KABANATA 8

85 28 10
                                    

A/N: What you believe will be done for you, have a nice day everyone, God bless you!

KABANATA 8

IT'S already eight o'clock in the morning, September 14 na! At huhubelsT__T Kahit alam kong maganda ako hehe, kinakabahan pa rin ako sa laban ko mamaya, shit!

"Ate! Gising na aayosan ka pa! Hoy, ang tagal naman!"

"Ito na nga di'ba!" Kaya naman bumaba na ako at sinalubong nang mga ngiti sila lola.

"Good morning lola, lolo, mama, Yuki!!" sabi ko bago umupo sa upuan at magsandok ng kanin. Nakangiti naman ako habang naglalagay ng pagkain sa plato ko, hayst it's feels like ang ganda ng tulog ko kagabi.

"Anong mayro'n at mukhang ang saya mo ata ngayon ate?"

Nginitian ko naman siya.

"Bawal na bang maging masaya ngayon, Yuki?"

Napailing-iling siya bago kumain.

"Hmm, 'di naman, ang weird lang kasi ngayon lang kita nakitang gan'yan kasaya.. Dahil kanino naman 'yan ha, ate ?" Napairap naman ako nang makita ang mapang-asar niyang tingin. Issues everywhere

"Anong sino ka d'yan? Walang dahilan 'to ano, masaya lang, gano'n.." sabi ko bago uminom ng tubig.

Ngumisi naman sa'kin si Yuki habang kagat kagat ang hotdog.

"Okay.. Sabi mo 'yan sister.." Nakakaloka, nakakalokang magkaroon ng kapatid na abnormal. Akala ko naman makakakain na ako ng maayos pero hindi pa pala, kasi ngumingisi pa rin sa'kin si Yuki, letchugas 'to!

"Mama si Yuki oh!"

"Ano na namang ginagawa ko? Kumakain lang naman ako ah."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hah! Anong kumakain LANG? May pangisi-ngisi ka pa d'yan, para kang asong ulul!"

"Anong ulu-"

Hindi natuloy ni Yuki ang sasabihin niya dahil hinampas ni mama ang lamesa, muntik na ngang may malaglag na pagkain eh. Paktay!

"Ano ba kayong dalawa ha? Kitang kumakain di'ba? Pinapairal niyo na naman ang pagiging isip bata niyo. Hindi na kayo nahiya kila mama!" Nagkatinginan naman kami ni Yuki, nagdadalawang isip pa kung sino sa'ming dalawa ang unang magsosorry. Tahimik lang kasi sila lola halatang natatawa na ewan, gan'yan ata kapag matanda. Masaya lagi, hehe charot.

Nang kumalma si mama at bumalik sa pagkain ay magsasalita na sana kaming dalawa, ang kaso naunahan kami ni mama.

"Balak ko pa sanang bilhan kayo ng cellphone, kasi nga baka namimiss niyo na ang mga kaibigan niyo sa Manila. Tsaka 'yung cellphone niyong nakatago sa'kin mukhang luma na rin. Pero wala na, nagbago na ang isip ko."

Nanlaki naman ang mata ko at dali-daling yumakap kay mama, syempre 'tong asungot na ito. Yumakap din kay mama, hindi ko naman siya matulak kasi nga baka madagdag pa ang kasalanan namin. 'Di pa mabigay ang cellphone, edi tuluyang good bye cellphone naT___T

Ang tinutukoy kong cellphone ay 'yung touchscreen ha! Eh kasi may cellphone ako rito, bigay ni lolo. In case of emergency daw. Kaso dipindot, ayos lang naman. Pero nakakamiss kasi talagang mag-instagram ano! 'Yung mga followers ko tiyak na namimiss na ang mukha ko, hehe, sa ganda ko ba namang 'to hindi pa nila mamimiss? Ulok!

"Mama sorry na! Ito kasing si Yuki, napaka-issue! Siya ang h'wag mong bilhan. Mama sorry na!"

"Halaa, anong ako? Si ate ang huwag mong bilhan mama, di'ba ayaw mo ng nagjojowa agad? Ayan si ate meron na 'yan, kaya h'wag mo ng bilhan mama kasi makikipagchukchakan lang 'yan!"

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon