KABANATA 19

48 24 13
                                    

A/N: Your pride stems from insecurity,  but if you know your worth in Christ, pride will not reign in you -Bible Time

mwuah!

KABANATA 19

UMUWI ako sa bahay na parang zombie dahil sa mukha ko.  7 am na nang umaga. Ngayon palang ako umuwi, hindi ako binungangaan ni mama. Kasi nga 'di ba, nagpaalam daw si Levi.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay tinawagan ko si Levi, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Muli akong umiyak, hanggat sa makatulog na.

11 am na nang magising ako, ang sakit ng mata ko. Pero kahit na nakatulog ako, naroon pa rin ang sakit. Kaya naman nagpalit ako ng damit at lumabas. Pupuntahan ko si Levi, kailangan naming mag usap. Baka niloloko lang ako nito.

Ngunit laking gulat ko nang makitang wala ng tao sa bahay nila.

"Naku miss, wala ng nakatira d'yan, kakaalis lang kanina. Hinahanap mo ba?" Hindi ako sumagot kay manang. Basta nalang akong umalis at pumunta sa Ireberta tsaka umiyak.

Bakit naman gano'n? Basta basta nalang siya nagdedesisyon. Talaga bang planado niya na ang lahat? Kasi oh, lumipat na siya. Talaga bang planado niya nang iwan ako?

Wala pa kaming isang buwan, pero iniwan niya na ako. Bakit naman gano'n? Talaga bang nakatadhana na sa'king masaktan ng paulit ulit?

Walang patawad eh, birthday ko na bukas oh. Pero bakit ganito naman ang niregalo sa akin?

Ang sakit p're, walang preno. Hindi ba p'wedeng sa susunod na araw nalang? Bakit ngayon pa, bakit kung kailan malapit na ang birthday ko, tsaka mo pa ako iniwan?

Iniisip ko pa rin na baka nanloloko o nagbibiro lang siya sa akin, na anytime. Babalik siya at magsosorry, pero tang'na. Nakauwi't nakaligo na ako ay wala pa rin. 8 pm na nang gabi pero ni anino niya ay wala pa rin.

Kinakatok na ako nila mama, niyayayang kumain pero sinabi kong busog pa ako. Nag aantay pa rin ako sa tawag niya, pero wala talaga.

Hindi ako makapaniwala, totoo ba 'to? Please.. Levi, bumalik ka na.

Yakap yakap ko ang unan ko at muling umiyak nang umiyak nang umiyak. Walang kapaguran, hanggat sa makatulog na naman ako. I even text Levi before I go to bed and sleep..

To: Love

    (Hindi ka na ba babalik? Please, bukas na ang birthday ko.. Walang patawad? Ito na ba talaga ang gusto mo? Please, pag usapan naman natin. May problema ba? Pag usapan natin, h'wag 'yung ganito oh. Don't leave me, akala ko ba ayaw mo kong saktan? Pero bakit ginagawa mo na? Nasasaktan na ako Levi! Tama na, bumalik ka na please.. Please.. I love you love, I love you so much.. Please, comeback to me my love..)

KINABUKASAN, October 21. It's my birthday! Maaga akong nagising, at abala na ang lahat sa paghahanda. Nandito rin sila dada, they also greet and sang for me. Pero ngiti lang ang tinutugon ko, pilit na ngiti rather. Ni excitement ay wala akong nararamdaman. It feels like a normal day for me, kahit na ang mga pamilya ko ay halatang ang saya saya. Si Yuki na alam kong broken hearted ay nagagawa na muling ngumiti.

Pero ito ako, nasasaktan na. Kung kailan birthday ko tsaka pa ako naging ganito. May pasok ngayon, lunes eh. Gabi gaganapin ang party ko, ewan ko kung saan gaganapin. Surprise raw sabi nila dada, pero nginitian ko lang din sila.

NANG makapasok ako sa school ay binasagan ako ng itlog nila Luka at Juli, magkasama silang dalawa.

Mukhang ayos na ang dalawa, tsaka ko nalang sila tatanungin. Wala ako sa mood, dahil sa mga nangyare, matapos kong pumunta sa cr at maligo ay nakasalubong ko si Levi. Nagtinginan kaming dalawa, blanko ang expression nito. Na animo ay walang nangyare sa'min kahapon. Nilabanan ko ang mga titig niya, pinigilan ko ring umiyak.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon