KABANATA 3

101 28 8
                                    

A/N: 'Yung suot ni Yasmeen ay nasa media mwuah, enjoy!

KABANATA 3

"SO gusto ko lang ipakilala ang bago niyong kaklase galing siyang Manila, sige magpakilala ka na," Naupo naman ang teacher namin kaya naiilang akong ngumiti sa mga kaklase ko.

"A-ah ako nga pala si Yasmeen Lars Wilber amm, nice to meet you." Naiilang naman akong ngumiti ulit nang magsigawan ang mga kaklase ko, lalo na ang mga lalaki.

"Ako nga pala si Luka!"

"Zabrina."

"Hi Yasmeen! ako nga pala si Caleb."

"Honey ang aking ngalan."

"Ako nga pala si Juli." Nginitian ko lang naman sila.

"Sige Ms. Wilber, maupo ka na sa tabi ni Mr. Estacio, " Dumiretsyo naman ako sa na sabing upuan ni ma'am at laking gulat ko ng makita kong si yabang 'yun!

Na naman? makikita na naman kita? kabanas ha!

"Stop staring, maupo ka na." Napairap naman ako bago umupo sa tabi niya, lakas mag english ha!

Napalibot naman ako sa classroom namin, maliit lang 'yun, malinis at malalanghap mo ang sariwang hangin. Parang nasa bahay ka lang.

Unti lang din ang mga estudyante, sa tingin ko ay kami ang pinakamarami. Bente.

Nasa gitna namin ni Luka si Estacio, pinagmasdan ko ang kaninang mga nagpakilala sa'kin, mukhang makakasundo ko si Juli. Sa tingin ko itong si Luka ay bading ang kulit eh, at itong si Honey naman ay halatang matalino, sa pagpapakilala palang ay halatang makata HAHAHA!

Si Caleb naman ay masasabi ko, ang gwapo niya jusme! Nakalimutan ko si Zabrina, hmm. Hindi naman sa nag-aasume ako, halata kasing parang ayaw niya sa'kin, pero ewan ko lang.

Nagsimula naman ang klase, about sa pagtatamim ang lessons. Saglit lang ang klase at uwian na. Wew!

Nagmadali naman akong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Yuki pero lentek, hindi sinasagot! Kaya naman bumaba na ako at doon nalang siya inantay.

"Bye Yasmeen!" Si Juli, malapit lang pala siya sa bahay at tama nga ang hula ko. Magkakasundo nga kami.

"Bukas nalang ulit Yas!" si Luka, kumaway naman ako sa kanilang dalawa, mukhang tropapips na kami.

"Buyseth, ba't ba ayaw sagutin ng babaeng 'to ang cellphone niya, aish!"

From: Yuki-kengkong

(Hala! Ate sorry nakalimutan kita, kanina pa ako nandito sa bahay. Kasama ko kasi 'yung mga kaklase kong umuwi hala sorry ate!)

Agad namang nag-usok ang ilong ko, siraulo talaga ang batang 'to ahhh! Kaya naman, wala akong choice kung hindi umuwi nalang mag-isa at naisipang tumambay na muna sa ilog.

Bago ako umupo ay napairap naman ako ng makitang nandito na naman si yabang, nakapwesto ulit siya sa malaking bato. Naupo nalang ako sa damo, kumuha ng kahoy at naglalaro ng tubig.

sobrang nakakarelax pala talaga rito, hays.

Hindi ko naman maiwasang mamangha ng makitang palubog na ang araw..

"Bagong lipat lang ba kayo rito?" Nabaling naman ang atensyon ko kay Estacio.

"Oo." tipid kong sagot.

"Ba't na isip niyo naman na dito tumira sa Cory?" Napairap naman ako, daming tanong.

"Bakit ang dami mong tanong? tss."

Kita ko namang natawa siya kaya napalingon ako, maya-maya ay naging blangko na naman ang mukha niya.

Napaupo ako at napahinto sa paglalaro sa tubig, "Ang totoo talaga ay ayaw ko rito, pero wala akong magagawa tamad kasi ako sa Manila, idagdag mo pa ang pagiging gipit namin. So, ayon, dito ang bagsak namin."

Napa 'O' shape naman ang bibig niya at umupo tsaka tumingi sa'kin.

"Akala ko lahat ng nakatira sa Manila ay mayayaman," Mukhang confidence pa siya sa sinabi niya kaya naman natawa ako.

"Hahaha, akala mo lang. Doon pa nga siguro ang maraming mahihirap at nangangailangan eh."

"Eh ikaw, isa ka pa sa mga 'yun?" Nagkibit-balikat lang ako..

"Hmm, ewan, siguro malapit na rin." Ngumiti lang siya tsaka tumingin sa langit, gano'n na rin naman ang ginawa ko.

"Ba-bakit nga pala ang sungit mo nitong una nating pagkikita?" Naramdaman ko naman na napatingin siya sa gawi ko, pero ako ay nanatili pa ring nakatingin sa langit.

(A/N: Insert background music: You I by Bolbbalgan4 charot!)

"Masungit ba talaga ako?"

"Hmm," I murmured.

"Hindi ko rin alam kung ba't gano'n ang inakto ko sa iyo noong araw na 'yun eh," Dahil doon ay napatingin na ako sa kaniya.

"Weh? Akala ko galit ka sa'kin!"

"Nah, I'm not.." Umiling-iling naman ako bago tumingin ulit sa langit na unti unti ng nawala ang liwanag.

"Yasmeen right?" pagkaklaro niya.

Muling bumalik sa kaniya ang atensyon ko, I was about to talk nang bumaba siya sa bato at inalalayan akong tumayo.

Hinawakan ko naman ang kamay niya tsaka tumayo.

"Salam-"

"I'm Levi Estacio, nice to meet you Yasmeen.."

To be continue..

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon