KABANATA 7

76 28 8
                                    

A/N: Again, may mga ilan akong typos unting pag-uunawa nalang dahil madaling araw akong nagsusulat. Syempre, bangag na. Lovelots!

KABANATA 7

DUMAAN pa ang ilang araw at ika-apat na araw na namin itong nagpa-practice, September 12, nasa school na kami ngayon at lahat ng mga candidates para sa Mr. and Ms. CL ay nasa stage na. Habang ang mga ilang kaklase namin ni Caleb ay nasa baba at pinapanood kaming mag-practice.

Number 9 kami ni Caleb, labing lima kasi ang mga kalahok at sila Yuki ay taga nood lang. Bali senior lang ang meron nito at ang mga junior ay manonood lang. Ngayon ay kasalukuyang nakahawak ang kamay ni Caleb sa bewang ko. Rumarampa na kasi ang may numerong 11.

"Nagugutom ka na ba Yas?" Napatingin naman ako kay Caleb, "Ah medyo, pero kaya pa 'yan," Ngumiti lang siya at muling tumingin sa mga kalahok na rumarampa. Pilit ko namang tinuon ang buong atensyon ko sa mga rumarampa pero nababaling talaga ako sa gilid ko, ramdam ko kasing may masamang nakatingin sa'kin at nasisigurado kong si Levi 'yun. Palihim akong tumingin sa kaniya at kumunot ang noo ko, ba't ba ang sama ng tingin nito sa'kin?

"Bakit?" sabi ko ng walang beses, nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya bigla nalang siyang ngumuso nang tingnan ko iyon ay nginuso niya ang kamay ni Caleb na nasa bewang ko. Hindi ko naman maiwasang mamula, s-shit! nagseselos ba siya?

Napalunok ako at muling tumingin kay Levi, nakabusangot pa rin. Tsh, ang cute niya HAHAHA!

Levi's Point Of View,

NAKAKAINIS, bakit ba kasi hindi ako sumali rito? Edi sana ako 'yong makakahawak sa bewang ni Yasmeen tsh. Sino bang nagpauso nito? Aabangan ko!

Ngayon, tapos na ang practice nila hindi naman ako makalapit kay Yasmeen kasi sinalubong agad siya nila Luka, tang'na juice naman oh. Balak ko pa namang solohin ang bebe ko.

"Nako gurl ang galing mo talaga sa pagrampa! Pak na pak jusko HAHAHA!" komento ni Luka.

"Tama ka d'yan, beshy.. I'm so proud of you! Jusko, kailangan ko na atang magpaparty dahil HAHAHA! Nararamdaman ko na na mauuwi mo ang korona, oh pak," Natawa naman ako ng umakto si Juli na nilalagyan ng korona si Yasmeen.

"Asus, h'wag ka ngang gan'yan Juli, pansinin mo 'tong si Caleb baby. Magaling din, kung makahawak sa bewang ni Yas akala mo tatakbuhan siya eh HAHAHA!"

"HAHAHA! Oo sis, akala ko ako lang nakapansin ikaw ha," Inilapit ni Juli ang mukha niya kay Caleb, "May gusto ka sa beshy ko ano?" Kita ko namang napalunok si Caleb, tsh, kahit na hindi ako gano'n kalapit sa kanila ay naririnig ko pa rin sila. Sa lakas ba naman ng boses ni Juli at Luka.

Dahil nangangati na akong makasama si Yasmeen ay lumapit na ako sa kanila, pa'no ba naman kasi tinutukso na si Caleb at Yasmin do'n.

"Ahem gurl, mukhang nandito na ang sundo mo.." si Luka.

Hindi ko naman sila pinansin, basta lang akong lumapit kay Yasmeen at inabot sa kaniya ang tubig na binili ko.

"Ano 'to?"

"Inumin, pagod ka, kailangan mong uminom," Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang lihim na pagngiti ni Yasmeen, ang ganda niya talaga lalo na kapag ngumingiti.

Binuksan ni Yasmeen ang tubig na binili ko tsaka uminom, "S-salamat, nag-abala ka pa."

Ngumiti lang ako at magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Luka.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon