KABANATA 16

46 25 5
                                    

A/N: I love you all! Unting kabanata na lang and Goodbye AHSILY na HAHAHA! Well, enjoy reading! Don't forget to follow, vote and comment! Oo mga bEh. Sapilitan na naman. Bala kayo d'yan heh!

God bless💛

KABANATA 16

WALA akong gana kumain, nakatingin lang ako sa pagkaing nakalatag sa mesa namin.

Nakarinig naman ako nang kalansing, nang tingnan ko 'yun ay nakatingin na si Levi sa'kin. Binaba niya pala ang kubyertos.

"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong niya.

Tiningnan naman niya ako nang maigi, para bang unting galaw ko lang ay may ibig nang sabihin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, pero hindi siya natinig ro'n.

"If you don't like it here, we can find better. Where do you want to eat then?"

Lumaban ako sa mga titig niya, but still hindi pa rin ako sumagot. Narinig ko pang bumuntong hininga siya bago ulit magsalita.

"Are you not hungry?"

Habang nakatingin ako sa kaniya, ay pilit kong tinatago ang emosyon ko. Hindi ako sumagot, nawalan na kasi ako nang gana dahil sa nakita ko kanina. Nag-aalala ako, nag iisip nang kung ano ano. Kasi si Lexi 'yun, mas nauna siyang nakilala ni Levi kaysa sa akin. Anong laban ko ro'n?

Kung nagustuhan na siya noon ni Levi, pa'no pa ngayong bumalik na siya?

"Yasmeen, Are you thinking of her?"

Hindi ulit ako sumagot, nginitian ko lang siya at pilit na kinain ang pagkaing nasa harapan ko.

"Yasmeen.."

Muli akong tumingin sa kaniya, "May sasabihin ka ba Levi?"

Saglit pa niya akong tinitigan, na para bang sinusuri kung ayos lang ako. Bago magsalita, "May problema ka ba?"

"Wala naman," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit na ang totoo ay ayoko ko talagang kumain.

Hindi na muling nagsalita si Levi, pero ramdam kong nakatingin pa rin siya sa'kin. Kaya nga hindi ako makakain nang maayos, dahil sa tingin niya.

"Yasmeen." malamig na tawag niya.

Inangat ko naman ang ulo ko, "Bakit?"

"Is there something bothering you? Kanina ka pa tahimik."

Umiling naman ako.

"I'm sorry, wala kasi ako sa mood."

Kumunot naman ang noo niya.

"Wala sa mood? Why?"

Tinitigan ko siya, "Kailangan ba may dahilan lagi kung wala ka sa mood?"

"I don't know, that's why I'm asking you.."

Bumuntong hininga nalang ako, ano na naman bang nangyayare sa'yo? Ha? Yasmeen?

Tumigil ako sa pagkain, pero hindi ko tiningnan si Levi. Nakatingin lang ako sa mga paa ko. Maya maya ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kay Levi.

"Talk to me please? Nag aalala ako, lalo na kung gan'yan ang asta mo. May ginawa ba ako?" maamong tanong niya. Kung titingnan mo siya kanina ay parang kalmado siya, pero ngayon. Nag aalala na siya nang sobra.

Hinawak ko ang kamay niya at pilit na ngumiti.

"That smile.. It's fake, right?"

Umiling ako, "No.."

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon