KABANATA 2

115 27 13
                                    

A/N: So ayon, gusto ko lang ulit mag-thank you sa inyo hikhok! Naka 90+ works na ako sa facebook at nand'yan pa rin kayo para sumuporta, kaya I love youuuuu all mwuah!

KABANATA 2

"DALIAN mo naman Yuki, baka mahuli tayo ni mama dali," Madaling araw palang ngayon at nag-asa balutan na kami nitong kapatid ko. Letche, por que ako 'yung nakakatanda ako na magbubuhat ng gamit niya? ang bagal pa!

"Unting bilis peste naman Yuki," Kung p'wede lang akong sumigaw, kanina ko pa siya nasigawan dahil sa kabagalan niya.

"Sa-saglit ate, kino-contact ko kasi si uncle, baka mapapayag ko siyang doon muna tayo tumira," sabi niya habang nagdudotdot pa rin sa cellphone niya.

Hindi ko na napigilang hatakin siya, "Anak ng baki-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil ng bumaling ako sa harapan ko ay nandoon si mama, masamang nakatingin sa'min..

"Oh ate? bakit ka hu-hu..minto, mama?" Agad akong napakamot sa ulo ko, lagot na!

"KAILAN niyo pa naisipang suwayin ako ha, Yasmeen? Yuki?" galit na tanong ni mama. Nakatayo siya at nakapamewang habang kami ni Yuki ay parehang inuupuan ang likod ng hita namin, dahil nakaluhod kami at nakayuko.

"Sagutin niyo ako! at ikaw naman Yasmeen, ikaw ang mas matanda, sinunod mo naman ang utos ng kapatid mo?" Nakayuko pa rin naman ako.

"Wala ba kayong mga boses at hindi kayo sumasagot sa mga tanong ko?!" Tsaka lamang ako nag-angat ng ulo at tiningnan si mama.

"Mama kasi sinabi na nami-"

"ABA AT SUMASAGOT KA NA YASMEEN?" Bumuntong hininga naman ako, minsan talaga hindi ko maintindihan si mama! aish!

"Sabi mo po kasi mama sumag-" si Yuki.

"At sasabat ka pa Yuki? Kailan kayong natutong sumagot sa magulang niyo ha?" Nagkatinginan kami ni Yuki at naintindihan naman naming pareha ang ibig sabihin ng tingin na 'yun, dahil pareha lang kaming nagkibit-balikat.

At dahil tumayo na ako, gano'n na rin ang ginawa ni Yuki at sabay naming niyakap si mama at hinalikan sa pisnge.

"Sorry na mama."

"Oo nga mama, sorry na po hindi na mauulit." At dahil marupok ang nanay namin, bumigay din siya, may kasamang batok pa 'yun!

Nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Ako si Yasmeen Lars Wilber a.k.a. Yas, at ang kapatid kong si Yuki Lars Wilber, At ang mama kong si Adeth Wilber.

Kung napapansin niyo, si mama nalang ang kasama namin. Sumakabilang bahay na kasi ang dada ko at ang weird di'ba? Kasi dito pa kami nakatira sa bahay ng magulang ni dada. Naintindihan naman naming pareho ni Yuki 'yun, dahil pareha kaming mababait na anak HAHAHA!

Hindi kami nangapa o nangulila sa tatay dahil hindi naman tumakbo si dada sa responsibilidad niya sa'min, sadyang hindi lang siya sanay sa bahay namin kaya ayon, naghanap ng ibang bahay charot.

Pero seryoso, swerte pa rin kami kasi hindi namin naranasan ni Yuki na hindi kumpleto ang pamilya namin, parang buo pa rin naman. Hindi nga lang umuuwi si dada sa bahay noong nasa Manila pa kami nakatira.

At HAHAHA hindi rin pinagdamot ni mama ang apelyido ni dada sa'min, naghiwalay kasi silang dalawa noong baby pa ako. Tapos nagkabalikan, nagjugjugan at charan! Dumating bigla si Yuki. Tapos wala na, nagchurva na ulit at wala ng comeback comeback na nangyare.

Kung sa side chicks naman ni dada ang pag-uusapan ay nako, ayos ang pagsasama namin, hindi masungit ang bago niyang asawa. Si Tita Rita, actually close nga sila ni mama. Isa lang ang anak nila, si Gavin 'yon, mas bata lang siya kay Yuki ng mga 2 years? dahil 17 na ako habang si Yuki ay 16 palang so bali ano siya, 14 years old palang at jusko mga 'te! ang tangkad niya, mas matangkad pa siya sa'kin jusko ha. Mukhang inaaraw-araw niya ay, joke.

KINAUMAGAHAN ay hinatid kami ni mama sa bago naming school at well, dahil maganda ako. Syempre pinagtitinginan ako, tss!

"Ate! Punta na ako roon ah, hahanapin ko pa 'yung room ko. Text text nalang."

Ngumiti naman ako, "Sige!"

Hinanap ko na rin naman ang room ko at omygadh! ayon yung lalaking payabang kahapon ah!

(FLASHBACK)

Kasalukuyan akong naglilibot sa bago naming tirahan at hindi ako sanay dito. Mula sa syudad tapos babagsak kami dito sa bukid? anak ng!

"ATE YASMEEN! TAWAG KA NI MAMA!"

Nagtakip nalang ako ng tenga tsaka deretsyong naglakad-lakad, kanina habang tinatahak namin ang daan ay may nakita akong ilog. Doon nalang siguro muna ako tatambay.

At hindi naman ako natagalan, madali ko namang nahanap ang ilog, naupo ako sa damuhan at hindi maiwasang bumuntong hininga.

"Ano ba 'tong pinasok ko, mabubuhay ba ko dito? Eh puro palayan ang nandito! Wala man lang akong nakitang malls o mga p'wedeng galaan aish!"

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, hindi talaga ako tatagal sa lugar na 'to!

"AHHHHH! AYOKO NA RITO," sigaw ko.

"Edi umalis ka, kaysa naman sisigaw sigaw ka d'yan. Nakakaabala ka sa natutulog," Nabaling naman ang atensyon ko sa lalaking nagsalita, nakahiga siya sa may malaking bato. 'Di ko man lang namalayan na may tao pala rito.

"Kanina ka pa ba rito?" Hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakapikit. wow ha!

"Oy tinatanong kita!" Tumayo naman siya tsaka agad na nagpamulsa, tiningnan ko ang kabuohan niya, in fairness, bongga ang lolo niyo. Hubog na hubog kasi ang katawan niya, makapal ang kilay at mukhang kissable ang lips!

Dahil sa pagtitig ko, hindi ko na ring namalayan na nakaalis na pala siya at ako nalang mag-isa rito.

weird..

(END OF FLASHBACK)

Agad na nanlisik ang mga mata ko, iyang mayabang na 'yan! Hmpff!

Hinabol ko siya at sa pagtakbo ko ay natisod ako, ipinikit ko ang mata ko at inaantay na tumama ang maganda kong mukha sa lupa, pero wala akong naramdaman. Idinilat ko ang mata ko at laking gulat ko ng makita kong sino ang sumalo sa'kin.

Si yabang..

Agad naman akong napalunok, dahil nakatitig siya sa'kin at hindi pa rin ako binibitawan.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka, mabuti at may sumalo sa'yo, paano kung wala? edi masasaktan ka? tss."

To be continue..

After He Said I love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon