KABANATA 11

56 26 5
                                    

A/N:   👉💛👈 PUSO KO 'YAN! PAKI-INGATAN HMPFF!  Enjoy reading! Don't forget to follow, vote and comment, oo bEh, sapilitan na 'yan WAHAHAH!

Stay hydrated everyone, mahal kayo ni Dra!

KABANATA 11

I'M so happy and contended hanggang sa pag-uwi at hanggang ngayon. Ewan ko ba, para bang sobrang saya ng nangyare kahapon.

                   (FLASHBACK)

After ng harutan namin ay nagdate nga kami. Pumunta kami ng park at nanonood ng mga sumasayaw doon, dahil naabutan namin. Matapos naming manood ay saglit pa kaming nagbike, at naglaro ng kung ano ano. Nang mapagod ay humanap kami ng kainan at kumain.

Ngayon, tapos na kaming kumain at nakatambay na lang kami sa pinagkainan namin.

"Levi, h'wag mo sanang mamasamain itong tanong ko."

"Ano ba 'yun?"

Napalunok naman ako at tiningnan siya nang mabuti.

"Bakit magkasama kayo ni Kelly noong.. Ano, basta 'yung... Alam mo na.."

Ngumiti naman siya saglit bago sumagot sa'kin.

"Okay, saan ba ako magsisimula?" Tinaasan ko naman siya ng kilay. Natawa siya.

"Kapatid ko si Kelly."

Agad naman na nanlaki ang mata ko, paano? Wala namang ano, aish!

"Paano mo siya naging kapatid? Eh, ang sabi ni tita, dalawa lang ang anak niya? Which is si Kuya Kiro at Kelly. So... Anong ibig nun sabihin?" tanong ko.

Umayos naman siya nang upo at seryoso akong tiningnan.

"Naalala mo ba 'yung sinabi ko sa'yo?"

Kumunot naman ang noo ko.

"Hindi mo naaalala?" tanong niya.

"Ang alin?"

" 'Yung nagkwento ako about sa family ko, hindi mo pa rin naaalala?" Saglit pa akong napaisip at nang maalala ko na ay nanlaki ang mata ko. Napatakip din ako ng bibig.

"Oh God! H'wag mong sabihin na anak sa labas si Kelly at Kuya Kiro?" Tumango naman siya, kaya lalo akong nagulat. Oh shit!

"Wait wait, paano mo naman nalaman?" tanong ko.

"Noong araw na laban natin, tumawag sa'kin si Kelly at ayon. Sinabi niyang nakita niya ang picture ko sa wallet ng mama niya. Matagal ko ng kaibigan si Kelly, nagkakilala kami sa isang singing competition. And that day, nalaman nga niyang magkapatid kami sa nanay. Nagulat ako syempre, at the same time natutuwa kasi kapatid ko siya. Pero ewan ko, hindi ata siya natuwa. Kaya kinailangan niya ako para magcomfort sa kaniya."

Napatango-tango naman ako. Kaya naman pala..

"Okay, naiintindihan ko na ngayon. Kahit ako rin naman nagulat. Sobrang liit nga naman ng mundo, akalain mo 'yun. Best friend ko ang stepsister ng boyfriend ko.. Hayst.."  Nagpangalumbaba naman ako at muling nag-isip isip, hindi talaga ako makapaniwala.

Eh kung ikakasal kami ni Levi, magiging ano kami ni Kelly? Hehe, ang saya naman nun! Hindi ko naman naiwasang mapangiti, owemji. Kakasagot ko palang, kasal na agad nasa isip ko. Jusko Yas, malala ka na.

"ANG LALIM NAMAN NG INIISIP MO."

Bumalik ako sa realidad at nagulat ako nang makitang unting galaw nalang ay mahahalikan ko na si Levi. Nakapangalumbaba rin kasi siya at nakatingin sa akin.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon