KABANATA 24

64 25 7
                                    

A/N: Always remember, God loves you very much. So smile. Be optimistic my baby!

Ang nasa media ay ang reception!

KABANATA 24

ANG birthday ni Levi ay naging maganda. Ngayon ay kumakain kami ni Levi, nang biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Si Juli at Luka 'yun.

Nagtataka naman kaming tumingin sa kanila na papalapit sa'min. Hindi kasi sila nagsabi sa'min na pupunta sila. Nakangiti silang lumapit sa'min.

"Oh, besh. Luka, napadalaw kayo?" tanong ko. Bumaling naman si Juli kay Luka, hinawakan pa nito ang braso ng binata at tsaka sila nagngitian. Kumunot ang noo ko at bumaling din kay Levi, gano'n din ata ang ginawa niya dahil sa pagbaling ko sa kaniya ay nagtama ang paningin namin at pareha rin kaming nakakunot ang noo.

Maya-maya ay naglabas ng isang kulay pula na sobre si Juli at nakangiting inabot 'yun sa'kin.

"What's this?" tanong ko.

Nginitian niya ako, "Open it." Nang buksan ko ang sobreng 'yun. Una kong nasaksihan ang litrato nilang dalawa ni Luka. Sa unang kita ko palang ay alam ko na ang ibig sabihin. Bumaling ako kay Juli at ipinakita niya ang engagement ring, naluluha pa ito. Habang nakatingin ako kay Juli ay umusog ng unti si Levi para mas makitang mabuti ang nasa loob ng sobre. Gaya ko, nagulat din ito. Ngunit, alam kong masaya siya para sa dalawa. Ikakasal na sila! And we're so happy for them. For having a new chapter in life!

HINDI ko na napigilan, binitawan ko ang sobre at niyakap si Juli. Naluluha na rin ako. Dahil saksi ako, sa lahat ng pinagdaanan nilang dalawa, lahat ng paghihirap, kasiyahan. Nakita. Deserve nila 'to, lahat ng nangyayare at mangyayareng maganda sa kanila ay nararapat lamang na ibigay o matanggap nila. Dahil, alam ko. Nitong nakaraang taon, maraming puot at sakit ang naramdaman nila. Kaya naman, sobrang nakakatuwa. Nakakagalak ng puso na masaksihan na nandito na sila, gagawa ng bagong yugto sa buhay ng sabay at magkasama.

Niyakap ako pabalik ni Juli, matapos non ay humiwalay siya sa pagkakayakap, "I'm so happy besh, finally. You're now engaged! And woh, are you... hmm, alam mo na HAHAHAH!" biro ko sa kaniya. Namula naman si Juli at hinampas ako.

"P're, musta? Pasok ba?" tanong ni Levi. Nakangisi pa siya. Humalakhak naman si Luka at umupo sa inupuan ko kanina.

"Oo p're, pasok. Saktong sakto ata o lagpas pa," Bumaling si Luka kay Juli at nginisian ito.

"LUKA!!!" Humalakhak naman si Levi at nakangiting bumaling sa'kin. Nag asaran pa sila, at nagkwento na rin kung anong mga plano sa kasal. Well, ako ang maid of honor HAHAHA! bongga. Ang kaso, gusto nilang best man si Levi, 'yun nga lang. Ang alam ko, hindi talaga siya p'wedeng ilabas. Nakakagalaw naman, mukhang ayos naman din. Pero ang pinagtataka ka ko, ba't bawal siya lumabas? Tinatanong ko si Levi, pero wala. 'Di naman sinasagot, iniiba minsan ang topic, or 'di kaya ay. Tatawanan or ngingisian lang ako. Loko.

LUMIPAS pa ang ilang araw matapos ang birthday at ang pagsabi nila Juli about sa kasal nila. Next week ay ikakasal na ang dalawa. Bali ngayong linggo, bukod sa pag aalaga kay Levi ay tumutulong din ako kila Juli sa pagpaplano ng kasal.

Sa mga giveaways. Sa reception. Basta, tumutulong ako. Beach wedding kasi ang gusto nilang dalawa, habang ang mga magulang naman nilang pareha ay gusto 'yung ano. Normal wedding, sa church. Kaya naman, naisipan naming sa beach nalang ang reception. Since, may malapit din naman na beach rito. Pumayag naman sila Juli at ang magulang nila.

Mabilis ang araw, tapos na ang lahat. Nakaayos na ang lahat, kasal nalang ang kulang. Mula sa gown ng bride, groom. Sa themes, okay naman. Sa food, sa designs. Sa mga suot ng bisita at nakaayos, even sa mga mag e-entertain sa kasal ay nakaayos na lahat. Ako, ahm. May ginawa akong kanta para sa kanila, hahaha. Ang vocalist ng CYNE band ay nirentahan din namin, pumayag naman ang manager, so. Siya ang kakanta sa pagpasok ni Juli sa church. Habang si Rustin, pinakiusapan ko na rin, na kumanta siya kapag papasok na ang groom at ibang manauhin. Pumayag naman siya, wala pang bayad HAHAHAHA!

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon