Part 68

1.8K 74 1
                                    


"DAMMIT, Walter! Why did you tell her about it?" galit na tanong ni Pierre.

"Hindi ko sinasadyang masabi kay Erika. Dumalaw kasi siya sa ospital noong naka-confine ka. Nag-aalala ako sa 'yo—"

"Kaya sinabi mo sa kanya."

"Look, man. Wala akong masamang intensiyon. Bukod kay Glaiza, puwedeng siya ang babaeng tinutukoy ng manghuhula."

"Naniwala ka naman sa kanya? She's a liar. For all we know, sinabi lang niya iyon dahil may binabalak na naman siya."

"Paano kung siya nga ang hinahanap mong babae?"

"I don't want to marry someone I don't trust."

"Man, we're talking about death here."

"Akala ko ba, hindi ka naniniwala sa hula?"

"Hindi talaga. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Naaksidente ka uli kaya posibleng totoo ang sinasabi ng old hag na 'yon. Kapag napatunayan nating si Erika ang babaeng sinasabi niya, ituloy mo na ang pagpapakasal sa kanya. Tutal, mahal mo pa rin siya, 'di ba? Nagdududa at nasaktan ka lang sa ginawa niya pero alam kong mahal mo pa rin siya."

"Si Glaiza na lang ang pakakasalan ko kaysa siya. Sabihin mo 'yan sa kanya."

"Seryoso ka?"

"Oo," pagsisinungaling ni Pierre. Sinabi lang niya iyon para pasakitan si Erika.


KAHIT nasaktan si Erika sa panre-reject sa kanya ni Pierre ay hindi pa rin siya tumigil sa panunuyo sa lalaki. She had to save him from death. Totoo man o hindi ang hulang iyon ay hindi siya puwedeng makampante. Kailangang pakasalan siya ni Pierre sa ayaw at sa gusto nito. Thirteen days pa bago ang kaarawan nito. Gagawin niya ang lahat ng makakaya para mailigtas si Pierre.

Pumunta siya sa opisina nito. Dahil banned siya roon ay naghintay na lamang siya sa labas ng gusali. Mabuti na lamang at may communication pa rin sila ni Rowena. Kay Rowena niya nalaman na nasa opisina si Pierre. Itinawag din nito sa kanya nang lumabas na ng opisina si Pierre kaya naghanda na siya sa paglapit sa lalaki.

"Pierre," tawag ni Erika.

Malamig ang tinging ibinigay nito sa kanya. "Kung nandito ka para ipilit na naman na ikaw ang babaeng sinasabi ng manghuhula, nagsasayang ka lang ng panahon."

She handed him a single red rose with a ribboned note. Gusto niyang ipaalala kay Pierre kung paano ito nag-propose sa kanya noon. "Marry me, please," pagmamakaawa niya. "Ituloy natin ang kasal natin. Ipakikita ko sa 'yo na hindi ako katulad ng iniisip mo. Hindi ako masamang tao at totoong mahal kita. Hayaan mo akong patunayan ang sarili ko at iligtas ang buhay mo. I can't let you die, Pierre. Please, marry me."

Tiningnan lang ni Pierre ang rosas at ibinalik ang tingin sa kanya. "Hindi pa ba nasabi sa 'yo ni Walter?"

"Ang alin?"

"I'm getting married to Glaiza." Nilampasan na siya nito.

Parang napako sa kinatatayuan si Erika.


"HEY, WALTER!" malungkot na sabi ni Erika nang tanggapin niya ang tawag nito. Suminghot-singhot siya. She had been crying for two days. Hindi niya matanggap na magpapakasal sa iba si Pierre pero wala siyang magawa para tumutol sa kasal na iyon.

"Ang akala ko ba ay hindi ka titigil hangga't hindi ka napapatawad ni Pierre at hindi siya pumapayag na magpakasal sa 'yo? Bakit parang hindi ka na kumikilos?"

"He's getting married to Glaiza."

"Hahayaan mo siyang magpakasal sa babaeng 'yon?"

"Nagdesisyon na siya. Baka nga si Glaiza ang babaeng tinutukoy sa hula at hindi ako."

"Paano kung sabihin ko sa 'yong hindi si Glaiza ang babaeng tinutukoy sa hula?"

"Paano mo nalaman?"

"Kumilos ako nang hindi n'yo nalalaman. I invited Glaiza to come over our house. Hindi siya tumanggi dahil inaanak siya ng daddy ko. I asked my mom to ask Glaiza to help her cook dinner. Nalaman kong hindi siya marunong magluto. Her paella was like..." He feigned a vomiting sound. "I actually threw up when I tasted it. It tasted like hell."

Nabuhayan ng pag-asa si Erika sa narinig. "Really?"

"Really. Kaya sigurado akong hindi siya ang babaeng makakapagsalba sa buhay ni Pierre. It could be you. Kumilos ka na. Convince him to marry you."

"Thanks, Walter!" Ganoon ang gagawin niya.


NAGPAGANDA nang husto si Erika. Nagsuot siya ng napakaseksing damit. Kung hindi uubra kay Pierre ang pagmamakaawa ay aakitin niya ito. Siguro naman kahit hindi na siya mahal nito ay may epekto pa rin siya kay Pierre kahit paano.

Pumunta siya sa bar na sinabi ni Walter na pupuntahan nito at ni Pierre. Uminom siya ng kaunting alak para magkaroon ng lakas ng loob sa gagawin. Nakita niya si Pierre na nakaupo sa high stool sa bar counter; katabi nito si Walter. Lumapit siya kay Pierre. Nagsalubong ang mga tingin nila.

Nginitian niya si Pierre. "Hi."

"Pati ba naman dito, sinusundan mo 'ko?" may himig ng sarkasmong sabi ni Pierre.

"Sinabi ko naman sa 'yo na hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako pinapakasalan."

"I told you I'm getting married."

"No, you're not. Ako ang babaeng dapat mong pakasalan." Kinuha ni Erika ang hawak na baso ni Pierre at uminom mula roon. Wala nang laman iyon nang ibaba niya sa counter. She grabbed the back of his head and claimed his mouth. Naramdaman niya ang pagkabigla ni Pierre sa ginawa niya. She kissed him eagerly. Sa pamamagitan ng halik na iyon ay ipinaramdam niya sa lalaki ang labis na pangungulila.

She was disappointed when he remained passive. Napilitan tuloy siyang tapusin na ang halik. For a moment, she thought she had seen desire in his eyes. Marahil ay guniguni lamang niya iyon dahil pagkurap niya ay agad na naglaho iyon. Again, there was coldness in his eyes as he looked at her. Dati, sumayad pa lang ang mga labi niya sa mga labi ni Pierre ay para na itong sinisilaban sa init. Ngayon ay wala nang epekto rito ang halik niya.

"I missed you, babe. Haven't you missed me even a bit?"

Umiling si Pierre at saka humarap sa bar counter. Tinawag nito ang bartender at nagpasalin ng alak sa basong inubos niya ang laman. Pakiramdam ni Erika ay sinampal siya ni Pierre sa ginawa nito. Nang tingnan niya si Walter ay nabanaag niya ang awa sa mga mata ng lalaki. Nang ibalik niya ang tingin kay Pierre ay abala na uli ito sa pag-inom ng alak na parang wala na siya roon. How she wanted to burst into tears. Kaysa umiyak pa siya roon ay minabuti na lamang niyang umalis. 

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now