KABANATA 22

57 24 6
                                    

A/N: All I wanna do, is always be with you..

God bless  you all! Let's spread positivity

Outfit ni Yasmeen nasa media!

KABANATA 22

BAKASYON na ngayon, tapos na rin ang final exam nila Yuki. Kaya naman naisipan naming bumisita kila mama. Sa cory.

Mapait akong napangiti ng muli kong makita ang Cory. Wala pa ring pagbabago, maganda pa rin.

Bago namin maisipang magbakasyon dito ay maraming nangyare, as in. Hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan at kung saan ako magsisimula.

So amm, okay. Simulan natin kay Sir Noah. Grabe, baka kami magbakasyon ay naging matunog ang issue patungkol sa pagreject ko raw kay Sir Noah. Tinatanong din ako nila Che kung totoo ba raw 'yun. Ngiti lang naman ang naisasagot ko sa kanila.

Ang mga ilang empleyado rin sa CGC ay nirerespeto ang pananahimik ko. Ngunit mayro'n pa rin talagang naiinis sa'kin. Sa mga kuro kuro nilang nireject ko si Sir Noah, kahit alam kong totoo naman. Alam ko ring 'di maiiwasang may mainis sa akin. Dahil nga maraming nagkakagusto kay Sir Noah. Lalo na ang mga nago-OJT rito o On-the-Job Training.

Ayun nga, idagdag mo pa ang pagback out bigla ni Sir Noah at ang pagdating ni Mr. Centeo, in-announced niya sa'min na siya na raw muli ang CEO ng kompanya at hindi na raw si Sir Noah, dahil sa mga ilang pribadong dahilan niya. Nagulat ang lahat syempre, lalo na ang mga nago-OJT. Kadalasan pa naman ay kaya sila nagjob training dito sa CGC, dahil sa gwapong acting CEO ng kompanya.

At dahil may issue nga kami ni Sir Noah, dahil sa pahatid sundo effect niya ay usap usapan din na baka ako raw ang dahilan kung ba't umayaw bigla si Sir Noah. Che at Zab also asked me about sa issue-ng 'yun. Pero hindi ko naman sila masagot, dahil maski ako ay hindi ko alam ang dahilan ni Sir Noah.

Yes, nireject ko siya, hindi ko itatangi 'yun. Pero hindi ko talaga alam kung parte ba ako ng pagback out niya.

Tapos, nga pala, nakagraduate na ang chaka kong kapatid. I'm so proud, matapos niya kasing makapagtapos ay sunod sunod na ang mga kumukuha sa kaniya na magmodel o mag endorse sa mga products nila. Naguguluhan na nga ang manager at ang XNN Agency sa kaniya, dahil sa mga sunod sunod na offers sa kaniya. Famous ka gHorL?!

'Di rin naman nahirapan si Yuki na makakuha ng agency niya. Dahil ang XNN na mismo ang nag-offer sa kaniya. Na sila na ang maghahandle sa kaniya. Taray cyst, ganda?

'YUN nga lang ay saglit lang siya rito sa Cory, kasi nga 'di ba marami pa siyang trabaho. Mabuti nga raw at pinayagan siya. Kasi kung hindi, tatakas siya HAHAHA! Loka.

AYON nga, naging masaya ang pananatili namin dito. Isang linggo na kami ngayon dito. Sa isang linggo na 'yun ay puro gala lang ang pinaggagawa namin. Alam naman ni mudrakels. So ayon. Gala nga lang ang inatupag ko nitong nakaraang linggo. Eh kasi naman, namiss ko sila Juli:<

Ngayon ay lunes, kasalukuyan akong naglalaba. Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang makita na naman si lola na lalabas. Kumunot din ang noo ko, natigil ako sa paglalaba at sinundan si lola kung saan man siya pupunta.

---

HINDI ko alam kung anong gagawin ko, kung iisipin ko ba muna kung totoo lahat nang nalaman ko? O 'di kaya puntahan ko siya at ako mismo ang titingin. Sobrang sakit sa pakiramdam, hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Nagpapanic ako!

"Y-yas anak.." Niyakap ako ni mama, doon ay bumuhos na rin ang mga luha kong matagal ko ng pinipigilang bumagsak.

"Shh, magiging okay din si Levi okay? Naiintindihan mo ba ako?"

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon