KABANATA 12

67 25 13
                                    

A/N: Kapag natapos ko na 'to ay sisimulan ko na ring ipublish ang panibagong story dito sa watty hehe! Si Rosé ang portrayer ko, abang abang mwe!

KABANATA 12
       
            
               Levi's Point Of View,

WEDNESDAY ngayon at buo na ang desisyon ko. Makikipagkita na ako kay Vicy, hindi para sa'kin. Kundi para kay Yas. Ayoko kasing nag-aaway kami, kahapon habang pauwi kami pinipilit niya ko. Ta's ayun, nag-away na. Ayaw ko nga kasi talaga, alam kong sensitive si Vicy at ako? No filter ang bunganga ko, kaya iniiwasan ko siya. Gusto ko na kapag mag-uusap kami ay wala na akong sama ng loob.

Kaso kasi tumawag sa'kin si Yas kagabi, kinulit ako. Tapos hayst!

               (FLASHBACK)

Matapos kong asikasuhin si daddy at hinantay siyang makatulog ay agad na akong pumasok sa kwarto ko. Nagligo at nagpalit ng damit. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa table ko at akmang ida-dial ang number ni Yas, kaso nauna siya. Agad ko namang sinagot yun.

"Love.. Galit ka ba?" tanong ko. Nang matapos ako sa pagpapatuyo ng buhok ko ay naupo na ako sa kama ko.

(📞: Oo! Eh kasi naman, pumayag ka na pleaseeeee)

Napangiti naman ako, pursigidong pursigido talaga siya.

"Ayaw ko," pang-aasar ko sa kaniya. Pero nakapagdesisyon na talaga ko.  Payag na akong makipagkita at makausap si Vicy. Pero hindi dahil sa napatawad ko na siya, kundi para kay Yas, ayaw kong may pag-awayan pa kami.

Pero para akong tanga—no, tanga na pala. Eh kasi gusto ko siyang asarin. Ang sarap kasi niyang makita na naasar.

Sa kabilang linya ay narinig ko ang mahinang pagmura ni Yas. Kaya naman hindi ko napigilang matawa.

(📞: Aba! Nagawa mo pa akong tawanan? Alam mo, nababanas na ako sa'yo ha!)

Napangiti naman ako. I really love this girl, my girl rather. Hindi ko akalain na dahil sa kaniya, magiging gan'to ako pagdating sa pag-ibig.

(📞: Ano? Nand'yan ka pa ba ha?! Naiinis na ako! Pumunta ka na kasi!)

Natigil ako sa pagpapantasya dahil nagbubunganga na naman ang misis ko. Shit! P'wede ba na itanan ko na siya at pakasalan na agad? Kung p'wede lang talaga ay gagawin ko na agad. Atat na atat na akong pakasalan siya, ewan ko ba.

Kung sasabihin niyong masyado akong nagmamadali, oh sige. Totoo naman, marami pa kaming pagdadaan pero p'wede namang harapin namin 'yung mga pagdadaanan na 'yan ng kasal na ah? Joke HAHAHA!

(📞: Hoy ano ba Levi? Tulog ka na ba ha?)

Muli akong napangiti.

"Ow! Sorry, what are you saying?"

(📞: Heh! Ewan ko sa'yo. Siguro iniisip mo na naman ang babae mo ano? O to the m to the g! Omg! May babae ka Levi?! Walanjooooo ka!!)

Inilayo ko naman ang cellphone ko sa tenga ko at agad itong ni loud speaker. Sumisigaw na kasi siya, delikado. Baka mabingi pa ako.

(📞: Aba! Hindi ka sasagot?! May babae ka?)

Muli akong napangiti, ewan ko ba. Sa tuwing kausap ko si Yas ay automatic na napapangiti na ako, wala pa siyang ginagawa n'yan ha. Paano kaya kung may ginawa na siya? Tss, nevermind.

"Meron," tipid na sagot ko.

(📞: Sino ha? Sino ang babae mo?)

"Ikaw, ikaw lang naman ang babae sa buhay ko ah? Mayro'n pa bang iba? Parang hindi ko naman ata alam 'yan."

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon