KABANATA 1

200 29 6
                                    

A/N: Nasa media 'yung suot ni Yasmeen, hehe stay cute!

KABANATA 1

"YASMEEN LARS, anak tapos ka na ba d'yan? dalian mo kasi nand'yan na ang sundo natin!"

"Opo mama saglit lang," Malungkot kong tiningnan ang kwarto ko, hayst mamimiss ko kayo! Tsaka sinuot ang shades ko at umaktong model bago bumaba.

"Wohh ate, bakit parang bihis na bihis ka ata?" Inirapan ko naman ang kapatid ko, hindi ako bihis na bihis ano. Gan'to lang siguro talaga kapag pinanganak kang maganda. pwe!

"Kaya nga anak, baka naman masira ang sapatos mo dahil dadaan siguro tayo sa putikan mamaya."

Tinanggal ko naman ang shades ko, "ANO MAMA? seryoso ka po ba? masisira talaga ang sapatos ko nito huhu!"

"Eh ate ba't kasi ganiyan ang suot mo ha? feeling ka na naman tsh."

Pinandilatan ko naman si Yuki, "P'wede manahimik ka d'yan."

Pumagitna naman agad si mama sa'min.

"Tama na iyan, ang lalaki niyo na nag-aaway pa rin kayo. Hala sige! sakay na at baka gabihin pa tayo sa daan," Muli kong sinuot ang shades ko at inirapan si Yuki.

"MALAYO PA BA TAYO MAMA?" tanong ni Yuki, humawak naman ako sa upuan ni mama at sinilip siya.

"Oo nga mama, malayo pa ba 'yun?"

"Hindi naman masyado mga anak, unti pa at makakarating na rin tayo sa Cory Leonidas. Matulog na muna kayo para may lakas kayo.." Napabusangot naman akong bumalik sa pagkakaupo, nababagot na ako. Sumasakit na rin ang pwet ko!

Lumipas pa ang ilang oras at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng bigla akong yugyugin ni Yuki, pesteng yawa!

"Ano ba Yuki kitang natutulog eh!"

"Ewan ko sa'yo, maiinis ka rin naman kapag hindi kita ginising. Tingnan mo kasi ate! ang ganda ng view oh," Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tumingin sa bintana.

Omygadh, ang ganda..

Agad kong kinuha ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang ilog.

"HAHAHA sabi na nga ba at magugustugan niyo ang Ireberta, kapag nakarating na tayo sa bahay ng papa mo. Sasamahan ko kayong pumunta d'yan," Nagkatinginan naman kami ni Yuki at hindi napigilang mapangiti. hakhak! buti nalang at nag-ready ako ng swimsuits.

"Malapit lang ba tayo sa ilog na iyan mama?" Bumaling naman sa kaniya si mama.

"Oo anak, d'yan lang ang bahay natin oh.."

Pagkasabi non ni mama ay agad ng huminto ang sasakyan namin at bumaba na si mama pero kaming dalawa ni Yuki ay nasa loob pa rin ng sasakyan at nakatulala.

Talaga bang dito na kami titira? Hindi ako sanay dito, p'wede na bang magback out?T___T

"Yasmeen, Yuki, bumama na kayo d'yan at pumasok sa bahay," Lantang lanta naman kaming sumunod ni Yuki kay mama. Sa paglalakad naman ay siniko ako ni Yuki.

"Anak ng- Ano ba?"

"Ate.. Ayoko rin dito, alis nalang kayo tayo? kahit magdorm nalang tayo sa Manila. At least doon sanay tayong dalawa, dali na ate.."

Tinapik-tapik ko naman ang balikat ni Yuki.

"Kung p'wede lang Yuki, ginawa ko na iyan. Kailangan nating sundin si mama. Kaya hali ka na.."

Pumasok naman kami sa bahay at nagmano kay lola at lolo.

"Magandang hapon mama, papa," bati ni mama kay lola, agad naman kaming siniko ni mama.

"G-good afternoon po lolo't lola," sabay naming sabi ni Yuki.

"Magandang hapon, hinanda na namin ang kwarto niyo sa taas. Pasensya na at hindi gano'n kalaki iyon gaya ng kwarto niyo sa Manila."

Pilit naman kaming ngumiti ni Yuki.

"Nako! Ayos lang 'yun papa, salamat at pinatuloy niyo kami."

"HAHAHA walang problema Adeth, sige na at mag-ayos na kayo, Maghahain lang ako."

Sumunod naman kami ni Yuki, dumiretsyo kami sa kwarto namin at inayos ang mga dala-dalahin, habang si mama ay tumulong sa paghahain. Saglit ko lang ding naayos ang mga dala-dalahin ko at 'yung ibang damit ko ay hindi nagkasya. Dalawang maleta pa 'yun na pang-alis ang hindi ko nailalagay. Kaya pansamantala ko munang nilagay ang dalawa kong maleta sa ilalim ng kama ko.

Tinawag na rin kami para kumain pero tumanggi ako at lumabas muna ako nagpahangin saglit, 'di naman ako nagtagal dahil na bad trip din ako kaya umuwi agad ako at dumiretsyo nalang sa banyo para maghilamos. Nang matapos ako ay agad akong naupo sa kama.

hayst, kung 'di lang siguro kami nagipit ay siguradong hindi kami titira dito sa Cory Leonidas.

Nasapo ko ang mukha ko nang maalala ko kung pa'no kami nagmakaawa ni Yuri kahapon kay mama.

(FLASHBACK)

"Pero mama! kaya naman naming gawan ng paraan 'yung sa school namin eh. Lilipat nalang kami sa p-"

"Alam kong magagawa niyo 'yun, pero pa'no itong mga bayarin natin sa kuryente anak?" Shit! ayaw kong tumira sa probinsya!

"Edi magtatraba-"

"Nako Yasmeen, sa'yo pa nanggaling iyan eh ang tamad tamad niyo ngang pareho!"

Bigla namang sumabat si Yuki, "Mama! kung si ate tamad edi ako nalang, ako magtatrabaho h'wag lang tayo lumipat."

"Oo nga mama, tiyak na maa-out of place kaming dalawa ni Yuki doon, baka bully-hin pa kami!" Natawa naman bigla si mama dahilan kung ba't kumunot ang noo namin ni Yuki.

"Anong nakakatawa mama?"

"Hindi gano'n ang mga tao roon sa Cory Yasmeen, kaya tigilan niyo ako. Mag-empake na kayo dahil bukas aalis na tayo."

"Pero mama!"

"Mama naman eh!"

"H'wag na kayong magpumilit, para sa inyo rin 'yun. Para matuto kayo kung pa'no magkayod ng pera."

(END OF FLASHBACK)

Ayun lang naman ang mga pangyayare, nakakainis hindi ba aish, nasa kalagitnaan ako ng pagmamaktol ng biglang pumasok si mama sa kwarto.

"B-bakit mama?"

"Na-enroll na pala kayo ng lola niyo sa school, bukas ay papasok na kayong pareha ni Yuki. Iba ang mga pinag-aaralan dito kaya makinig kayo ha," Nginisian naman ako ni mama, nang-aasar ba siya!

"MAMAAAA!"

Natawa naman si mama, "Nakabusangot ka na naman Yasmeen, lalo kang papanget."

Napahawak naman ako sa pisnge ko, owemji? panget na ba akooo?

"Sige na, matulog ka na. Maaga pa ang pasok bukas," sabi ni mama tsaka lumabas ng kwarto ko.

Agad ko naman akong nahiga, tinaklob ang unan sa mukha ko at nagsisisigaw.

"AHHHH! AYOKO NA HUHUHU!"

No, no, kailangan kong umalis dito sa Cory Leonidas, kailangan ko!

To be continue..

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon