KABANATA 5

101 29 15
                                    

A/N: Si Caleb 'yung nasa media mwe! Stay hydrated mwuah! Pakiunawa ang mga ilang typo hehez.

KABANATA 5

BUMILIS bigla ang tibok ng puso ko nang humakbang si Levi papalapit sa'kin, a-anong gagawin niya at ba't ganito ang naging reaksyon ko?

"S-sorry sa na sabi ko sa'yo kanina ha, I was amm.. I'm just stress, kaya siguro napagsalitaan kita ng mga gano'n." Napakurap-kurap naman ako bago bumalik sa katinuan, what's wrong with my heart?

"Kaya pala, ayos lang naiintindihan ko. Buti nga naisipan mo pang magsorry eh," sarkastiko kong sabi.

Akala ko ay tapos na, kaya naman paalis na sana ako ng magsalita na naman siya. Lentek na!

"Okay lang ba sa'yo na, yayain kitang kumain sa labas? Peace offering." Nakataas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya, he just smiled at me.

Wala naman akong nagawa since pagkain ang pinag-uusapan. Gora agad ang lola niyo. Nandito kami ngayon sa magandang kainan, as in.

Nag-order siya ng bulalo at sisig, sakto at mukhang masarap 'yung sabaw nila.

"Amm let's eat." aya niya, ngumiti nalang naman ako. Kukuha na sana ako ng ulam ng pagsandukan niya ako.

Ikinagulat ko naman 'yun, mag-aasume na sana ako eh kaso, naalala ko na peace offering niya nga pala 'to.

Tumahimik lang kaming kumakain hanggat sa matapos kami at ngayon ay naglalakad na kami pauwi.

"Ahh Yasmeen.."

Napahinto ako sa paglalakad tsaka bumaling sa kaniya, "Bakit Levi?"

"H'wag mo sanang mamasamain, hmm. P'wede ba akong sumabay sa'yo pagpasok sa school?" tanong ni na agad namang kinakunot ng noo ko. ha?

"Huh? Ba-bakit naman?"

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin.

"A-ah, peace offering?" Lalong kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba peace offering mo na 'to?" Agad naman siyang napakamot sa batok niya, "Ahh, edi. Another peace offering."

Naguguluhan man ay sa huli pa rin ay pumayag na ako, ang weird niya.

HALOS dalawang linggo na kami na nakatira rito sa Cory Leonidas at tinototoo nga ni Levi ang sinabi niya, sabay na kaming umuwi at pumasok. Minsan ay kasama namin si Juli, kaso nga lang kasabay niya kasi ang boyfriend niya kaya sa huli ay kami pa rin ni Levi ang madalas na magkasabay, bali mga tatlong bahay lang ang pagitan namin. Mas malapit din siya sa ilog kaya pala naging tambayan niya na ito.

Ngayon ay araw ng Sabado, September 7 at birthday ni Yuki ngayon. Plano nila mama na pumunta kami ngayon sa  Argery Falls kaya pak na pak ang dala kong swimsuit ngayon. Pumunta rin si papa kasama sila Gavin at Tita Rita. Nag-invite rin siya ng mga bago niyang kaibigan.

Hmm, bago ko siya batiin kanina, hindi ko nga naiwasang magtanong sa kaniya kung ba't hindi niya inimbitahan si Sherlyn, matalik niyang kaibigan sa Manila.

Base sa expression ng mukha niya, mukhang hindi sila okay at may problema. Hindi na ako nangulit, mukhang mangangarate siya eh.

May mga kaibigan din naman ako sa Manila, pero dalawa lang ang bestfriends ko roon. Si Kelly at Arian. Hindi na kami nagkakamustahan simula ng makauwi kami rito, dahil nga walang signal ang cellphone ko rito. Ayaw naman akong pahiramin ni mama, kasi 'yung cellphone niya lang ang may signal dito, mangangapa ka pa.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon