KABANATA 13

60 23 2
                                    

A/N: November 16 ko sinulat ang kabanatang 'to. So HAHAHA! Birthday ng tropapips ko ngayon. Happy birthday babaaa. I love yow!

KABANATA 13

           Yasmeen's Point Of View,

NASA school ako ngayon, nagpapagawa ng essay ang teacher namin sa english at wala pa akong nasusulat.

Nasa isip ko pa rin si Levi! Shit, kinakabahan ako sa pagkikita nila ni Tita Vicy. Kaya naman wala akong masimulan sa essay ko, kasi si Levi  lang ang tanging laman ng isip ko, ngayon. Hindi itong pesteng essay na ito.

"Hoy gurl, may nagawa ka na ba ha?" bulong ni Luka sa'kin.

Ipinakita ko naman sa kaniya ang malinis na malinis kong papel. Nasapo naman niya ang mukha niya.

"Tae ka gurl, gumawa ka na. Ipapasa na 'yan mamaya."

Nginitian ko naman siya nang pagkalaki-laki. Well, sana maintindihan niya ang ibig iparating nang ngiting 'yun.

Inirapan naman niya ako.

"Akin na ang papel mo, peste."

Ngumisi naman ako sa kaniya at inabot ang papel ko. Buti nalang busy si sir at hindi napansin ang pag-abot ko ng papel at pagdadaldalan namin.

"I love you gurl!" masayang sabi ko, inirapan naman niya ako, kaya naman natawa ako.

"Ewan ko sayo gurl, peste.."

Hindi ko naman na siya pinansin, nagsimula na naman kasi akong kabahan. Ano na kayang nangyare kay Tita Vicy at Levi? Jusme, sana naman nagkaayos na sila.

Habang nasa kalagitnaan ako nang pag-iisip, bigla nalang nagvibrate ang cellphone ko. Pasimple kong kinuha 'yun at patagong binuksan.

From: Kelly

     (📩: Sis, nandito ako sa cory ngayon. Can we talk?)

Hindi ko naman naiwasang mapangiti. Iniisip ko palang na makakasama ko na naman ang baliw kong best friend, naku! Naeexcite na ako.

To: Kelly

      ( 📨: Sige sis, tapusin ko lang third class ko. Break na rin naman mamaya, kitakits! I miss you!)

Sent!

Agad namang nagreply si Kelly.

From: Kelly

      ( 📩: Okay, see you later. I miss you too)

Uwuuuu! Miss na miss ko na talaga si Kelly, an'dami kong ikukwento sa kaniya. Simula nang dumating ako, ta's HAHAHA! Simula nang ano, 'yung labing labing namin ng kuya niya. Jusko! Kilig na agad akoooo!

To: Kelly

       ( 📨: Hehe, saan ang kitaan?)

Sent!

NAG-REPLY si Kelly, pero hindi ko na 'yun nireplayan pa.

"Okay class, pass your paper forward."

Bumaling naman ako kay Luka at inirapan niya ako bago iabot ang papel ko.

"Owemji gurl! Salamat talaga, hehe."

Nginusuan niya naman ako.

"Tse, ako rito kanina. Ginagawa ang essay mo, imbis na maghunting ng mga fafa. Tapos ikaw, nakikipagchukchak ka lang d'yan kay Fafa Levi with matching ngiti ngiti ka pa, desisyon ka cySt?"

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon