang wedding ring niya.

"Thank you."

"Well, good luck on your new job. I'm happy to have you in my department."

Tumango lamang si Erika. Nang makalabas siya ng gusali ay nagtalo ang isip niya kung babalik pa siya sa kompanyang iyon. Alam niyang hindi magugustuhan ni Pierre kapag nalaman nito na magiging magkatrabaho sila ni Steven. In fact ay magiging boss pa niya ang huli. Pero hindi maganda kung aayawan niya ang isang napakagandang job opportunity sa isang top company dahil lang sa pag-aalala na hindi magustuhan ng kanyang asawa ang pagkakalapit niya kay Steven.

Mukhang wala nang interes si Steven sa kanya dahil may asawa na siya kaya walang rason para umiwas siya. Isa pa ay hindi na siya mahal ni Pierre. Hindi na siguro magseselos si Pierre sa totoong kahulugan ng salita. Kung magagalit ito kapag nalaman ang magiging kaugnayan niya kay Steven ay ego lamang ang masasaling.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now