KABANATA 10

62 25 6
                                    

A/N: Be careful, then, and do not refuse to hear him who speaks. Those who refused to hear the one who gave the divine message on earth did not escape.

KABANATA 10

MATAPOS ang araw na 'yun ay tuluyan na nga kaming naging masaya ni Levi. Sabay kaming pumasok, sinusundo niya kasi ako. Sabay din kaming umuwi, minsan kapag maaga kaming pinalabas ano, kakain kami sa labas o kahit ano pang p'wedeng gawin. Ngayon nga ay may pinapapukpok sa'min ang teacher namin. Basta, gagawa kami ng lamesa at upuan. Pero imbes na matuon ang atensyon ko sa ipinapagawa sa'min, ay nababaling iyon kila Levi at Zabrina. Napapairap nga ako eh, kanina pa!

"L-Levi, p'wede bang magpatulong? A-ang tigas kasi oh. Hindi ko mapukpok.."

Ngumiti naman si Levi tsaka kinuha ang upuan na ginagawa ni Zabrina at pinukpok ito. Lalo namang nag-usok ang mukha ko, aba! required ba na ngumiti kapag nagpupokpok ka?!

Muli akong napairap at itinuon nalang ang atensyon ko sa lamesang ginagawa ko. Hindi kami magkasama ni Levi kasi hindi ko siya kagroup, itong si Luka at Honey ang kapartner ko. Habang si Levi naman ay si Zabrina at Juli, ta's itong si Levi, imbes na gumawa aba! Nakikipagharutan pa ang loko! Todo ngiti pa, tanggalan ko siya ng ngipin eh!

Dahil sa inis, 'di ako nagseselos okay? Naiinis lang ako. Ayon nga, dahil sa inis ay palakas kong minartilyo ang upuan. Tingnan nalang natin kung 'di pa bumaon ng maayos ang pako.

Ang mga mata ko ay nakatingin pa rin kay Levi, tumingin ka lang dito malalagot ka sa'kin!

"HOY!" sigaw ni Luka sa akin. Agad ko namang nabitawan ang martilyo at humarap sa kaniya, "May sinasabi ka ba?"

"Oo 'te! Kanina pa, ang sabi ko. Tumigil ka na sa kakapukpok mo, baon na baon na 'yung pako, maawa ka naman.."

Napatingin naman ako at baon na baon na nga ang pako.

"Galit ka ba gurl?"

Mabilis naman akong umiling.

"Hindi, hehe, sini-secured ko lang, kasi, ano. Para hindi agad masira.."

Napangiwi naman si Luka, parang hindi naniniwala sa sinagot ko. Ay! Hindi parang, hindi talaga siya naniniwala.

-.-

Kaya naman nagpatuloy na ako sa gawain ko at hindi na nag-abala pang tumingin sa lampungan nila Levi.

"SASABAY ka ba gurl?" tanong ni Luka. Uwian na namin ngayon at naiinis pa rin ako kay Levi. Bahala siya d'yan!

"Tara n—"

"Hindi siya sasabay."

Lumingon naman ako sa likod ko, si Levi nga.

"Ohhhh! Sige gurl, mukhang may date ah.."

"Tama tama sis, sige aalis na kami nitong si bakla! Bye bye besh!"

"Bye gurl!"

Paalis na sila Luka pero agad ko silang hinabol.

"Gurl, sasabay ak—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad na akong hinatak ni Levi.

"Ano ba!" daing ko, wala naman siyang sinabi. Tumawa lang siya, aba ha! Nababanas na ako!

"Anong nakakatawa ha?!" As usual, tumawa na naman siya.

"Tss, talagang tatawa ka lang ano ha?! Naiinis ako sa'yo!" Tumawa na naman siya, nauubos na talaga ang pasensya ko. Isa pang tawa, sapak na 'to sa'kin.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon