KABANATA 9

71 25 9
                                    

A/N: If you have love for one another, then everyone will know that you are my disciples.

I love you all!

KABANATA 9

MONDAY ngayon, October 7. Tatlong linggo na rin ang lumipas pero nandito pa rin ang sakit, sa loob ng tatlong linggong 'yun ay pumupunta si Levi sa bahay at inaantay ako. Ako talaga ang problema rito kasi hindi ko siya magawang pakinggan, hindi ko rin alam kung bakit. Sarado ang isip ko, kaya hindi ko magawan pakinggan ng paliwanag niya. Nag o-over think na rin ako about sa kanila ni Kelly, pero anong magagawa ko? Nasaktan nga ako. Kaya hindi ko siya kayang harapin.

Kung sasabihin niyong masyado akong oa, go on. Walang pipigil, madali lang para sa inyong sabihin dahil hindi kayo ang nakaranas. Madali para sa inyong humusga dahil hindi kayo ang mismong nasa sitwasyon. Hindi kayo ang nasaktan, kaya mas mabilis para sa inyong magdesisyon.

Masarap palang magmahal, kaso minsan masakit din.

"ANAK, hindi mo ba talaga papakinggan si Levi? Ito oh, bulaklak, pinapabigay ng binata." Nginitian ko lang naman si mama. Niligay ni mama ang bulaklak sa lamesa ko at tiningnan pa ako saglit bago lumabas ng kwarto ko.

Nang makalabas naman si mama ay agad akong tumayo at sinilip sa bintana si Levi at nandoon nga siya, nakaupo at nag-aantay.

Agad naman akong nakaramdam ng lungkot, sorry? Pinapairal ko na naman ang pagseselos ko.. Sorry levi, sorry..

---

Levi's Point of View,

KAGABI ko pa tinatawagan si Kelly dahil baka matulungan niya ako sa problema namin ni Yasmeen, nauudlot tuloy ang panliligaw ko. Imbes na isa lang ang kasalanan ko, nadagdagan pa dahil nga nakita niya kami ni Kelly na magkasama at alam ko na agad kung anong pumasok sa isip niya, niloloko ko siya. Hayst, alam kong wala kaming label pero kahit na gano'n binigyan naman namin ang isa't isa ng mga karapatan. Mahirap nga naman kasi ang walang label, 'di mo alam kung sa'n ka lulugar at ano ang dapat at hindi mo gawin.

October 7 na at hindi pa rin niya ako pinapansin, si Tita Adeth lang lagi ang nakakausap ko.

"Tita, baka po p'wed-"

"Hijo pasensya ka na ha, hindi ko alam kung anong nangyayare sa inyo. Sinusubukan ko namang tumulong pero matigas ang ulo ng anak ko, hayaan mo kukulitin ko ulit." Napangiti naman ako sa sinabi ni tita, paalis na sana ako nun pero bigla niya akong tinawag.

"Bakit po tita?"

"Sabi ni Yasmeen sabihin ko raw sa'yo na umuwi na siya ng Manila."


PAG-ALIS ni tita ay tsaka ko lamang ako tumawa, ang kulit pa rin talaga ni Yas, hay nako lalo ko tuloy siyang namimiss! Kapag talaga nagbati kami. Ikukulong ko siya sa kwarto, tapos ano-basta 'yun, 'yung ano. Ah, basta!

Kelly's calling...

Agad ko namang itong sinagot.

"Napatawag ka?"

(📞: Kuya, gusto ka nang makita ni mommy. Pumayag ka na kasi, pati si dad gusto niyang makita)

Inilipat ko ang telepono ko sa isang tenga ko at binuksan ang gate, tsaka pumasok ng bahay.

"Alam mo na kung anong sagot ko d'yan, Kelly."

(📞: Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo? )

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon