Part 39

1.7K 70 1
                                    


PINAGMAMASDAN ni Erika si Pierre sa mahimbing na pagtulog. Tila nawala ang angas ng dating ng lalaki. Nang mga sandaling iyon ay mukha itong batang musmos na nangangailangan ng pagkalinga. Pinunasan niya ito ng basang bimpo. Inayos niya ang pagkakahiga ng lalaki sa couch nang makatulog ito roon. Nilagyan niya ng unan ang likod ng ulo ni Pierre. Kumuha siya ng kumot sa silid nito at kinumutan.

Dapat ay hinayaan na lamang niya si Pierre, tutal ay malaki ang kasalanan nito sa kaibigan niya. Ngunit hindi ganoon ang kanyang ginawa dahil nakadama siya ng awa sa lalaki. Narinig na niya ang dahilan ni Pierre kung bakit iniwan si Katy. Siguro ay hindi nito ginustong saktan ang kaibigan niya. Kahit siya siguro ang tanungin, kung sakali, mas gusto niyang iwan na lamang ni Pierre ang kaibigan niya para makatagpo si Katy ng lalaking tutugon sa pangarap nitong maging bride kaysa manatili sa lalaking walang kayang ibigay at ipangako.

The problem was Katy had a very weak coping capability. She had the tendency to lose her senses when triggered by great emotional pain.

Pierre was also undergoing emotional turmoil. Hindi siya ganoon kasama para hindi pakinggan ang side ng lalaki. Inamin naman nito ang pagkakamali. He even wanted to kill himself for that. Siguro ay nararapat lamang na patawarin na niya si Pierre sa ginawa nito kay Katy. Walang mangyayari kung patuloy niyang kamumuhian ang lalaki. Dapat na niyang itigil ang planong pagpapabagsak sa kompanya nito. Tatapusin lamang niya ang mga naiwang trabaho sa firm at aalis na.

Sana ay makinig si Pierre sa payo niya. Sana ay hindi nito ituloy ang iniisip na pagpapatiwakal.


PAGPASOK ni Erika sa silid ni Katy ay agad na nilapitan siya ni Tita Lory.

"Alam mo bang pumunta rito noong Lunes si Pierre Benedicto? Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na magpakita pa sa anak ko pagkatapos ng ginawa niya."

"Ho?" pagmamaang-maangan ni Erika. "Ano'ng nangyari? May ginawa ba siya kay Katy?"

"Ang sabi ni Mylene ay humingi ng tawad kay Katy ang walanghiya. Kanina, kinausap ako ng doktor ni Katy. May isang doktor daw na gustong tumingin at tumulong sa paggamot sa anak ko. Sinabi rin sa akin ni Mylene na galing kay Pierre ang doktor na iyon. Tutulungan daw niyang gumaling si Katy. Puwes, hindi ko kailangan ang tulong niya."

"Bakit hindi n'yo na lang ho tanggapin 'yong serbisyo ng doktor na ibinibigay ni Pierre para mas mapabilis ang paggaling ni Katy? Tutal, libre naman yata. Alang-alang na lang sa kapakanan ni Katy."

"Wala akong tatanggaping kahit ano mula sa lalaking sumira sa buhay ng anak ko."

"Si Pierre ang may kasalanan kung bakit nandito si Katy. Hayaan n'yo siyang magbayad ng kasalanan niya kahit man lang sa monetary aspect. Kung gusto n'yo, ipa-shoulder n'yo pa sa kanya ang lahat ng medical expenses at monthly bills ni Katy dito sa ospital."

"Hindi ko kailangan ng pera niya. Kaya naming tustusan ng ama ni Katy ang pagpapagamot sa anak namin." Kumunot ang noo ni Tita Lory. "Teka nga, Erika. Bakit parang kontrapelo ka sa akin ngayon? Dati-rati, kulang na lang ay balatan mo nang buhay ang Pierre na iyon tuwing napag-uusapan natin siya. Pero ngayon, parang pinapanigan mo pa ang gusto niyang gawin."

"Naku, hindi naman ho. Gusto ko lang na pagdusahan niya kahit man lang sa pera ang kasalanan niya kay Katy," depensa ni Erika.

"Parang danyos perhuwisyo? Inuulit ko, ayokong tumanggap ng kahit ano mula sa lalaking iyon. Ayoko nang lumapit pa siya sa anak ko."

Bumuntong-hininga si Erika. Ganoon din siya katigas noong hindi pa niya nakikitang nagsisisi si Pierre. Ganoon din ang pananaw niya noong hindi pa alam ang dahilan kung bakit iniwan ni Pierre si Katy. Alam niyang kahit malaman ni Tita Lory ang side ni Pierre ay hindi pa rin lalambot ang puso ng ginang. Nauunawaan niya ito dahil anak ni Tita Lory si Katy at malaki na ang ipinagdusa nito nang dahil sa nangyari sa anak.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now