KABANATA 20

57 26 9
                                    

A/N:  Happy are the pure in heart they will see God

God bless you mwuah!

KABANATA 20

ILANG buwan na rin ang nakalipas. March na, and today is our graduation day. Panibagong journey na naman ang bubuksan ko.


Matapos ang mga nangyare sa birthday kong 'yun ay masasabi kong nakakausad na ako kahit papaano.

Masakit pa rin, kahit na maraming buwan na ang nagdaan. Ang paghalik ni Levi kay Lexi sa harapan ko, at kung paano niya pinamukha sa'kin na hindi niya ako minahal. Nakatatak pa rin sa isipan ko.

Pero kung dati ay umiiyak ako, ngayon ay hindi na. I'm glad that I can face the reality now with my smile. And I know, it's not fake. Nasasaktan ako, pero masasabi kong makakamove on din ako.

Ang lahat ay nagpi-picture na. Tapos na kasi ang ceremony. And gosh! Graduate na ako! Huhuhuhu! I can't believe it!! Nakakaiyak.

"BESHIEEEEE!"

"YASMEEN!"

Sila Luka 'yan, agad ko naman silang niyakap.

"Gosh! Ang saya ko ngayon!! Nga pala besh, may party mamaya sa bahay. G ka ba?" tanong ni Juli. Nakaakbay naman sa kaniya Luka.

Well, nakalimutan kong sabihin. Sila na ni Juli, obvious naman 'di ba? Hahahah!

Noong nagplay kami as Romeo and Juliet ni Luka, naalala niyo ba? 'Yung bago magperform si Juli ay sinabi niyang mag uusap sila. Ayun nga, sinabi sa'kin ni Juli na noong araw na 'yun, napagtanto niyang mahal niya pala si Luka.


Hindi lang daw siya makapaniwala, pero nang simula niyang tanggapin ang nararamdaman niya para sa binata ay lalo pang lumalim ang pagkagusto niya rito. Ayun, nagkaaminan. Tapos, ayan. Walang ligawan na nangyare.

They also thanked me sa mga naitulong ko, dahil kung wala raw ako ay magpapakatorpe silang dalawa.

Masaya ako para sa kanila, hindi ko pa sinasabi ang about sa'min ni Levi, pero sigurado akong may hint na sila. Hindi lang sila nagtatanong, siguro ay nirerespeto nila ang desisyon ko na h'wag na munang ikwento.

Wala na rin akong balita kay Levi, ngayong graduation kasi ay wala siya. Hindi na rin siya pumapasok. Ang sabi ng teacher namin ay nagtransfer na raw. Nagulat ang iba, kasi ilang buwan nalang naman. Bakit pa siya nagtransfer 'di ba? Mapait akong napangiti nang maalala ko 'yun.

Gano'n ba niya ako kinakainisan? O talagang gusto niya nang lumayo, kaya gan'to ang ginagawa niya?

May party sa school, ngayon lang sinabi. Kaya naman 'di na tuloy ang party sa bahay nila Juli.

7 PM na, ang lahat ay nagsasaya sa party. May kumakanta sa stage, may mga sumasayaw. Ang kanta ay Still the one ni Shania Twain. Babae ang kumakanta, halatang sikat sila. Nagsisigawan kasi ang lahat. Ang iba pa ay may tarpaulin. Hindi ko lang maaninang ang pangalan, ang lilikot kasi ng may mga hawak nun at idagdag mo pa ang ilaw.

May isang drummer, dalawang guitarists. Ang vocalist lang nila ang babae. Halatang lasing na rin 'tong si Juli, ewan ko ba sa school namin. Bakit may alak dito, siguro dahil graduated na kami kaya sila nagpagan'to. HAHAHAHA!

"Ang ganda talaga ng boses ni Erin ano!" komento ni Luka. Sinamaan naman siya nang tingin ni Juli. Ahh, Erin pala ang pangalan nila.

Bumaling si Juli kay Luka, at pulang pula na ang itsura ni Juli. May tama na talaga.

"Ganda ba? Bet mo 'teh?" tanong ni Juli. Tinawanan naman siya ni Luka at inaawat na sa pag inom.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon