KABANATA 6

94 28 12
                                    

A/N: So ayon, gusto ko lang ulit mag-thank you lalo na doon sa mga nagme-message sa'kin about sa mga reaction nila sa mga stories na nagawa ko. Maraming salamaaat! Isa kayo sa mga inspirasyon ko💛

KABANATA 6

LUMIPAS ang ilan pang linggo, halos dalawang buwan na kaming nananatili rito sa Cory. Masasabi ko na talagang nag-eenjoy na ako. Gano'n din naman ang kapatid ko.

Nitong nakaraang Sabado rin ay tumawag sila Kelly sa'kin, wala. Nangangamusta lang naman sila at jusme nagtanong pa kung may gwapo ba raw dito, Maloko.

Naglalakad ako ngayon papuntang school, wala na 'kong balak intayin pa si Levi pa'no ba naman kasi ang tagal niya male-late na kami eh!

AT NANG makarating ako sa room ay sumalubong agad sa'kin si Juli.

"Uy besh! kaka-announce lang ni ma'am na may competition tayo na dapat salihan, naghahanap sila ngayong ng Mr. and Ms. CL of the year at HAHAHA! H'wag kang magagalit sa'kin eh kasi, nilasta kita doon sa papel na binigay nila."

Literal na lumaki ang mata ko habang napa-process pa rin sa utak ko ang mga sinabi ni Juli. Mr. and Ms. CL? shet! kasali raw ako? Sino ka-partner ko? Owemji! Ba't gan'to nararamdaman ko ha! Bakit nage-expect ako na siya 'yung ka-partner ko? Ih kese nemen eh! 'Di ko na kailangan sabihin kung sino 'yun, eh, alam niyo na eh!

"YAS!" Bumalik naman ako sa realidad nang biglang may yumakap sa likod ko, si Luka pala.

"Nabalitaan mo na ba na kasali kayong dalawa ni Caleb sa Mr. and Ms. CL? Hehe, kakagaling ko lang sa registrant kasi inabot ko 'yung papel at nako at daming fafa!" Hindi ko alam pero biglang nagbago ang emosyon ko, parang ayaw ko ng sumali. Ayan! Asa pa kasi Yasmeen, asa pa na si Levi ang ka-partner mo eh ang weird nga no'n hmpff!

"Hoy ateng! Ba't lutang ka d'yan? Ayaw mo ba ha?" Naupo naman ako habang si Luka ay naghatak ng upuan para magkakatabi kami nila Juli.

"Ano Yas, nganga tayo ngayon?" si Luka.

Bumaling naman ako sa kaniya at bumuntong hininga, dapat na ba akong umamin? ihh!

"HAHAHA! Nako bakla, mukhang may problema 'yung Ms. CL natin oh," Tinapik-tapik naman ni Juli ang likod ko at umakbay sa'kin.

"Ay, gano'n ba gurl? Ano bang chika natin ngayon?"

Hindi ako sumagot.

"Uy beshie, an'yare sa'yo? Ayaw mo bang sumali ng Mr. and Ms. CL? p'wede naman naming sabi-"

"Hindi besh, ano kasi may aaminin ako," Parehang nanahimik ang dalawa at bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Gusto ko si Levi."

Tahimik ulit ang dalawa, kaya naman nasapo ko nalang ang mukha ko. Shet!

"Gusto ko si Levi, beshie, Luka at hindi ko alam kung kailan nagsimula 'to!" Hindi pa rin umimik ang dalawa kaya naman nainis na ako at aalis na sana nang biglang..

"Aray!" Hinilot ko ang noo ko at tiningnan ang taong nabangga ko, ang tigas naman ng dibdib nito! Ngunit sa pag-angat ko sa ulo ko ay halos gusto ko ng tumakbo, si-si Levi!

"L-levi, hi!" Nginisian niya lang naman ako at dumiretsyo sa paglakakad, omygadh narinig niya kaya? Nasa pinto na ako no'n nang magsalita si Levi.

"Mamayang uwian, sa Ireberta tayo magkita Yas," Napalunok muna ko bago dali-daling tumakbo papasok sa cr.

"AHHH NAKAKAHIYA!" Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Laking pasasalamat ko dahil may dala akong panyo, pamunas sa mukha ko, muli akong tumingin sa salamin at isinandal ang dalawa kong kamay habang nakatingin pa rin sa salamin.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon