KABANATA 4

89 29 18
                                    

A/N: So ayown, nasa media ulit ang outfit of the day ni Yasmeen, thanks for reading love yah!

KABANATA 4

"BYE mama, bye lola mauna na po ako!" masayang sabi ko, nakita ko namang natigilan si mama gano'n na rin si lola.

"Saglit lang anak, bakit parang bihis na bihis ka na naman?" Napatingin ako kay mama at pasimpleng hinawa ang buhok ko at binaba ang shades ko.

"Mama, masanay ka na nga. Maganda ang anak mo eh," Nag-flying kiss ako kay mama, "See you later alligator," Tsaka ako kumindat kay mama at sinuot ulit ang shades ko.

Jusme, excited na akong pumasok dahil makikita ko na si Levi, h-ha? teka nga! anong sabi mo Yas? siraulo ka na ba?!

Napailing-iling ako habang naglalakad, "Siraulo ka na nga siguro talaga Yas."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na nag-isip ng kung ano ano, bigla nalang kasing pumapasok sa isip ko ang pagpapakilala ng maayos ni Levi kahapon, aish!

Hanggat sa nakarating na ako sa school at pumasok sa room. Hindi na kami nagsasabay ni Yuki eh kasi, sabay na sila lagi ng kaibigan niya.

"YAS!" Niyakap ko naman si Juli, owemji! hehe.

"Ready ka na ba mamaya?" tanong ni Juli, ay oo nga pala. Ito-tour kami ngayon sa isang farm at hinati kami sa dalawang grupo. Ang isa ay nakatuka sa mga hayop at ang isang grupo naman ay doon sa mga nag-aalaga sa mga hayop. Kagrupo ko si Juli at ang na assigned sa'min na gawain ay doon sa mga hayop.

Ang leader ng dalawang grupo ay si Levi at Caleb. Doon kami kay Levi, wala pa nga siya eh, anong oras na at aalis na kami.

"Oy Yas! sa'min ka bang grupo ha?" tanong ni Luka, umiling naman ako.

Inakbayan ako ni Juli, "HAHAHA! sorry Luka, kagrupo ko si beshie heh!"

"Ewan ko sa'yo Juli." Maya-maya ay dumating na rin si Levi at saktong pumunta na kami sa farm.

Hinatid kami ni ma'am sa farm at nag-explain ng mga gagawin. Nagsimula na rin namang magtour ang ilan sa mga trabahador, saglit lang naman 'yun at kasalukuyan ay ginagawa na namin ang mga nakatuka sa'min.

Sinuri namin ni Juli ang mga kalabaw, nang biglang tawagin si Juli ng isa sa mga trabahador. Kaya naman ako nalang mag-isang nagche-check sa kalabaw.

"Nako, ang init init ano? Nauuhaw ka na ba? Saglit lang ha, kukuhanan kita ng maiinom." Pumunta ako sa kuhaan ng tubig at nilagyan ang container niya ng tubig. At hehe, p'wede na siguro akong tawaging kalabaw guru dahil nauuhaw talaga ang kalabaw.

Hindi ko naman naiwasang mapangiti, grabe. Hindi ko naisip na mawiwili ako rito sa Cory, masaya rin naman pala.

Tiningnan ko lang kalabaw habang inuubos niya ang tubig sa lalagyan.

"Baka naman matunaw ang kalabaw, Yas.."

Nagulat naman ako sa nagsalita, si Caleb pala.

"O-ohh? tapos na ba kayo?"

"HAHAHA, hindi pa. Nakita lang kitang busy sa pagtitig sa kalabaw kaya ayon, nilapitan kita." Ngumiti nalang naman ako, "Gano'n ba?"

"Nahihirapan ka ba sa ginagawa mo Yas?" tanong niya.

Mabilis naman akong umiling, "Nako! Hindi naman, nag-eenjoy nga ako eh."

Magsasalita na sana si Caleb ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Sige, puntahan mo na Yas."

Ngumiti ako, "S-sige.."

Tumakbo ako papalapit kay Levi at sumalubong sa'kin ang masama niyang awra, an'yare?

"Ta-tawag mo ako Levi?"

"Tss, gawin mo ang tinoka sa'tin, huwag kang makipagharutan," Pagkasabi niya non ay umalis na siya. Literal na napanganga ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Ano? Ako? nakikipagharutan? siraulo ba siya?!

Hanggat sa matapos kami at makabalik sa school ay iba na ang awra ko, kainis 'tong si Levi. Kung makapagsalita akala mo naman, ay nako!

"Ayos ka lang ba Yas? Kanina ka pa kasi nakabusangot."

Pilit akong ngumiti at sinubsob ang mukha ko sa desk, buyseth ka Levi!
Tinapos na ni ma'am ang klase at wala akong ganang naglalakad. Sinabi ko na rin kay Juli na sana ay sabay kaming pumasok at umuwi, pumayag naman siya. Dapat ngayon ay sabay na kami, eh kaso may tupak ako kaya ayon!

Kasalanan mo 'to Levi! Ano ba kasing nakikipagharutan, eh wala naman buyseth!

Irap naman ako ng irap sa hangin habang naglalakad, nakakainis naman kasi!

Ang ayos ayos ng pagpapakilala niya kahapon tapos ngayon sisirain niya na naman!

Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Levi sa labas ng gate, mukhang may inaantay ang loko, tss.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, binagalan ko, as in mabagal at nilampasan siya, syempre 'te umaasa akong tatawagin niya ako!

"Yasmeen.."

HAHAHA! Kitam, gumana ang plano.

Nakataas ang kilay ko nang hirapin ko siya, "Oh?"

Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang simpleng paglunok niya, Aha!

"May sasabihin ka ba? Gagabihin kasi ako sa daan," masungit na sabi ko, napabuntong hininga naman ako dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

I was about to step ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, dahilan kung ba't bumalik ako sa kaninang pwesto ko.

"Ano ba kasi Le-"

"Sorry.."

Natigilan naman ako, ano raw? a-anong sabi niya?

To be continue..

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon