KABANATA 17

58 25 11
                                    

A/N: Mgaaaa behh WAHAHAH! Outfit ni Yasmeen ang nasa media. I love you all, kahit 'di niyo ko love. Hmpff!!
Magtatampo ako, mga 10 seconds T___T

jOke! God bless mga bEh, stay hydrated!

By the way, ang basa pala sa Juli ay yuli hindi dyuli. Thank you mwuah!

KABANATA 17

MAY pasok mga 'day, maaga ako nagising ngayon. Ay, no. Hindi pala ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip sa lintek na I love you ni Levi, ewan ko ba sa sarili ko. Maraming beses ng nagsasabi si Levi ng I love you sa akin. Pero parang sa inaasta ko ngayon, ay parang first time palang niya 'yong sinabi sa'kin. Ahhh! Ewan, late reaction ata hormones ko eh.

At dahil maaga nga akong nagising, ako na ang nagpresentang maghanda ng umagahan namin. Kasi si mudrakels, nagpaalam sa akin. Magpapaayos daw muna siya ng kuko niya. Tapos makikipagbonding sa mga kumares at kumpares niya, ayon. Pinayagan ko, ako kasi nanay dito eh. chOs.

Tsaka, anong aasahan niyo sa kapatid ko? 'Di 'yun marunong magluto. Señoritang señorita ang peg n'yan dito, maski sa bahay namin sa Manila, señorita 'yan. Ewan ko ba d'yan, 'di man lang nagmana sa'kin. Masipag na, maganda pa. Saan ka pa?

d^____^b

Ngayon, nagluluto ako ng sinangag o fried rice sa ingles. Pinaresan ko naman 'yun ng tuyo, itlog na maalat, with kamatis. Tapos vegetables salad, ano lang 'yun. Talbos ng kamote, kamatis, suka at tuyo, tsaka itlog na maalat ano. Try niyo! Masarap 'yun! Nagtimpla na rin ako ng tee, para kila lola. Bawal kape, ano. Tapos sa'min naman ni Yuki ay gatas, well. We still love to drink a milk every morning, or bago matulog. Hindi kami sanay sa kape, tsaka dzUh. Por que ba mga bata ang kadalasang umiinom nun, bawal na ba tayong uminom ng gatas? Ang sarap sarap nun eh!

ANYWAYS, nang matapos ako sa pagluluto't pag aayos ng hapagkainan. Agad ko rin namang tinawag sila lola't lolo para kumain na. Jusme, si Yuki nga muntik muntikan ko ng buhusan ng malamig na tubig. Tulog mantika! Hirap gisingin mga 'te, kailangan pang kurutin sa singit para magising.

I'm just, you know. Happy, but at the same time, I'm scared, kasi baka may kapalit na lungkot 'tong kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. H'wag naman sana.

"Malapit na pala ang graduation mo Yas, may plano ka na bang kunin na trabaho?" tanong ni lola habang sumisipsip ng tee.

Nahinto naman ako sa pagsawsaw ng tuyo sa suka at bumaling kay lola, "Oo nga po eh. Wala pa po akong plano lola. Heheheh."

Tumango tango naman si lola at muling sumipsip ng tee.

"Ahh ate, nagpaalam pala ako kay mama nitong nakaraan," si Yuki. Agad naman akong bumaling sa kaniya at kumunot ang noo ko, nagpaalam saan naman?

"Anong pinaalam mo?" tanong ko.

Sumeryoso naman ang mukha niya, nakatingin kami sa isa't isa. Habang sila lola ay nakatingin din sa'min.

Bumuntong hininga muna si Yuki, "Sa Manila ko tatapusin ang college ate. Sinabi ko 'to sa'yo, kasi baka gusto mong sumama rin sa akin," paliwanag nito.

Saglit pa akong tumingin sa kaniya.

"Bakit naman? P'wede mo namang tapusin dito ah?"

"Ayoko ate, kailangan kong magpahinga rin. Napapagod ako rito, emotionally. Ayoko ng makaalala ng mga bagay bagay na patungkol sa kaniya. Hindi ata ako makamove on," sagot niya. Lalong kumunot ang noo ko sa sinagot niya, wala kasi akong maintindihan.

"Hindi ako sasama, tsaka. Saan ka tutuloy? Naibenta na ba ang bahay?"

Tumango siya at humigop ng gatas saglit bago sumagot, "Oo nabenta na ate, titira ako pansamantala sa condo ng kaibigan ko. Pumayag na rin ang parents nun. Kapag nakapagtapos at nagkaroon ng trabaho, aalis na siguro ako ro'n. Tsaka kukuha na rin ng condo," sabi niya. Talagang may plano na siyang umalis, tss.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon