KABANATA 18

57 25 12
                                    

A/N: God said it won't be easy but it will be worth it -Bibles Time

God bless you!

KABANATA 18

KAHAPON ay tinanong nga ni Levi kung may gusto ba sa'kin si Caleb, sinabi kong oo. Umamin siya sa akin, pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ba ay gusto niya pa rin ako.

Umamin din si Levi na nagseselos siya. Nakakapansin na rin daw kasi siya sa mga inaakto ni Caleb sa akin, lalo na kahapon. Narinig niya pala 'yung pag uusap namin, 'yung kinuha niya 'yung basket na buhat buhat ko.

Well, patas lang kami. Nagseselos din kasi ako, inamin ko 'yun sa kaniya. At pareho na kaming nagkalinawan.

NGAYON, sabado. October 19. Pinapasok kami tsk, Kailangan na raw kasing magperform na kami. Para ma encode na 'yung grades. Pasahan na raw kasi sa monday. Kaya naman ngayon, May presentation kami sa english at music. Nandito si ma'am at sir sa room namin, napagkasunduan kasi nilang pagsabayin nalang. Kami ni Luka ay umacting. Siya si Romeo habang ako naman si Juliet. Nagpalakpakan ang lahat matapos naming magperform. Nagulat pa nga ang iba, dahil parang nagbalik loob na raw si Luka. Inaasar pa.

"Nice nice, balik loob ka na ngayon Luka?" tanong ng isa naming kaklase. Tinawanan namin sila ni Luka.

"Oo nga p're, mukhang balik loob na ah. Sinong nagpatuwid sa'yo? Si Juli o si Yas?" muling tanong ng kaklase ko, pero gaya kanina ay tinawanan lang sila ni Luka. Inasar pa nga siya sa akin eh, gano'n na rin si Juli na nag aayos na ng gamit, sila na kasi ang sunod na magpeperform. Tinawag pa nila saglit si Juli, at tinanong kung siya pa raw ang nagpatuwid kay Luka. Hindi sumagot si Juli, pero namumula siya WAHAHAH!

Napangiti naman ako, si Luka ay tumahimik dahil nasa harapan nito si Juli.

"Luka.."

Nagulat ako nang tawagin ni Juli si Luka, gano'n na rin malamang si Luka. Dahil nang iangat nito ang kaniyang mga mata kay Juli ay halatang nagulat at hindi makapaniwala na muli siyang kinausap ng dalaga.

"Pagkatapos naming magperform, mag usap tayo.." seryosong sabi ni Juli bago umalis. Saglit ko pang tiningnan si Juli na papalayo bago bumaling kay Luka na gulat na gulat pa rin.

"Did she just–f*ck!" Napangiti ako nang makitang ngumiti si Luka. Agad ako nitong niyakap at nagpasalamat. Niyakap ko siya pabalik at ngumiti.

Saglit lang na nagperform sila Juli at Honey, umacting lang din sila. Sunod naman ay si Caleb at Zabrina, umacting at kumanta sila. Parehang maganda ang performance ng magkasunod na nagperform.

Kaya naman ngayon, si Levi At Lexi na ang nagpeperform. Bago sila magperfom ay tinutukso na naman sila. Kumanta sila ng Wondering by Bridges of madison

"Nothings gonna happen🎶" si Levi.

Lumapit sila sa isa't isa at naghawak ng kamay, parehong nakatitig sa isa't isa habang magkalapit ang mga mukha.

"Nothing has to happen🎶" sabay na pagkanta nila sa huling lyriko. Ngunit gano'n nalang ang gulat ko ng halikan ni Lexi si Levi, kaya naman dahil sa inis, lumabas ako. Sa paglabas ko ay may narinig ko pa naghiwayan ang mga kaklase ko at may mga ilang asaran pa.

Required ba na halikan niya ang boyfriend ko?! P*ta, sana hinalikan ko na rin pala si Luka kung gano'n, kaso naalala ko. Hindi ako malandi, kaya hindi ako gagaya sa kaniya.

Nakatambay ako ngayon sa tambayan namin ni Luka, kailangan ko lang magpakalma. Nasisira ang beauty ko.

Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang makakita ng isang babae. Umiiyak siya, nang titigan ko siya nang mabuti ay doon ko napagtanto na si Fara 'yun.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon