KABANATA 14

51 23 2
                                    

A/N: 'Yung nasa media, nasa scene rin 'yan ng While you were sleeping hehehez!

KABANATA 14

HALOS takbuhin ko na ang kalsada, makapunta lang nang mabilis sa ospital. Nang makarating ako ay agad akong nagtanong kung saan ang kwarto ni Mr. Estacio, agad naman nilang hinanap 'yun at sinabi sa akin. At nang makarating ako ay nakita ko si mama,  lola, yuki at levi.

Natigilan ako. Si Lola ay umiiyak habang nakaupo, nasa gilid naman ni lola si mama, na pilit pinapatahan si lola sa pag-iyak. Si Yuki naman ay nakatayo at nakatingin lang kila mama. Habang si Levi ay nakaupo sa sahig at sapo sapo ang mukha niya.

Nandoon din si Tita Vicy, kasama si Kuya Kiro. Nakaupo rin ito at umiiyak.

"Ate Yasmeen!" tawag sa'kin ni Yuki, kaya naman agad nong nakuha ang atensyon nang iba. Lalo na si Levi, nag-angat siya nang tingin at nagtama ang mga mata namin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot, kahit na hindi siya umiiyak. Anong nangyare?

Hindi ko pinansin si Yuki, lumapit agad ako kay Levi, umupo at niyakap siya. Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Levi. Isiniksik niya ang muka niya sa dibdib ko, habang ako ay pinatong ang baba sa ulo niya at hinihimas-himas siya.

"Wala na siya Yas, wala na si daddy.."

Nagulat ako sa narinig ko, kanina ko palang siya nakita at nakausap. 'Yung hinatid ako ni Levi sa school, nagskip ako ng isang klase. Kasi nagtext sa'kin ang papa niya, gusto raw akong makausap.

              (FLASHBACK)

KAAALIS palang ni Levi, hinatid niya kasi ako sa school. Ang tigas ng ulo, sabi ko nga na h'wag niya na akong ihatid. Kasi baka mainip si Tita Vicy, pero wala. Nagpumilit pa rin siya.

Ngayon, papasok na sana ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Unknown number's calling...

Kumunot ang noo ko, pero sinagot ko rin naman ang tawag.

"Hello?"

    (📞: Magandang umaga hija, papa ito ni Levi. P'wede ba kitang yayaing kumain sa labas saglit?)

Nakaramdan naman ako nang kaba. Shit?! Daddy 'to ni Levi! Agad naman akong pumayag at sinabi niya sa'kin na nasa harap siya ng school namin.

"Saan po kayo?" tanong ko. Inilibot ko pa ang mga mata ko at bigla akong nakakita ng isang lalaki. Hindi naman gano'n katanda pero halatang nanghihina na, kung titingnan mo ang mukha nito ay talagang magagwapuhan ka. Hindi na ako magtataka kung ba't ang pogi ng boyfriend ko. Well, gwapo rin ang papa niya. Maganda ang mga genes nito HAHAHA!

Ngumiti naman ako, "Nakita ko na po kayo.."

Agad kong binaba ang tawag at nagpaalam sa guard na may naiwan ako sa sasakyan ko, dahil may tiwala ang guard sa'kin ay pinalabas niya ako. Magsi-skip nalang ako sa first class namin.

Nang makalabas ako ay pinuntahan ko ang lalaking nakita ko kanina, ngumiti ito sa'kin.

"You're Yasmeen?" Nakangiti naman akong tumango sa kaniya..

"Nakita na rin kita sa wakas, hija.."

NGAYON, nasa bahay kami nila Levi. Inilibot ko ang mga mata ko at sinuri ang bahay nila. Tama nga si Yuki, maganda ang bahay nila. Malaki, pero parang hindi masaya.

"Pasensya ka na kung dito tayo kumain. Nanghihina na kasi ako.."

"Nako! Ayos lang po, magpahinga na po kaya muna kayo?"

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon