KABANATA 15

50 23 3
                                    

A/N: Ahez, unting kabanata nalang! LEz gOoo!

KABANATA 15

      Someone's Point Of View,

(A/N: Oh sige, hulaan niyo nalang kung kaninong POV 'yan, bleeeeh! :p)

I SMILED bitterly, as I saw him. Kakamatay lang ng daddy niya. Pero bakit parang okay na siya? Tsk.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga kaibigan ko.

"Juli.."

    (📞: Omg! Bebs! Ikaw ba talaga 'yan? I miss you!)

"I miss you too, p'wede ba tayong magkita?"

     (📞: Oo naman, sakto. Break time namin. Naku! Kailan ka pa nakauwi rito sa Cory?)

"Last week lang. Nasa labas ako ng school niyo. Sa tingin mo ba papapasukin ako?"

     (📞: Gaga! Oo naman, kilala ka naman ng guard d'yan. Since former student ka nila. Kaya sige hehe, pumasok ka na at nang mayakap na kita!)

"Miss na miss? Well, I want to hug you too, also him.."

Saglit pang naging tahimik sa kabilang linya.

"Juli? Are you still there?"

          (📞: Ah! Hahahah, oo. Ako nalang kaya ang lumabas?)

"H'wag na, papasok nalang ako d'yan. Tutal, namiss ko rin ang school.."

       (📞: Ha? H'wag na! Ako nalang ang lalabas..)

"Bakit? May tinatago ka ba?"

        (📞: Hala, wala bebs! Ako nalang talaga ang lalabas)

"No need, nakalabas na ako ng sasakyan. Papasok na ako, bye!"

        (📞: Beb–)

Binaba ko na agad ang tawag tsaka sinuot ang sunglasses ko. Well, I'm back at babawiin ko lang ang pagmamay ari kong napunta na sa iba.

---

        Yasmeen's Point Of View,

NASA school kami ngayon, pero hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung nangyare nung huling burol ni tito at ang mga pag-uusap namin ni Levi.

                ( FLASHBACK )

"What are you doing here?"

Nakuha ni Levi ang atensyon ng lahat, kaya naman napatingin ang mga bisita sa likod nila. Si Tita Vicy..

"Anak.. Kahit ngayon lang, payagan mo naman ako na makita siya."

Umigtig ang panga ni Levi at biglang ngumisi.

"Tss, really? You're really insane. Please, umalis ka na. Ayokong bastusin ang huling burol ng tatay ko."

Nakita ko ang pagkabigla ni Tita Vicy, ang mga mata ko ay nagpalipat-lipat sa kanila. Shit! Kailangan may gawin ako! Nagtatalo na sila!

"Levi please.. I'm begging you.."

Muling ngumisi si Levi at lumapit sa kaniyang ina.

"Nakakatawa lang, I remembered how daddy looks like when he pleased you.. And now? Nagmamakaawa ka rin sa'kin, nice. Nagkapalit ata kayo nang posisyon."

Hindi nakasagot si tita, pero bakas sa mukha niya na nasasaktan siya sa sinasabi sa kaniya ng sarili niyang anak.

Same with me, nasasaktan din ako. At the same time naawa kay Tita Vicy. But I can't blame Levi for being like this to his mom.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon