KABANATA 23

53 24 12
                                    

A/N: If your life is hard, always remember that God is always there for you. Just close your eyes and pray, then verything will be fine.

I love you all!

KABANATA 23 

ILANG buwan na ang nakalipas, nagpasa na ako ng resignation letter sa  office head namin. Nagpafarewell party pa nga sila sa'kin. Sinulit ko ang bakasyon ko rito sa Cory, kasama si Levi. Kahit na nakatambay lang kami sa ospital non. Masaya pa rin, tapos umuwi na nga ako ng Manila. Kasi gaya nang nauna kong na sabi, nagpasa na nga ako ng resignation letter. Bumalik na rin pala si Sir Noah. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi as CEO, kundi normal na empleyado lamang. Lahat ay nagulat, maski ako.

Medyo, ahm. Nagkaayos na rin kami, though. Kahit 'di naman kami nag away.

     

                 (FLASHBACK)

"Hmm.. Can we talk?" Natigil kami sa pagkakasiyahan nila Che nang biglang sumulpot si Sir Noah sa harapan ko. May pa party kasi 'tong sila Che, para sa'kin.

"Ah.. Che? Lalabas muna ako ha?"

Nginitian naman ako ni Che.

"Sure, mukhang importante."

NGAYON ay nasa labas na kami ng CGC. Lumulunok lunok lang ako dahil hindi pa siya nagsasalita. Akala ko ba may sasabihin siya?

"Yasmeen."

Nilingon ko siya, "S-Sir?"

Nginitian niya naman ako.

"I just wanna say thank you.." sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Thank you para saan?

"Para saan sir?"

Muli siyang ngumiti, "Kung hindi mo ako binasted. Siguro, hindi ko marirealized na may nagugustuhan na pala ako noon, 'di ka pa dumadating."

"H-Ho?"

"Nevermind."

Naging tahimik ulit, kaya muli akong kinabahan. Mali ba ang sinabi ko? Ngunit huli na ang lahat, magsasalita na sana ako kaso bigla akong niyakap ni Sir Noah.

"Naguguluhan ka ba? Hahahah! Ayoko na magkwento. Pero, nagpapasalamat pa rin ako," Humiwalay siya sa pagkakayakap at nginitian ako.

           (END OF FLASHBACK)

AYAN ang naganap nitong nakaraang buwan. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. Pero hinayaan ko nalang at tinuon ang buong atensyon ko kay Levi. Ilang  araw nalang din kasi ay birthday na ni Levi, September 11 na ngayon. 2 days before birthday ni Levi. I'm so excited. May surprise kasi kami para sa kaniya hehe.

"Malapit na birthday ko Yas," nakabusangot na sabi ni Levi. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay.

"Oh? Eh, ano naman ngayon?" Tsaka ko pinagpatuloy ang pag aayos ng kurtina rito sa kwarto ni Levi.

"Hah! Ano naman ngayon? Baka nakakalimutan mo Yas, last birthday ko nasaktan din ako. Kasi nag away tayo. Ta's ngayon, sasaktan mo ulit ako? Kakaiba ka talagang babae ka."

Pigil naman ang tawa kong nilingon siya, "Oh! Oo nga ano, eh bakit? Ikaw naman ang 'di sumipot noon sa contest ha. Kasalanan ko pa ngayon?" Bumusangot nalang naman siya. Naalala ko, September 14 pala ang laban namin noon sa Mr. and Ms. CL, tapos 'di siya sumipot. Sayang, ang panget ng regalo ko sa kaniya.

WELL, bawal pa kasi lumabas si Levi, hindi ko alam kung bakit hindi. Baliin ko buto nito, joke. Kaya naman dito rin kami magcecelebrate. Ininvite ko na 'yung mga kaklase namin dati. Pati 'yung mga kaibigan ni Levi, na hindi ko pa nakikila. Ewan ko ba d'yan. Si Juli at Luka kasi ang nagyaya sa dating tropapips nitong si Levi eh.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon