Part 11

2.3K 79 1
                                    


"COME on, Pierre. Hindi ka pa magaling. Naka-cast pa iyang braso mo. You better go back to bed and let your sexy private nurse take care of you."

Umiling siya. "No, Walter. Hindi mo naiintindihan. I need to get up and find that woman."

"Woman? Who?" nakakunot-noong tanong ni Walter.

"Dammit! You know what I'm talking about," he said impatiently.

Hindi pa rin nawala ang kunot sa noo ni Walter ngunit iglap ding naglaho iyon nang tila may maalala. Tumawa ito. "Don't remind me of that sick joke, man. Bumalik ka na sa kuwarto mo."

"Hindi ako nagbibiro. Totoong may isang manghuhula na nanghula sa akin. She said I'm going to die at the age of thirty kapag dumating ako sa edad na iyon nang hindi pa ako naikakasal sa babaeng sinasabi niya."

Humagalpak ito ng tawa. "Pinsan naman, inulit mo pa. 'Ayan tuloy, natawa uli ako."

Nagpakawala ng marahas na hininga si Pierre. Hindi niya masisisi si Walter kung pinagtatawanan siya nito dahil kahit siya ay hindi naniwala noong unang beses na narinig niya ang sinabi ng manghuhula. The old woman knew she was about to die. Iyon ang dahilan kaya hindi nito tinanggap ang life vest na ibinibigay niya, kaya kalmado ito, at nagawa pang ngumiti kahit babagsak na ang eroplanong kinalululanan nila.

Pierre recalled her saying she had no plans of going against her fate. Alam nitong nakatakda na itong mamatay kaya kahit alam nitong magka-crash ang eroplano ay sumakay pa rin ito roon. Dahil doon ay naisip niyang malaki ang posibilidad na totoo ang sinabi ng matandang manghuhula na nakita na rin nito ang kapalaran niya.

Since that traumatic experience, natakot na si Pierre para sa kanyang buhay. Ang pagkakalagay niya sa peligro ay isang hint na dapat niyang paniwalaan ang hula kaya nangako siya sa sarili na susundin ang manghuhula. Kaya lang ay hindi niya alam kung sino ang babaeng tinutukoy nito. How would he know who that woman was? Pinagsisisihan tuloy niya na pinutol ang pakikipag-usap dito. Hindi tuloy nasabi ng manghuhula kung sino ang babaeng tinutukoy.

Ngayong patay na ang manghuhula ay wala na siyang mapagtatanungan kung sino ang babaeng dapat niyang pakasalan. Isang clue lang ang naibigay nito—nakilala na raw niya ang babaeng iyon. Immediately, he thought about the women who had passed by in his life. Maaaring isa sa mga babang nakarelasyon ang babaeng tinutukoy ng manghuhula.

"I have to find that woman," sabi ni Pierre.

"Sige na nga, pagbibigyan kita. Baka kasi resulta lang 'yan ng traumatic experience na nangyari sa iyo sa eroplano. Supposedly ay totoo ang sinabi ng manghuhula. Ano'ng plano mong gawin ngayon?" Si Walter.

"Hahanapin ko ang lahat ng mga babaeng nakarelasyon ko simula noon pa."

"And then? Paano mo malalaman kung sino sa kanila ang babaeng kailangan mong pakasalan?"

Hindi makatugon si Pierre. Nakadama siya ng frustration.

"Listen, Pierre. I understand you are undergoing a very stressful phase of your life. But will you please calm down and think hard? Hindi totoo ang mga hula. Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mga mangyayari sa future, okay? Kung sasabihin mong Diyos ang matandang babaeng nakatabi mo sa eroplano, baka maniwala ako nang kaunti." Ngumisi pa si Walter, halatang nagbibiro.

Hindi rin siya naniniwala sa hula. Pero paano kung totoo ang sinabi ng manghuhula? Paano kung ang muntik na niyang pagkamatay ay palatandaan na kailangan niyang maniwala sa hula ng matanda? Ayaw pa niyang mamatay.

Tinapik ni Walter sa balikat si Pierre. "Relax, man. Clear your mind. Gusto mo bang dalhin kita sa isang psychiatrist para matulungan ka niyang ma-relax ang isip mo? Alam kong may kinalaman lang sa tragedy na nangyari sa 'yo ang mga ikinikilos at iniisip mo. Napa-paranoid ka lang."

"I don't need a shrink." Marahil nga ay napa-paranoid lang siya. Kailangang alisin niya sa isip ang mga sinabi ng manghuhula para matahimik na ang loob niya.

"How about a sexy shrink?" tanong ni Walter saka ngumisi.

That made him smile crookedly.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon