Chapter 5 : Digmaan

762 45 8
                                    

[Luhan's POV]

Mabilis rin naman kaming nakarating dito sa palasyo. May emergency daw kasi eh.

"Kamahalan.." Salubong samin ng isa sa mga tagapaglingkod.

"Ano yung emergency?!" Sabay pa naming tanong ni Baekhyun. Hindi sya sumagot, sa halip ay naglakad sya kaya sinundan namin sya. Dinala nya kami sa rooftop ng palasyo. Mayroon dung isang parang screen kung saan may parang digmaan na nagaganap.

"Ano yan?" tanong ko.

"Isa po yang pangyayare sa hinaharap.."

Napakunot naman ang noo ko.

"Kung ganon, bakit may digmaan?" taka kong tanong.

"Isa yang sign na may sasalakay sa ating kaharian. Ito po ang emergency kamahalan. Mas mainam na manatili muna tayong lahat sa kaharian. Dahil hindi natin alam kung kailan ito mangyayare, kung bukas, mamaya, sa isang araw, sa isang linggo, sa isang buwan, o sa isang taon. Pero, pwede ring, ngayon." Kinilabutan naman ako sa sinabi nya.

"Ganun ba? Sino naman kaya ang sasalakay?" tanong ko.

"Hindi po namin alam kamahalan. Pinaghahandaan na po namin para maprotektahan ang ating kaharian."

"Ganun ba. O sige, mauuna na 'ko." At pumunta na kami ni Baekhyun sa kwarto ko.

"Ano na naman kaya ang nangyayare dito?" sabi ni Baekhyun at umupo kaming dalawa sa kama ko.

"Di ko rin alam eh. Sino naman kaya ang magba--" Naputol ang sinasabi ko dahil biglang nagbukas yung pinto, sabay kaming napatingin ni Baekhyun at andun si Yoona, ano na naman kayang kailangan nya?

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko.

"Wala naman. Gusto lang kitang makita. And you *turo kay Baekhyun* labas ka muna please.."

"Ah.. S-sige. Next time nalang ulit Luhan. Sige, mauuna na ko.." sabi ni Baekhyun at lumabas na.

"Anong kailangan mo, Yoona?"

"Wala naman. I just m--" hindi nya naituloy ang sinasabi nya dahil may narinig kaming malakas na pagsabog.

*BOOOMMM*

"Ano yun?!" sabay naming sigaw ni Yoona.

"WAHHH!!!" rinig naming may sumisigaw sa labas kaya agad kaming tumakbo palabas ng kwarto.

Pagkarating namin sa may labas ng palasyo ay maraming mga fairy-- ibang fairy. May kaguluhan dito. Tapos may mga pagsabog. Ito na yung digmaan!

"Kamahalan! Bawal po kayong lumabas! Masyado pong delikado!" pagharang ng isa sa mga kawal bago pa kami tuluyang makalabas.

"Kailangan kong makatulong jan!"

"Hindi pwede, kamahalan!" pagpigil nya.

"Sila ina at ama? Asaan?!" alala kong tanong.

"Nasa isang silid po sila, kailangan silang protektahan." sagot nya.

"Kailangan ko talagang tumulong." Kailangan. Hindi ako pwedeng tumunganga nalang dito ng walang ginagawa, hindi pwede.

"Luhan, no! Delikado nga daw, diba?! Halika na, doon na tayo sa kwarto mo!" pagharang sa akin ni Yoona pero inalis ko sya sa daan.

"Hindi pwede, Yoona. Ikaw ang pumunta doon sa kwarto. Tutulong ako." sabi ko.

"But, Luhan! It's dangerous!"

"Look, Yoona, makinig ka, wag mo na akong pigilan! Go to my room, now." sabi ko. May lumapit na isang maid at dinala sya sa kwarto ko.

"Kamahalan, sigurado ka po ba?" tanong sa akin ng kawal.

"Oo. Ihanda nyo ang nga pangprotekta ko sa katawan. Kailangan nating protektahan ang ating kaharian."

"Opo, kamahalan." sabi nya at nagbow tapos inutusan ang iba para kuhaan ako ng mga kagamitan.

Pinagmasdan ko ang labas. Magulo, maraming nagaaway, maraming sandata. At sa nakikita ko, ang mga fairy na ito ay iba, ngayon ko lang sila nakita.

----------------

A/N: After 990700011004216112688894 years, ay nakapag-update na rin ako sa wakas! Hohoho.

I'm so sorry kung napakatagal. Sa totoo nga lang, naisip ko nang idelete nalang to kasi wala na akong maisip sa plot, pero di ko parin dinelete. Hanggang, bigla nalang gumana na naman tong utak ko, kaya expect updates! Hahaha.

Sana ay anjan pa rin kayo kahit papano -3-

Vote and Comment <3

An Extraordinary Love (LuFany) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt