WAKAS

85 25 10
                                    

A/N: This is it! Finally, na tapos ko rin. I can't believe na matatapos ko 'to, I thought na mara-writers block ulit, gaya ng dati. Pero hindi, thank you God! You gave me strength that's why this is the result. Thank you so much for reading. Sana ay nagustuhan niyo.

God Bless You All!

WAKAS

"WILL you be my wife? Are you willing to put my surname to your name Miss Yasmeen Lars Wilber?" tanong ni Levi. Naluluha naman akong tumango kay Levi, napangiti ito at agad akong niyakap nang mahigpit bago isuot ang singsing. Matapos niyang suotin ay hinalikan niya ako sa noo.

"I can't stop my self Yasmeen, dahil kahit saang anggulo mo man tingnan. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan at ipakilala sa kaniya.."

"Levi.."

"I love you love.. I love you..." sabi niya. Lalo akong naiyak at muli siyang niyakap, "I love you too and I always do."

NGUNIT gano'n nalang ang gulat ko nang magising ako na umiiyak, panaginip lang pala. Napaupo ako at pinunasan ang pisnge ko, ngunit tuloy tuloy pa rin ako sa pag iyak nang maalala ang pangyayareng 'yun. Noong papunta kami sa reception.


"LEVI?!" tawag ko sa pangalan niya, dahil naghihingalo siya bigla, kasasakay palang namin non. Dahil binalikan kami nila Joziah.

"Woi! Levi? Nantitrip ka ba? Levi?"

"Yasmeen what's wrong?" si Amir.

"A-Amir! Ideretsyo niyo sa ospital, si Levi!!" Agad namang binilisan ni Joziah na magdrive. Habang ako ay umiiyak na. Yakap yakap ko si Levi.

"L-Levi... A-Anong 'to? Nantitrip ka ba?" tanong ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Levi.

"L-Levi... H-Huwag k-ka n-naman g-ganiyan oh.."

"I-I L-love y-you... Y-Yasmeen.." sabi niya.

NANG makarating kami sa ospital ay diniretsyon agad siya sa emergency room. Humagulgol na ako, dahil sa mga nangyayare. Nag aalala na ako! Lumipas ang ilang oras at lumabas na ang doctor.

"Doc.. Si Levi po?" tanong ni Joziah.

Tiningnan naman niya kami na mukhang nag aalala.

"D-Doc? Na saan siya?" ako.

"May multiple myeloma ang pasyente. It's blood cancer that also can lead to one or more bone tumors.. And stage 4 na ito." paliwanag niya.

Niyakap naman ako ni Joziah, "A-Ano? D-Doc... G-Ganito na pala kalala pero, hindi niyo man lang sinabi sa'min?"

"I'm sorry, hindi kinaya ng katawan ng pasyente. I'm so sorry.." Sa pagsabi niya non ay tuluyan na akong bumagsak, napaupo ako at umiyak.

Marami pa siyang sinabi, matagal na raw silang nagsasabi kay Levi na magpa-opera siya. Ngunit tumanggi ito, dahil sinasabi rin nito paulit ulit na. Magagaya siya sa tatay niya. Nawawala rin daw siya, sayang daw sa pera, ngunit ngayon nga ay 'di raw nila alam na lumabas ng ospital si Levi, bawal daw siya mapagod. At ito, hindi kinaya ng katawan ni Levi. Naiiyak ako.. Bakit nangyare 'to? Joke lang ba 'to?

Pinapasok muna ako nila Joziah sa kwarto ni Levi, kaya lalo akong umiyak. Nakita ko ang cellphone ko ro'n na nakalagay sa kama. Naiwan ko kanina. Nang buksan ko 'yun ay bumungad sa'kin ang mukha ni Levi. Video 'yun. Hindi ko pa pini-play, pero naiiyak na ako. Habang pinapanood ko 'to ay nagpe-play sa utak ko ang pagkanta ko ng Marry me sa kaniya, bago niya ko tuluyang iwan.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon