KABANATA 21

57 23 12
                                    

A/N: Treat them with greatest respect and love!

💛💛💛 

KABANATA 21

MATAPOS nang eksena namin ni Lexi ay umalis na siya. Papasok na sana ako kaso natigilan ako sa isang bagay na nakita ko. Nagulat ako nang makakita ng bouquet sa mismong tapat ng gate namin.

Kunot noo ko 'yung kinuha at inamoy ang bulaklak, ang ganda. Sino namang nagbigay nito?

Nang tingnan ko ang bulaklak, may nakita akong message.

To: Yasmeen

Hi! Congratulations, you're so beautiful. Lagi naman eh, I want to hug you, very tight. Kaso mukhang nag eenjoy ka sa party. Sana makita mo 'to, be happy :)

Hindi ko alam kung ba't naluluha ako, siguro dahil nag aassume ako na galing 'to kay Levi.

PERO gano'n nalang ang pagkadismaya ko nang makita si Rustin na naglalakad. Nakapamulsa ito at sumisipol. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya binaling niya ang paningin niya ro'n. Nagtama ang paningin namin, ngumiti siya at lumapit sa'kin.

"Ey! Congratu-"

"Sa'yo ba galing 'to Rustin?" Hindi siya makatingin, ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang makitang parang may sinisilip siya na kung ano sa tabi ng puno.

"Rustin, ikaw ba ang nagbigay nito?"

Sana hindi, please.. Sana hindi... Iyan ang laman ng isipan ko ngayon. Na sana ay hindi siya ang nagbigay. Na sana.. Sana.. Sana si... Hayst.

Nakita ko siyang ngumisi bago bumaling sa'kin, kumunot naman ang noo ko. Para saan 'yun?

Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko, "Ahh!! Oo! Hahahah! Ito oh, sorry iniwan ko lang d'yan. Akala ko kasi matatagalan ka pang umuwi."

Bumagsak ang balikat ko, siya ang nagbigay.

Nginitian ko naman siya, "Gano'n ba.. Sige, maraming salamat!" Pilit kong pinapakitang masaya ako na siya ang nagbigay. Nginitian naman niya ako tsaka niyakap. Nagulat pa ako nun.

"You're always welcome milady, sige. I have to go. Baka maiwan na ako ng mga kasama ko, " Tumango naman ako at kumaway sa kaniya.

"Sweet dreams milady!" sabi pa niya at kinindatan ako bago umalis. Natawa pa ako, siraulo talaga 'to si Rustin. Makapagpahinga na nga lang.

Nagsalo salo pa kami, kahit na ala una na ng madaling araw. Gising pa pala sila mama. Inaantay nila ako, ayun. Party party sa bahay. Masaya kahit papaano. Nawala siya sa isip ko.

DALAWANG linggo na ang nakalipas matapos ang graduation namin. Ngayon na ang alis namin ni Yuki papuntang Maynila. Sinabihan ko na rin kasi siya nitong nakaraan na nagbago na ang isip ko, sasama na ako sa kaniya.

Kaya ito kami ngayon, tamang beso lang kila mama. May mga ilan pa siyang paalala. H'wag daw makulit kemerut. Hindi na rin kami makikitira sa unit ng kaibigan niya. Kukuha na kami ng sariling unit, para naman hindi kami makaabala. Nakapagipon din naman kaming pareha ni Yuki, kaya keri na naman ito ano!

Idagdag mo pa na ihahatid kami ni dada papunta sa Maynila, kaya libre. Wala kaming magagastos hahahaha! Hindi rin ako nakapagpaalam kila Luka ng personal, busy kasi ang dalawa eh. Sa work, naintindihan ko naman. Si Caleb naman ay dinaanan ko sa DOLcoffee, nagpaalam ako sa kaniya. Nakalibre pa nga kami ng kape, nice!

ILANG oras din ang byahe bago kami makarating sa Maynila. Ows! Namiss ko ang Maynila gwabeeee. Nagpaalam na rin si dada sa'min, matapos niya kaming ihatid sa unit namin. Syempre, nagpaalala rin si dada sa'min. Tapos, binigyan kami ng pera. Pangkain daw.

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon